FIVE

30 11 2
                                    

Kabanata 5: Be Mine

"Grabe Annds, ang swerte mo at nakasama mo na si Sir Robi." ani Ange.

"And take note, naging 'Partner in Crime' niya pa." ani Elaine na tumawa pa.

"I'm sure kapag nalaman 'yan ng mga kaklase natin lalo na 'yong higad tiyak mamamatay 'yon sa inggit."

Nakikitawa nalang ako sa kanila, mula kanina ay si Sir Robi na ang topic nila hanggang ngayon na naglalakad kami sa daan. Sa araw-araw na makikita ko si Sir Robi ay hindi ko alam kung paano siya haharapin. Mas okay sana kung hindi namin siya Professor at least walang ilang lalo na sa part ko.

Umupo na agad kami pagkarating sa karinderya na pinagkakainan namin. Alas dose na kaya punuan ang mga karinderya, sobrang haba na ng pila. Maririnig mo ang mga kalansing ng kubyertos at plato maging ang pagkataranta ng mga tauhan sa karinderya. Maingay ang paligid dahil na rin sa halo-halong tawanan at kwentuhan ng mga taong kumakain dito sa karinderya.

Lalo akong nagugutom habang palapit kami sa may counter. Nakakagutom ang amoy ng mga nilulutong ulam at tingin palang ay mukha ng masarap ang mga ulam na nakalagay sa glass stand.

"Anong order mo, Miss?"

"One rice at isang order ng pastel na manok po."

Pagkakuha ko sa inorder kong pagkain ay dumiretso na ako sa cashier para magbayad.
Papunta na ako sa pwesto namin nang biglang tumayo ang isang lalaki at nasagi ang tray na hawak ko dahilan para matapon ang mangkok na may laman na sabaw. Shit!

"Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya."

Kinuha niya 'yong tray na hawak ko at nilapag sa lamesa nila. Hindi ako naka angal nang punasan niya ang kamay ko na natapunan din ng sabaw.

"Sorry talaga, Miss."

Huminga ako ng malalim at kinalma ko muna ang sarili ko. Ayokong gumawa ng eksena dito lalo na isa itong mataong lugar.
Marami pa rin ang tumitingin sa amin maging ang mga kaibigan ko ay nakatingin sa direksyon ko.

Tumigil na siya sa pagpunas sa kamay ko kaya mas lalo kong napagmasdan ang mukha niya. Napakunot ang noo ko nang mamukhaan ko siya.

He was the guy who's staring at me on the music room!

"Miss, kung gus--"

"Shut up!" I hissed.

Kinuha ko agad ang tray na nilapag niya sa lamesa nila at padabog na pumunta sa pwesto namin. Kainis!
Tinignan ko 'yong shirt ko na natapunan ng sabaw. Nagkulay yellowish ang puti kong damit na namantsahan ng sabaw. I bit my lower lip, wala akong extra na shirt!

"Sa EU din sila nag-aaral." komento ni Kriz.

"Annds, okay ka lang ba? May dala ka bang extra shirt?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot, alam nila na bad trip na ako sa lagay na ito.
"Wala akong dalang extra."
sambit ko at saka sumubo ng pagkain. Nakakainis talaga, maghapon pa ang klase namin pero mukha na akong gusgusin sa damit ko dahil sa laki ng mantsa. Tinuon ko nalang sa pagkain ang inis ko.

Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga lang kami saglit, hindi ako lumilingon sa likod ko dahil baka magtama ang mga mata namin 'nong lalaki na 'yon at kukulo lang ang dugo ko sa kanya.

"Guys, tara na."

Tumayo na kami ng mag-aya si Irene na bumalik na kami sa Empress U. Nasa labas na kami ng karinderya nang may humawak sa braso ko.

"Ikaw na naman?"

Ngumiti siya at inabot sa akin ang isang black tee shirt. Narinig ko ang sunod-sunod na pagtikhim ng mga kasama ko at napasipol naman sa di kalayuan ang mga kasama niya.

"Pasensya ka na, sayo nalang 'tong shirt ko, peace offering."

Tinignan ko siya ng maigi kung seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya, mukhang seryoso naman siya kaya kinuha ko 'yong shirt. "Ibabalik ko din ito."

"Miss okay lang kahit hindi na."

Tinaasan ko siya ng kilay, may pagka makulit rin ang isang ito  ah. Ayokong magkaroon ng utang na loob lalo na sa hindi ko naman kilala kaya it's a No for me. Hindi ko matatanggap 'yon.

"Thanks but no thanks, ibabalik ko 'to as soon as possible."

"Fine, can I get your phone number?''

Napa awang ang bibig ko sa tanong niya. Woah! Masyado yata siyang mabilis?

"Excuse me, for what?"

-Darren's POV-

Minasahe ko ang batok ko sa tensyon. Dammit! I didn't know this is hard. I'm in front of her now, finally I get her attention.

"To contact you? For the shirt?" I said and smiled to her.

Hindi ko mapigilan ang pagngiti lalo na't kaharap ko siya. Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to.

"Give me your phone." aniya.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at binigay sa kanya. Kahit nagsusungit siya ngayon, I find it cute. Kasalanan ko rin naman kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin ngayon.
Pinagmamasdan ko lang siya habang nilalagay niya ang kanyang number sa contacts ko. Agad din niyang binigay sa akin 'yong phone ko at tinignan ko ang nakalagay niyang number doon.

"Number ko 'yan, save mo nalang, Anndy."

Pagkasabi niya no'n ay tinalikuran niya na ako at naglakad na sila palayo ng mga kasama niya. Damn! Hindi man lang ako nakapag pakilala sa kanya.

Narinig ko ang pagpalakpak ng mga kasama ko sa likod na ngayon ay papalapit na sa akin.
"Grabe Ren, ang lupit mo!"

Naghalakhakan sila habang napapailing nalang ako. Sinave ko na muna 'yong number ni Anndy sa contacts ko at naglakad na kami papunta sa Empress U.

" 'Miss, sorry.' ang galing mong umakting tol!" pang aasar ni Edson saka humalakhak.

"Baby Ren, paturo nga ako ng technique mo, halimaw e!" singit ni Louie sabay akbay sa akin at hinimas pa ng gago ang dibdib ko.

"Gago, tigilan mo nga ako Sergio!" natatawa kong sabi saka ko tinapik ang kamay niyang nasa dibdib ko para tanggalin niya. Baka mamaya makita pa kami ni Anndy at isipin niya pang bakla ako.

"Fuck you, Ren! Don't ever call me by my second name, it sucks you know!"

Pinagtitinginan na kami ng mga taong naglalakad din sa daan dahil sa kaingayan namin. Ayaw ni Louie na tinatawag siya sa pangalawang pangalan niya mas gusto na daw niya ang 'Louie' kaysa 'Sergio'.
Tita Lala, Louie's mom, was a big fan of  Marimar. Kaya 'wag na kayong magtaka.

"Ren, 'yong crush mo."

Tinignan ko 'yong direksyon na tinuro ni Christian at nakita ko nga sa 'di kalayuan si Anndy kasama 'yong isa niyang kaibigan na lumabas ng comfort room. Napangiti ako nang makitang suot niya ang black tee shirt na binigay ko sa kanya. Medyo malaki ng konti sa kanya 'yong shirt pero bagay pa rin niya.

'Be Mine'

'Yon ang nakalagay sa shirt na binigay ko. That's half meant though.

Illusion Called UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon