SHANAIA.
Nakatitig lang siya sa mukha ng binata. Kanina ay halos hindi siya makagalaw ng bigla itong mawalan ng malay habang yakap yakap nito ang mga tuhod niya.
Kaya naman sa pagkakataranta niya ay natawag niya si adiel ng makita niya ito. Nagpatulong siyang buhatin ito pasakay sa kotse ni monterial buti na nga lamang at nasa harap lang nila iyon kanina.
"Thank you nga pala sa tulong mo kanina monteamor." Binalingan niya ito ng tingin. Bago ngumiti. Gulat na gulat naman itong tumingin sa kanya kaya naman nagtanong na siya.
"What ?" At hindi niya alam kung maiinis siya sinagot nito o ano.
"You smiled ? Wow" Really may saltik ba to. Wala ba siyang karapatan ngumiti.
Tinaasan niya na lang ito ng kilay bago ibinalik ang tingin kay monterial na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Narinig naman niya ang pagbukas ng pinto, kaya ibinaling niya doon ang tingin. Pumasok ang isang doctor at nurse doon. Kilala niya ang doctor na iyon si Doc. Blaze Hunkings. Kaibigan ito ni Kelland since college. Kaya naman naging close niya din ito and unfortunately alam din nito ang lahat ng nangyari tungkol sa kanila ni monterial.
"Shanaia, how are you babe?" Ngiting ngiti ito ng bumati sa kanya. Sinagot niya lang naman iyon ng tipid na ngiti. Nilapitan siya nito bago ginawaran ng halik sa pisngi.
"Such a playboy" usal niya dito na ikinatawa lang naman nito.
"By the way. How is he?" Tanong niya dito.
"Over fatigue lang babe. At kulang din siya sa tulog. He needs to rest and eat." Sagot nito sa kanya bago siya binigyan ng matiim na tingin.
And obviously alam ni Hunkings kung gaano kasakit ang pinagdaanan niya noon.
"Don't give me that look hunkings, you know me." Naiinis niyang turan dito.
"Yes i know you. Kaya alam ko din kung gaano mo ka-" bago pa nito matapos ang sasabihin nito ay binigyan niya na ito ng nakakamatay na tingin.
Damn hindi lang sila ang tao sa loob na kwarto na iyon.
"Okey. I'll go ahead. And babe please don't commit the same mistake again." Paalala nito sa kanya bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon.
"Who's that? Why is he calling you babe?" Sunod sunod na tanong sa kanya ni monteamor.
"Doc Hunkings. And that is none of your business." Sagot niya dito ayaw niya munang pag usapan ang lahat. Dahil lalo siyang naiistress.
Akmang magsasalita pa ulit ito ng bumakas ulit ang pinto at iniluwa noon ang taong miss na miss na niya.
"My baby" dali dali siya nitong niyakap. Hindi na niya napigil ang sarili tuluyan na siyang napaiyak sa bisig nito.
Itatanong niya pa sana kung paano nito nalaman na nandoon siya ng biglang may humaltak sa kanya papalayo sa binata..
And that is MonteAmor.
"Who are you ?" Tanong ni kelland dito.
"Huh. I am the one who's asking that now. Who are you ? And why are you hugging Samaniego ?" Tanong nito.
Nakita niya naman ang pag smirk ni kelland bago ito sagutin.
"Samaniego ? Dude. She's Montenegro not samaniego o baka naman ibang babae ang tinutukoy mo." Alam na alam niyang nang aasar si kelland sa lagay na yun. Kaya hindi niya maiwasang kabahan. Knowing kelland. Hinding hindi ito nasuko.
"She is sharmaine samaniego dude." Angil ni adiel dito. Shit MonteAmor know's nothing hindi nito alam kung sino talaga siya. Kaya naman bago pa makapag salita si kelland ay nagsalita na siya.
"I'm not sharmaine samaniego. Monteamor." Kita niya ang gulat sa mga mata nito.
"I am Shanaia Jionne Montenegro." Dagdag niya pa dito.
Alam niyang naguguluhan ang binata sa sinabi niya.. Narinig niyang bumukas ang pinto tanda na lumabas si MonteAmor.
Lumapit na siya kay kelland at mahigpit itong niyakap.
Gusto niyang iiyak lahat dito ng sakit na nararamdaman niya."Stop crying now baby, please" hindi siya nakinig dito. Tuloy tuloy pa rin ang pag agos ng luha niya sa mga mata niya. Ito naman ay tinutuyo ang mga luhang lumalabas doon.
"I tried to forget him kelland, I tried everything to stop this feeling. Pero wala pa rin. I've worked hard to this pero bakit nung nakita ko siyang umiyak at lumuhod sa harap ko. Nagbago lahat. Sabi ko hindi na ako babalik sa shanaiang iniwan niya dati. Ang shania na kawawa kasi walang nagmamahal." Iyak na siya ng iyak. Si kelland lang ang nakakaintindi sa kanya simula ng iwan siya ni Monterial.
"Hush now. Stop crying." Hindi niya alam kung gaano siya katagal umiyak dito.
Pero nagpapasalamat siya na nandito ngayon ang human comforter niya. Hindi niya ata kakayanin pag wala si kelland.
©EmEmLib
BINABASA MO ANG
Monterial Clan 2 : The Playboy Drummer (COMPLETED)
RomancePara kang virus na unti unting kumakalat sa katawan ko. Hanggang sa ang buong sistema ko'y pangalan mo na ang sinisigaw. Akala mo ba madaling ipakita sayo na hindi ka mahalaga. Na wala akong paki. Pwes hindi, makita pa lang kitang kasama ng lalaking...