CHAPTER 30
Aaron
"Aaron, okay ka na ba?"
Nagulat ako sa dami ng dala ni Mon ange. Natingin ako sa backpack na dala ko. "Mon ange, bakit ang dami mong dala?"
"Eh? Ano? Konti pa nga lang 'to eh." Konti pa ba ung 2 backpack, 1 maleta at 2 shoulder bag? "Saka may mga pasalubong pa ko kina Mama't Papa saka sa mga kamag-anak namin dun."
Okay. I should get used to the fact na palaging ganito ang mga babae. "Akin na."
I got the bagsss and put it on the backseat of the car. Papunta kami ngayon ni Mon ange sa province nila. Bibisita kami dun kina Tita't Tito. Haha! Sila nagsabi na Tito at Tita ang itawag ko sa kanila ah. One week kami dun for our Christmas vacation.
3 hours lang naman ang biyahe from Manila eh kaya hindi masyadong nakakapagod. Nakarating naman kami kagad. Buti na lang walang traffic. Matagal pa naman ang Christmas eh.
Sinalubong kagad kami nila Tita't Tito pagkarating namin sa kanila. Okay dito sa lugar nila kasi tahimik saka malinis. Province life nga naman. I'm happy kasi maeexperience ko na din ung buhay dati ni Mon ange ko.
"Oh, hijo. Welcome dito sa probinsya namin. Tulungan na kitang magpasok ng mga gamit nyo."
"Hindi na po, Tito. Ako na lang po."
"Ako na nga." Kinuha ni Mon ange ung mga gamit na hawak ko. Sina Tito't Tita naman tumawa na lang.
"Halika na kayo sa loob nang makapagpahinga galing sa biyahe." Inaya na kami ni Tita Lea na pumasok sa loob.
Bungalow style ung bahay nila Mon ange. Not too small and not that big. Ung tama lang. Pagkadating ko sa sala, napangiti ako sa mga nakita ko.
"Hoy! Wag mo nga tignan ung mga pictures ko." Tinakpan nya ung mata ko.
"Ano ba, Mon ange! Titignan ko lang naman ah! Ang cute mo nga eh!" Ang dami nila kasing pictures dun na mga nakaframe.
"Eh ang pangit-pangit ko dun." Ang chubby nya kasi nung bata pa sya.
"Okay lang, Mon ange. Until now naman eh."
Bigla nyang tinanggal ung kamay nya sa mukha ko and I saw that raging face of her. Iiwan na nya ko dapat sa sala kaso hinatak ko sya. "Joke lang. Matampuhin ka na rin?" I kissed her cheek.
"Eto talagang mga batang 'to oh. Sweet masyado sa isa't isa." Napatingin ako kay Tito Roel. Nakalimutan ko na nandun pa pala sina Tito't Tita.
Pinalo na lang ako ni Mon ange. Namumula pa sya. She gave me the ayan-tuloy-dahil-sayo look. Tinawanan ko lang sya.
"Halika na't makapag-tanghalian na kayo." Malapit na din kasing maglunch nang nakarating kami.
Naglunch kami ng Adobong baboy saka ung Monggo na may sabaw. Ewan ko kung anong tawag dun. Nung una parang ayoko 'cause I've never eaten a Monggo since before. Pero si Mon ange kasi eh, nagpapacute sakin kaya napilitan na ko. Okay naman. Nagustuhan ko naman kaya inasar-asar nya pa ko na aayaw-ayaw pa daw.
After namin maglunch, inayos na muna namin ung gamit namin.
"Ma, eto na ung mga pasalubong ko. Bayad nyo?"
Nanlaki naman ung mata ko sa sinabi ni Mon ange kay Tita Lea. Ganito ba talaga si Mon ange kahit sa parents nya? Grabe. Akala ko sakin lang sya ganun ah.
"Aaron hijo, dito ka na lang matulog sa kwarto ng Ate ni Angel. Pagpasensyahan mo na ung kwarto ah. Maliit lang kasi." Pinakita sakin ni Tita Lea ung kwarto ni Ate Alea. Ang cute. Almost similar names sila.

BINABASA MO ANG
This is not a happy ending
Romance“I believe no one wants to end something tragically… sadly. I know all of us want to be happy. I want to be happy. You also want to be happy, right? I know everyone wants to feel happiness… joy… fulfillment and love. But the sad thing I also know an...