Chapter ELEVEN

5.5K 129 1
                                    

SHANAIA.

Kanina niya pa pinagmamasdan ang mukha ni monterial. Wala pa ding nagbabago dito. Maliban lang sa buhok nito na dati ay blonde katulad  ng sa kapatid nitong si ashley.

And speaking of ashley. Natawagan niya na rin ito at sinabi dito ang kalagayan ng kapatid nito. But ashley didn't mind what she said. Parang wala itong pakialam sa kapatid ang sabi pa nito ay kasalanan naman daw ni Ash kaya dapat lang daw dito kung ano ang nangyari.

Ashley seems know everything. Na gusto niyang malaman. Pero kahit anong tanong niya dito ay hindi nito sinasabi sa kanya.

"Ji don't leave me please" napatingin siya kay monterial ng magsalita ito. Akala niya ay gising na ito ngunit hindi pala.

Nananaginip ang binata.

"Please, i love you so much" hindi niya alam kung bakit ? Pero nasasaktan pa rin siya sa tuwing sinabi nitong mahal siya nito.

Hindi siya makapaniwala.

"Jionne." Hindi na niya kaya pang makinig sa mga salita nito kaya lumapit na siya dito at ginising ito.

"Monterial wake up, your having a bad dream" ngunit ungol lamang ang sinagot nito sa kanya.

"Monterial, come on your just having a bad dream. Wake up" ulit niya dito. Nang makitang unti unti na itong dumilat ay saka siya lumayo. Pero hindi pa siya nakakalayo dito ay nahawakan na nito ang braso niya. Bago tumitig sa kisame at nagsalita.

"They're just not a bad dream Shanaia because they were real. Totoong nangyari. Sana nga bad dream na lang e. Para hanggang panaginip na lang pero totoo kasi. Totoo kasi yun. Hindi ko naman kasi sinasadya." Matiim pa rin ang pagkakatitig nito sa kisame.

Hindi niya ito maintindihan. At kahit kailan ayaw niya na itong intindihin.

"What are you talking about monterial ?" Tanong niya dito.

"The day you left. Ayoko shanaia hinabol kita sabi ko babawiin kita. Sasabihin ko na sayo lahat. Wag mo lang akong iwan. Pero natakot ako. Natakot ako na baka pag nalaman mo mamuhi ka sakin. Hindi ko kaya shanaia. Hinding hindi. Ayokong ikulong ka lang sakin. Madami kang pangarap. Samantalang ako kahit isa wala." Tumitig ito sa kanya bago muling nagsalita. "Meron pala ikaw. You are my dream Shanaia Jionne. Pero lahat ng yun nagbago dahil lang sa kasalanan ko." Ano ba kasing ginawa mo monterial bakit hindi mo masabi sakin. Ang alam ko lang ay ang pustahan niyo ng barkada niyo. Yun ba ang kasalanan mo. Alam ko na yun monterial matagal na.

"Ano ba yung kasalanan na yun monterial sabihin mo nga ?" Tanong niya dito.

"Ayoko shanaia. Ayoko ng mawala ka. Hindi ko na kaya. Yung tatlong taon na wala ka halos ikabaliw ko na. Ayoko ng maulit pa ulit yun. Hindi ko na kakayanin. Durog na durog na ako shanaia." Tumutulo na ang mga luha nito. Bakit mo ba ako iniiyakan monterial ? Hindi ako special. Wag mo kong iyakan.

"I fall hard jionne. Hindi na ako makakaahon. Kahit na anong pilit ko. Hindi ko na kaya sobrang lunod na ako sa pagmamahal ko sayo. Please jionne catch me. Save me from this." Hindi ko alam kung paano ka sasagipin monterial. Dahil katulad mo lunod na lunod pa rin ako sayo. Hindi pa ako nakakaahon. Hindi pa. Paano kita tutulungan gayong ang sarili ko nga'y di ko alam kung paano ko iaahon sa pagka lunod sayo.

"I can't monterial. Hindi ko kaya." Tinitigan niya ang gray na mga mata nito. Ang lakas pa rin ng hatak mo monterial. Pinilit niyang kunin ang braso niya mula dito.

"Wag mo kong iwan jionne, ikaw na lang ang mayroon ako. Please." Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang paniwalaan monterial. Hindi ko na alam.

"Kung hindi ka pa handang sabihin sakin ang lahat ash. Lagi tayong magiging ganito. Hindi mo ba naisip na kaya nasasaktan tayong dalawa ay dahil hindi mo masabi yang nasa loob mo." Aniya dito.

"Dahil natatakot ako jionne. Natatakot akong iwanan mo ako ulit ng walang dahilan. Natatakot akong hindi ka na bumalik. Natatakot ako, natatakot ako." Pahina ng pahina ang boses nito habang sinasabi ang lahat ng iyon.

"Walang magagawa ang takot mo ash kung hindi mo haharapin yan. And ash may dahilan ako kung bakit ako umalis noon. Sinagip ko lang ang sarili ko sa pagbagsak. Dahil wala ng sasagip pang iba sakin kundi ako lang."

"Sasagipin kita jionne. Sasagipin kita."

"Hindi mo ko masasagip ash, dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako mahuhulog. Ikaw ang dahilan. Kaya wag mong sabihin saking sasagipin mo ako. Kung ikaw mismo ang dahilan." Saad niya dito bago kumawala ang mga luha niya. Hindi na niya kaya. Pagod na siyang ipakitang matapang siya. Kahit ang totoo ay hindi. Pagod na pagod na siyang magkunwari.

Napangiti siya ng mapait ng makita ang gulat na ekspresyon nito.

"Suprise ash ? Am i that easy ha ? Ang saya ko na nun e. Bakit hindi ko nalaman na kasinungalingan lang pala lahat. Akala ko kasi ash. Magkakampi tayo e. Pero nagkamali pala ako. Nagkamali ako."

"That was not a lie jionne. Totoo lahat yun. Hindi yun kasinungalingan lang." Galit na sabi nito.

"Tang *na ash. Maglolokohan pa ba tayo dito. Tama na, kasi pagod na ako e. Hindi ka pa ba pagod ? Kasi ako Oo pagod na pagod na ako maglaro sa walang kwentang larong to ash" sigaw niya dito  hindi na niya kaya e. Nanghihina siyang napaupo sa couch ng hospital suite nito.

"Jionne please mahal kita." Ang hirap ng paniwalaan lahat ng salitang nang gagaling sa bibig mo. Hindi ko na kayang maniwala. Kasi masakit na. Kung durog kana ano pa ako. Wala na.

©EmEmLib

Monterial Clan 2 : The Playboy Drummer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon