CHAPTER 28

22 0 0
                                    

CHAPTER 28

Angel

"Aaron! Kulet! Dada! Babe! Happy birthday!"

(Hmm? Sino ba 'to?)

Anak ng tokwa 'tong lalaking 'to! Sino daw ako? Ang sarap lang pukpukin ah. Ang tino-tino ng bati ko sa kanya.

"May kasama ka sigurong babae dyan noh?" TT^TT

(Haha! Good morning, Mon ange! Thank you. Wala akong kasamang babae noh. Kakagising ko lang. Ginising mo nga ako eh.)

"Sorry ah! Bumabati lang naman ako eh." Pano nga bang hindi ko sya magiging eh 6 o'clock pa lang ngayon. Haha! Eh gusto ko akong unang babati kay kulet. Although kanina pang 12 midnight eh binati ko na sya. Syempre pag gising nya ulit, ako pa rin first na bumati sa kanya. ^___^

(Haha! Kanina mo pa ko binabati, Mon ange. I love you.)

"I love you, too!" Kyaaah! Nakakahiya magsabi ng I love you too. Hindi ako sanay. >///<

(San tayo?)

"Gagala? Kahit saan."

(Eh gusto ko ikaw pumili.)

Hmmm... San ba maganda pumunta?

===

"Mon ange, nagdala ka naman ng extra damit diba?"

"Oo. Pero hindi naman ako magsiswimming eh."

Papunta kami ngayon sa beach. Ung beach na pinagdalan nya sakin nung nag-heart to heart talk kami. Haha! Tinanong nya ko kung san ko daw gusto pumunta eh. Edi sabi ko dun. Parang ako lang may birthday enoh?

"Bakit? Kaya nga tayo pupunta sa beach para magswimming eh."

"Eh ayoko. Di naman ako marunong lumangoy."

"I'll teach you then."

"No way. Ayoko. Wag ka nga makulet."

More than one hour lang ung biyahe namin ngayon. Although weekday ngayon, he still wanted to go out eh kaya nag-absent na lang kami. Bawas din sa sweldo un. 'To naman kasing si kulet eh. Ang sabi pa sakin, siya na lang daw magpapasweldo sakin. Ano ako? Girlfriend na katulong nya?

Tinulugan ko lang sya buong biyahe. Nagtampo pa nga eh. Ang sarap-sarap daw ng tulog ko. Eh pano ba naman puyat na nga ako, ang aga-aga ko pa gumising. Kaya inantok ako.

Nagpareserve pa sya ng room sa malapit na hotel eh one day lang naman kami dito. Sabi nya, for privacy daw. Pft! Palibhasa mayaman eh. Kung ako sa kanya, pinambili na lang ng pagkain ung pera nya eh. ^___^

"Kulet, hipan mo na ung cake mo." Nandito na kami sa room. Inayos ko na nga ung cake nya. Ako bumili nito for him. Haha! Red Ribbon. Maarte din kasi ang boyfriend ko.

"Mamaya na, Mon ange. Lunch time para makabili na din tayo ng handa. Nagugutom ka na naman noh?"

*pout*

Parang excited lang naman akong hipan nya ung cake nya ah. Di naman ako gutom. TTvTT

Namili muna kami ng iluluto namin for lunch. Sabi ko siya na lang ang magluto. Tiga-tikim lang ako. Birthday na birthday eh inaalila ko. Haha! Ingredients for Spaghetti and Fried Chicken lang naman ang binili namin. Gusto nya pa ng bongga eh sabi ko kaming dalaw lang naman kakain. Bumili na din kami ng ice cream.

Maaga pa naman nung nakabalik kami sa hotel. "Kulet, mamaya na tayo magluto."

"Lunch time na nga eh."

"Mamayang hapon pa naman tayo lalabas eh. Ang init-init kaya. Wala na tayong gagawin mamaya. Kaya mamaya ka na magluto. Busog pa naman ako. Gutom ka na ba?"

This is not a happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon