Chapter FIVE

5.5K 131 3
                                    

SHANAIA

"Hija sumabay ka na samin kumain, alam kong gutom kana. Halika dito sa kabilang bahay." Nagulat siya ng makita si nay meldy sa pinto ng inuupahan.

"Sige po nay meldy. Susunod po ako." Magalang na saad niya dito.

Umalis naman kaagad ang ginang.
Ilang linggo na din siya sa tinitirhan at isang 2 araw na lang bago ang kanyang kasal.

Noong unang araw niya ay tinadtad siya ng tawag ng mga magulang. Lalo na ng abnormal na unggoy na monterial na yun.

Kaya naman pinatay niya ang phone niya. Bumili siya ng bago. Si Kelland naman ay tumatawag din sa kanya.

Sinabi naman niya ditong okey lang siya. Pero hindi niya sinabi kung nasaang lugar siya.

Mahirap na. Kahit alam niyang kaya siyang protektakan nito ay hindi niya pa din kayang irisk ang porsyento na yon. Dahil alam niyang kukulitin lang ito ng mga magulang niya.

At hindi nito malilihim sa mga magulang niya iyon. Kaya kahit miss na niya ang binata ay tinitiis niya ito. Ayaw niyang madamay ito sa problemang mayroon siya.

~
Kakatapos lang nilang kumain ng tanungin siya ni tay isyong.

"Hija ikaw ba e walang balak ipagpatuloy ang pag aaral mo?"

"Mayroon naman po kaya lang ay gusto ko po sana ay yung malapit lang dito." Sagot niya sa matanda. Gusto rin naman kasi niyang matapos ang kurso niya. She wants to be successful on her own.

"Ay kung ganoon pala ay may malapit na kolehiyo dito, diyan lang iyon sa kabilang bayan." Si nay meldy iyon na tuwang tuwa pa.

"Talaga po?" Hindi naman niya napigilan ang sarili. Dahil talagang natutuwa siya. Mag tatatlong linggo na rin siyang hindi pumapasok sa school niya.

At alam niyang nagtataka na ang mga kaklase niya. Alam kasi ng mga ito na gustong gusto niyang makuha ang titulo bilang summa cumlaude. Kaya lahat ay talagang ginagawa niya.

At dahil nga sa sinabi ng parents niya tungkol sa kasal niya ay tumakas siya. Hindi niya kasi talaga kaya. Gustong gusto niyang matupad lahat ng pangarap niya. At higit sa lahat ayaw niya kay Ash Monterial. Kung dati ay gustong gusto niya ito, ay nagbago na siya.

Hindi na siya ang shanaia na dating patay na patay dito. Simula ng malaman niya ang tungkol sa bagay na iyon. Tapos biglang ikakasal sila. Nakaka urat yun.

Hindi niya kayang matali sa lalaking may ibang mahal. Sa lalaking pinaglaruan lang siya dati. Sa lalaking ginagawang damit ang pagpapalit ng babae. Hinding hindi niya kaya.

"Kung ganun ay maaari kitang samahan bukas sa kabilang bayan para makapag enroll ka. Hindi pa naman kasi masyadong nag uumpisa ang klase." Dahil sa narinig ay ngumiti siya bago tumango.

Magtatapos siya ng wala sa puder ng mga magulang niya. Matututo siyanv tumayo sa sarili niya.

"Salamat po nay meldy at tay isyong sa lahat ng tulong niyo sakin" nginitian lang naman siya ng mga ito. Kaya bumalik na siya sa sariling bahay. Para ayusin ang mga kakailanganin niya kinabukasan sana lang ay mababait ang maging kaklase niya.

A/N :
Short update. Sorry late po :)

©EmEmLi

Monterial Clan 2 : The Playboy Drummer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon