CHAPTER 33
Angel
"Angel, magreresign ka na ba talaga?"
Paulit-ulit na tanong nila sakin. Nakakasawa sila. Gusto ko na silang sigawan lahat. Sana man lang inisip nila ung kalagayan ko.
Sayang. One word na paulit-ulit nilang pinamumukha sakin. Baon na baon na ko sa kakasayang nila. Alam ko sayang. Napakalaking sayang. Higit sa lahat ako ang nakakaalam nun.
Sayang daw ang pagreresign ko. Super blessed na daw ako sa position ko. Na kahit sa sandaling panahon pa lang, ang taas na kagad ng naachieved ko. A lot of people are already there supporting me as a writer. Marami daw nagmamahal sakin. Pero bakit kelangan ko pa daw bitawan un?
Bakit? Gusto kong ibalik sa kanila ung tanong. Hindi ba halata kung bakit? Everytime na iisipin ko pa lang na papasok ako, pakiramdam ko mamamatay ako. Kahit hindi nila alam kung gaano kasakit, alam naman nila ung sagot kung bakit. Sana man lang naiintindihan nila ko.
Wala akong matandaan. Ayokong alalahanin lahat ng nangyari. Pakiramdam ko unti-unti akong pinipiga kapag ginagawa ko un. Maraming nagtatanong sakin kung ano bang nangyari. Wala akong masagot sa kanila kundi iyak.
Pagkadilat ko ng mga mata ko, puting kisame ang nakita ko. Ang sakit ng buo kong katawan lalo na ung ulo ko. I touched my head and nalaman ko na lang na may benda pala ung noo ko. Nilibot ko ung tingin ko sa paligid. Puti. Puro puti.Tanong ko nga sa sarili ko, "Langit na ba 'to?" Pero hindi. I could still feel pain that time. Kaya alam kong buhay pa ko.
Nakita kong lumapit si Ate sakin. Nandun din si Kath saka si Nick sa likod nya.
Umiiyak si Ate saka si Kath. Ang dalawang taong napakadalang kong nakitang umiyak. Matapang sila eh. Siguro nag-alala lang talaga sila sakin.
Si Nick, hindi sya makatingin sakin. Ano bang hitsura ko ngayon? Mukha na ba akong sinabugan? Bakit di man lang nya akong magawang tignan?
"A-ate..." Nahihirapan akong magsalita. "S-si Aaron?"
Wala akong maalala. Huling natatandaan ko nung nakita kong may kasalubong kaming truck tapos naramdaman ko na lang na niyakap nya ko ng mahigpit. When I tried to open my eyes, dugo lang ang huli kong nakita. Pagkatapos nun wala na akong maalala.
Hindi nila ako sinasagot. Umiiyak lang sila or should I say, humahagulgol. Gusto ko silang sigawan. Nagtanong ako, sana naman sinasagot nila. Ano bang problema?
"Ate... A-ano?"
Ayaw pa nilang sabihin sakin. Magpahinga na lang daw muna ako. Eh sasagutin lang naman nila ung tanong ko, ano bang mahirap dun?
"Ate naman! Sagutin nyo ko! Buhay ako, okay?! Okay ako! Nasan ba si kulet?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. Nakakainis kasi! Bakit ayaw nila akong sagutin?
But I swear I regret asking them that question...
Nung sinagot kasi nila ako, bago pa sila matapos magsalita, tumulo na kagad ang mga luha ko. Nasaktan kagad ako. Pakiramdam ko nananaginip lang ako.
Lord, sabihin nyo pong nananaginip lang ako, please.
Paulit-ulit yan sa utak ko that moment. I tried over and over again to tell myself na nananaginip lang ako. Sinampal ko ung sarili ko. Bakit hindi pa rin ako nagigising?
Sana...
After how many months, ang dami pa ring sana sa isip ko.
Sana kasi hindi na lang kami nag-Taxi that time.
Sana kasi bumili na lang kami ng payong.
Sana kasi nag-bus na lang kami.
Sana kasi hindi na lang umuulan that time.

BINABASA MO ANG
This is not a happy ending
Romance“I believe no one wants to end something tragically… sadly. I know all of us want to be happy. I want to be happy. You also want to be happy, right? I know everyone wants to feel happiness… joy… fulfillment and love. But the sad thing I also know an...