CHAPTER 7
Angel
Nandun na sila sa stage at magsasalita ata. Pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo ko…
Nagtama sandali ung paningin namin.
At sa totoo lang, nasasaktan ako.
Masakit pala sa pakiramdam na iwasan ka noh?
Now I know the feeling na. I guess dapat ko lang talagang maramdaman. Ako ung gumawa eh. Ako ung nagsimula.
It hurts. I’m such a fool… I know.
Nagsimula na ung Christmas party namin. Buti naman naisipan nilang unahin ang dinner noh. Kanina pa ko nagugutom eh. Minsan na lang din ako nakakapunta sa mga parties eh. Kaya ngayon na lang ulit ako kakain ng buffet.
“Kath, kain na tayo.” TTVTT
“Oo! Ang takaw mo talaga. Wait nga! Magretouch muna tayo sa CR.”
Hinila na niya ako sa CR nung Pavilion. Ang kikay naman kasi masyado ni Kath eh. Kelangan may paretouch-retouch pa eh kakain lang naman kami. Sino ba pinapagandahan nito?
“Hoy, Kath! May pinapagandahan ka ba?”
“Wala ah. Maganda na naman talaga ako.”
“Yuck! Kapal ah!”
“Ano na bang nangyari sa inyo ni Sir Aaron?”
Nagulat ako sa tanong nya. Biglaan naman kasi. Natigil tuloy ako sa paghuhugas ng kamay. Eto namang babaeng ‘to! Ang sarap batukan! Like… hello? Nasa CR kami. Public place. Kung makadada naman sya akala mo kami lang ang nandito. Meron pa namang saradong isang cubicle. Pakshet talaga ‘tong si Kath! Matsitsismis na naman ako nito. “Okay lang. Nakakapagpasa naman ako sa kanya ng mga stories ko on time eh.” (-____-)++++
“Duh, Angel! You know what I mean.” May pa-ikot effect pa ng mata. Tss!
“I know what you mean. But I also know that you know me that much, huh?” Kath, be sensitive enough, please!
“Parang ichichika lang eh.”
Tinignan ko na lang sya ng masama. Nagulat ako nung biglang nagbukas ung isang cubicle at nakita ko through the mirror ung lumabas na babae.

BINABASA MO ANG
This is not a happy ending
Romance“I believe no one wants to end something tragically… sadly. I know all of us want to be happy. I want to be happy. You also want to be happy, right? I know everyone wants to feel happiness… joy… fulfillment and love. But the sad thing I also know an...