CHAPTER 25
Aaron
FROM: Mon ange
Pst! Date tayo mamaya. :P
Kahit no good morning and smiley face. Kahit pst lang and :P, okay lang. Mukha na nga akong nasiraan ng ulo kakangiti dito. Who wouldn't be happy about this? First time na si Mon ange ang nag-aya sa date. Yup, sometimes nag-aaya sya but GALA lang ang nirerefer nya. But now, it's capital DATE. Ano kayang nakain ng Mon ange ko?
Of course, I told her YES. Sure anytime anywhere. Basta siya kasama ko. I would be happy to spend my entire life with her.
Grabe! Nagiging corny na yata ako dahil kay Mon ange. Kung anu-ano na lang ang nasasabi ko eh. I'm not this type of person naman before. Kahit nung nainlove ako kay Meg dati. Yeah, I was sweet back then but not as sweet as I am now. Kulang na lang langgamin na yata ako sa pagmamahal ko kay Mon ange. Although she's mostly saying na ang corny at keso-keso ko daw, okay lang. I always get to make my love blush naman. ^___^
"Pre, ang saya mo yata ngayo ah. Wagas makangiti." bungad sakin ni Jake nung pumasok na ko sa office.
"Syempre. In love yata ako."
"Loko! Inlababo ka na talaga. Eh bakit nga? May nangyari ba? Anak ng! Ginawa nyo na?"
*PAK*
Binatukan ko nga sya. "Kung anu-anong pinagsasabi mo. Magtigil ka nga."
"Eh ano?"
"Inaya ako ni Mon ange magdate." ^___^
"Ay sus! Ang babaw mo, pre! Akala ko kung ano na."
"Babaw your face. Don't ruin my day, pre. Magtrabaho ka na nga. Kutusan kita dyan eh." Loko talaga 'tong si Jake. Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko 'to. Haha! Ang loko. Di naman ako maloko diba? ^___^V
Hindi ko kasabay pumasok si Mon ange pano ayaw ba naman magpasundo. Ewan ko dun kung bakit. Basta kung gusto ko daw ng date mamaya, maging good boy daw ako. Kaya good boy muna ako. ^___^
Pagtingin ko, wala pa pala si Mon ange sa table nya. Anebeyen! Namimiss ko na sya eh. >3<
Ang lakas ng topak ko! Naabading na yata ako. Leche! Ayokong bumigay ng di oras sa mga kabaklaan na yan. Si Mon ange kasi. Ang lakas ng epekto sakin. >///<
Nilagay ko na ung frappe and cake nya dun sa table nya from the coffee shop. Yes. Ako na ang bumibili ng pagkain ngayon. Hindi na si Mon ange. Of course, I should be the one serving my girl.
Naalala ko tuloy nung nag-grocery sya mag-isa one time. Hindi ko naman sya inutusan nun eh. Siya mismo nagkusa. Eh ang kulit. Nagmana na yata sakin. She really insisted na gusto nya daw mag-grocery kasi wala naman daw syang gagawin so I listed lahat ng ipabibili ko. Haha! Natawa na lang ako when she called me. Galit na galit. Na-iimagine ko na nga ang pagmumukha ni Mon ange nun. Haha! Parang condom lang eh. I was just joking her. Tapos sinabihan pa ko ng may babae daw ako. Imagination nun. Napaka-wild. Di lang yon! Basted na DAW ako. Hell NO! That time ako na ang nagwala. I called her again kaso naka-off na ung phone nya. I texted her a LOT of times pero di talaga nagpaparamdam. Nagtampo naman si Mon ange kagad. Nagmadali tuloy akong umalis dun sa barkada trip namin ng mga anak ng mga kaclose friends ni dad. HINDI PWEDENG MABASTED AKO!
Then I saw her with that Nick. I would like to make it clear na wala naman akong hatred sa lalaking un. Hindi ko lang sya trip. UGH! Okay fine. Nagseselos kasi ako. Who wouldn't be jealous eh napakaclose nila ni Mon ange? If you'll compare me to him, wala pa yata sa 1/4 ang pinagsamahan namin ni Mon ange compared to him. And I'm very much aware na mahal ni Nick ang taong mahal ko din. So alangan namang matuwa pa ko dun sa tao?

BINABASA MO ANG
This is not a happy ending
Romansa“I believe no one wants to end something tragically… sadly. I know all of us want to be happy. I want to be happy. You also want to be happy, right? I know everyone wants to feel happiness… joy… fulfillment and love. But the sad thing I also know an...