Kabanata 1: Meet Him
"Baby, kiss me harder please."
Napaatras agad ako nang may marinig akong naghahalikan sa pinakadulo ng mga shelves.
What.the.hell?
Dito pa talaga nila naisipan mag public display? Hindi ba nila alam na may mga freshman na nag-aaral din dito at nagpupunta sa library para maghanap o magbasa ng mga libro?
Napailing nalang ako at lumayo para magpunta sa kabilang shelves.Empress University is one of the best known University in the city, kaya hindi na nakakapagtaka kung library palang ay napakalaki na. EU library is up and down, it is composed of different section. Sa baba ay nandoon ang buong Reading Section at office ng Head Librarian and information counter.
Sa taas naman kung nasaan ako ngayon ay ang Book Section. Kung saan maghahanap ka ng librong gusto mo. Kabilaan ang mga naglalakihang shelves na gawa sa kahoy, at halos puno ito ng mga libro. Hindi ka naman mahihirapan sa paghahanap dahil by category ang nasa shelves.
Iyong naencounter ko kanina na naghahalikan ay matagal ng issue 'yon sa EU. Kahit anong gawin nila ay may gumagawa pa rin ng ganyan dito sa library, gaya kanina. Nagkalat ang mga CCTV sa bawat sulok ng library pero may sadyang magaling talagang gumawa ng kababalaghan. 'Yong tipong wala nalang sa kanila 'yong ginagawa nila.
Tinignan ko ang hawak kong book number.
B-1888.
Okay malapit na, tumingala ako at nakita ko na ang hinahanap kong libro. Nalaglag ang panga ko nang makitang nasa pinaka tuktok ng shelves 'yong libro.
Paano ko makukuha 'yon?
Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang isang hagdan.
Naghanap din ako ng student assistant para siya nalang ang kumuha pero walang SA na pakalat-kalat. Kung kailan kailangan doon wala. I heaved a sigh, mukhang ako yata talaga ang kukuha.Inayos ko ang hagdan at itinapat iyon sa librong kukuhanin ko. Maingat akong umakyat at dahil hindi kalakihan 'yong hagdan ay umapak na ako do'n sa may kulay pula sa tuktok nito. Tumayo ako at humawak sa shelves para mas balanse, tumingala ako para tignan 'yong libro. Kaya ko naman sigurong abotin, inangat ko ang kanang kamay ko at pilit inabot 'yong libro. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagawa ko din, pero may problema. Shit! Gumagalaw 'yong hagdan!
Napapikit ako nang alam kong wala na ako sa balanse at mahuhulog. Sobrang bilis ng mga pangyayari, narinig ko ang pag-uga ng hagdan pero hindi ito bumagsak. At ako? Hindi ko naramdaman ang pagbagsak ko pero para akong nakalutang. Lord, patay na po ba ako?
"Miss, okay ka lang?"
Napadilat ako at puting liwanag ang sumalubong sa akin, lalo akong kinabahan. Parang maiiyak yata ako, sinusundo na ba ako ng langit? Marami pa akong pangarap e. Nakakainis ka naman Lord. Hindi ko pa nga nahahanap si Mr. Right, tapos ganito na agad? Tigok na agad? Ang saklap naman yata ng kapalaran ko.
"Miss? May masakit ba sayo?"
Tinignan ko ang kanina pang nagsasalita, ang gwapo...
Nasisinagan siya nang liwanag na lalong nagpaangat ng kanyang mala-anghel na mukha. Nakasuot siya ng kulay puti at naiiyak na talaga ako."Guardian Angel, kukuhanin mo na ba ako?"
Kumunot ang noo niya, kahit parang masungit at seryoso ang mukha niya, napaka gwapo pa rin. Kaya siguro 'yong ibang kinukuha na ng langit ay hindi na pumapalag. Ikaw ba naman ganitong kagwapo ang susundo sa'yo papalaga ka pa ba?
"Pardon? What are you talking about? Guardian Angel? Who? Me?" naguguluhan niyang tanong. Kahit ako naguluhan din, at the same time dissapointed, ibig sabihin hindi siya ang guardian angel ko?
"Hindi ikaw ang guardian angel ko?"
Nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ko. Hindi nagtagal ay unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya, biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Shit! Patay na talaga ako. Ang mga ngiti niya ay nakakamatay."Are you in drugs, Miss? How many dosage did you take?"
Natatawa niyang sabi habang maingat akong ibinaba. Napatingin ako sa sahig at nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakaapak ang mga paa ko sa sahig. Ibig sabihin hindi pa ako patay?"Buhay ako.."
"Yes, you're alive. You almost fall mabuti nalang at nasalo kita agad."
Laglag na naman ang panga ko. Shit! Nakakahiya, gusto kong lamutakin ang mukha ko sa sobrang hiya. May paguardian angel pa akong nalalaman. Napagkamalan pa tuloy akong adik. I bit my lips.
"S-sorry. Thanks anyway."
Hindi ko siya matignan sa mata dahil sa hiya. Nagpaalam ako na ibabalik ko na 'yong hagdan nang pigilan niya ako. Para akong nakuryente ng hawakan niya ang braso ko."Here."
Tinignan ko ang inabot niyang libro sa akin. Iyon 'yong libro na kinuha ko. Agad ko itong kinuha at nagpasalamat muli sabay lakad palayo. Nakakahiya.
Huminga ako ng malalim at naghanap ng pwedeng mauupuan. Pagkabalik ko sa hagdan ay bumaba na agad ako baka kasi masalubong ko na naman 'yong lalaking sumalo sa akin. Wala na akong mukha pang maihaharap sa kanya.
Halos okupado ang mga lamesa at upuan ng mga estudyante. Nilibot ko ang paningin ko sa bawat lamesang madadaanan ko kung may bakanteng upuan.
Napadpad ako sa dulo at may isang bakanteng upuan sa tapat nang isang lalaking nakayuko. Napangiti ako, sa wakas makakaupo na rin."Excuse me, may naka--"
Napa awang ang bibig ko at hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang mag-angat ng tingin 'yong lalaki. Inayos niya ang kanyang salamin na bahagyang bumaba sa may ilong niya."Kung itatanong mo kung may nakaupo ba diyan, wala ang sagot." nakangiti niyang sabi.
Pinilit kong ngumiti sa harapan niya at nag aalinlangan kung uupo pa ba ako. Nilingon ko ang kabilang lamesa baka sakaling may bakante pero wala.No choice. Umupo ako kahit halos hindi na ako makatingin sa kanya.
Tumikhim ako at nilapag na sa lamesa ang librong kinuha ko, binuklat ko ito at hinanap na 'yong pahinang kailangan namin basahin."Communication?" tanong niya.
Napa angat ako ng tingin, kahit nakasalamin siya ang gwapo niya pa rin. Tumango ako. I'm taking Communication of Arts. Iyong librong kinuha ko ay about sa course ko. May libro din siyang binabasa pero wala akong lakas ng loob na itanong pa 'yon. Baka isipin niya ay masyado ng makapal ang mukha ko.
Tumango-tango lang siya at bumalik na ulit sa pagbabasa ng librong hawak niya.
Mala-anghel talaga ang mukha niya, mapupulang labi, mga matang kumikinang. Perpekto ang pagkakagawa sa kanya niya ng diyos.
Umiling ako, ano bang ginagawa ko? I sigh. Makapagbasa na nga lang.
BINABASA MO ANG
Illusion Called Us
Teen FictionHindi akalain ni Anndy na magkukrus muli ang landas nila ng estrangherong lalaki na tumulong sa kanya mula sa muntikan ng pagkabagsak sa tinutuntungan hagdan. At lalong hindi niya rin akalain na ang gwapong nilalang na iyon ay ang magiging instruct...