CHAPTER 29
Angel
Our relationship isn't perfect. We have these flaws and imperfections that I'm still trying to cope up with kahit kami na. Trying very hard. Lalo na't biniyayaan ako ng makulet na boyfriend.
"Mon ange, please! Sige na! Sandali lang."
I was editing a lot of articles kasi malapit na ang deadline for these. "Aaron, next time na lang. Busy talaga ako."
"Imomove ko na lang ung deadline nung sayo."
I just gave him the look. "Alam mo namang ayokong special treatment mo sakin. I'm still an employee in your company kahit girlfriend mo ko."
Isa yan sa madalas namin pag-awayan. Not the serious awayan naman. Ung typical lang. Ayoko kasi talaga ng unfair treatment. Ayokong magbago ung tingin ng mga officemates namin sakin. Mamaya magka-issue na naman eh. Katulad nung kina Wendy at Yan dati. Ayoko nang maulit un.
Matampuhin pa rin sya, as usual. Pero okay lang naman sakin. Part na siguro ng pagiging childish nya un. Except for the fact na sanay na ko, madali naman kasi siyang amuhin eh. Konting pacute and sweetness ko lang sa kanya eh bibigay na kagad un. Haha! Kaya at the end of the day, pagtatawanan na lang namin ung mga pinagtatampuhan namin sa isa't isa.
"Mauuna na ko sa coffee shop. Nagugutom na ko." Ang tagal naman kasi ng ginagawa nya.
"Sige. Ingat ka, Mon ange. Susunod ako maya-maya."
"Wag mo kong paghihintayin ah. Baka mamaya paghintayin na naman ako nito sa wala. Tss!" I murmured the last part.
"Ano un?"
"Wala."
"Mon ange, ano nga?" Uh oh! Ginamit nya na ang the voice.
"Sabi ko, wag mo akong masyadong paghintayin. Baka paghintayin mo na naman ako sa wala katulad dati."
Nagulat naman sya sa sinabi ko. "Katulad dati?"
"Oo. Bakit?"
"Hindi naman kita pinghihintay ah."
Hindi nya yata alam na pinaghintay nya ko dati sa resto nun. Oo nga pala. I lied to him before about that part. Sinabi ko nga pala na hindi ako naghintay that time. "Ah... W-wala. Joke lang. Pupunta na nga ako sa coffee shop."
"Hoy, Mon ange! Dito ka lang." Makasigaw naman sya. >_<
"B-bakit?"
"Come closer."
Lumapit naman ako sa table nya. "Oh ano?"
"Ano ung sinasabi mo? Tell me."
*sigh*
I guess I have to tell him the truth na. Past is past na naman ah. "Ano... kasi nung sa resto dati. Nung bumaba na lang ako sa kotse mo kasi sabi mo may emergency kay Meg nun... ano..."
Nakataas lang ung kilay nya sakin. Geez! I hate confrontations.
"I lied kasi nung sinabi kong hindi ako naghintay. Naghintay ako. Inabot na nga ako ng 10 pm dun eh. Hindi din ako nakakain ng dinner. Tapos nilagnat pa ko pag-uwi ko."
His jaw dropped when I told him that. Uh oh! Bakit kasi nasabi ko pa un eh? Tokwa naman oh! >___<
Kaya since I told him that, deal na naman na palaging magsabi ng totoo sa isa't isa. No lies or covering up. Pumayag naman ako kasi tama naman talaga un. I said sorry and nagsorry din naman sya sakin.
Ang weird lang kasi simula nung naging kami, halata naman na unti-unting nabubunyag ang mga lihim namin dati sa isa't isa. Mwaha! Ngayon nga pinagtatawanan na lang namin kung ano kami dati. Parehas daw kasi kaming tanga at manhid sa isa't isa. Ang tagal na naming mahal ung isa't isa pero walang umamin kagad. Ang tagal pa tuloy bago nauwi sa love. But honestly, I'm happy na ganun kami dati. At least, I got to know him and be friends with him more.

BINABASA MO ANG
This is not a happy ending
Romance“I believe no one wants to end something tragically… sadly. I know all of us want to be happy. I want to be happy. You also want to be happy, right? I know everyone wants to feel happiness… joy… fulfillment and love. But the sad thing I also know an...