CHAPTER 1

92 1 0
                                    

CHAPTER 1

Angel

If it wasn’t for that stupid alarm clock, malamang hindi ako nagkakandarapa papunta sa waiting area ng mga bus para lang hindi ma-late. Oh geez! Hassle na masyado. Dapat kasi sinigawan na ko nung alarm clock ko eh. Aba malay ko bang na-snooze ko ‘yun. Dahil sa pagkapuyat ko matapos lang ‘yung story ko kagabi… I mean, kaninang madaling araw, I look like a freakin’ zombie now. But not a walking zombie, a running one. Remind me to invent a talking alarm clock in the future.

Takbo lang ako ng takbo. Buti na lang hindi ako mahilig sa heels. Haha! I know, mukha na akong tanga kakatakbo dito. Okay lang. Pake ba nila? Bawal na bang tumakbo sa side street ngayon? Eh sa malelate na ko eh.

*BOINK*

“Awts!” Nak ng tokwa! Nakabunggo pa ko oh. Napahinto tuloy ako at tumingin dun sa nabunggo ko.

Tinignan ako ng masama nung lalaki. I looked at him from his head to toe. Wala lang. Kinilabutan kasi ako sa kanya. Mukhang adik eh. Ugh! “Anong tinitingin-tingin mo? Ikaw na nga ‘tong nakabunggo eh. Sorry ah!” He said sarcastically.

“S-sorry. I didn’t mean to.” Teka! Baka hindi nya maintindihan. Baka bigla pa kong saksakin nito. “Ang ibig kong sabihin, patawad. Hindi ko sinasadya.”

Lalo namang kumunot ung noo nya at lalong sumama ung tingin sakin. “What do you think of me huh? Bobo na hindi makaintindi ng simple English?” He just shouted at me.

“Uhm… nililinaw ko lang naman ah. Masama? Nagsorry na nga eh! Makasigaw wagas?”

Manununtok na yata sa inis ‘to. Ayoko namang mabugbog noh kaya nagwalk out na ko. “Bahala ka nga dyan!” Besides, late na ko noh. Kaya back on takbo na naman ako. Panira! BV ung lalaking un! Ang angas!

I immediately rode the bus on the way to our office. 6:30. Sana lang umabot ako. I don’t want to be late. This morning’s the deadline for my story. Please, not now. Of course, ayoko namang masayang lahat ng paghihirap ko noh.

Umupo ako dun sa medyo middle part ng bus. Puno na kasi ‘yung mga seats sa harapan. And ayokong-ayoko namang uupo sa likod. Kahit naman palagi akong sumasakay ng bus, I think I’ll never get used sa nakakalokang pagsakay at pagbaba dito noh. You know what I mean.

Napansin ko naman na ‘yung katabi ko… hmmm… spell HOT. Siya na ‘yun. With those sunglasses and fitted shirt and faded jeans, bakit parang ang lakas ng dating nya? WHOOOO! Mukhang mayaman pa. Ang puti eh. Pang-model ung face and body. (*O*)

Ahemmm… Relax, Angel. Be a good girl. Wag munang lumandi. Male-late ka na oh.

Tumahimik na lang ako buong byahe. Deadma lang din naman kasi si Mr. HOT Seatmate eh. Alangan namang kausapin ko ung sarili ko in a public place. Nakakahiya naman. Pag mag-isa ako, OO, ginagawa ko un. May nakapasak na earphones sa mga perfect ears nya habang nakatingin dun sa bintana. Siya kasi ung nakaupo beside the window eh.

This is not a happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon