Kabanata 8: Number eight
Itetext ko ba siya o 'wag nalang kaya? Dumuko ako sa arm chair ko at pumikit. Kanina pa ako nakikipagtalo sa sarili ko kung itetext ko ba siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko at nahihiya rin ako. Asar naman o! Nag angat ako ng tingin at pinagmasdan ang phone kong hawak.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ay binuksan ko ang inbox ko at hinanap ang text niya. Nagtipa ako.Ako
"Hi? Saan ka ngayon?"
Pikit mata ko itong sinend. Vacant time namin ngayon kaya nakatambay lang kami dito sa may heroes park. Isa ito sa mga lugar na tambayan ng mga estudyanteng tulad namin na taga EU. Nasa loob ito ng Empress, at dito nakadisplay ang mga gawang rebultong bato ng mga bayani.
I checked my phone kung may reply pero wala. Nagalit kaya siya sa sinabi ko kahapon? Ano ba 'yan, bakit naman kasi hindi ko mapigilan ang bibig ko sa pagsasalita sa tuwing naiirita ako.
Maya-maya lang ay tumunog ang phone ko.
"Sa gym ako." Reply niya.
Kinuha ko 'yong damit sa bag ko at nagpaalam sa mga kaibigan ko na may pupuntahan lang ako saglit. Hindi naman gano'n kalayo ang heroes park sa gym, pero nagmadali pa rin ako sa paglalakad papunta doon.
Dinig ko ang ingay na nagmumula sa gym habang papalapit ako. Mukhang may game yata. Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa aking pisngi saka pumasok na sa loob ng gym.
"Go number eight!"
Napangiwi ako sa sigaw ng tatlong babae na nasa bleachers. Marami-rami rin ang mga nakaupo at nanunood. Tinignan ko ang mga naglalaro sa gitna ng court. Mukhang may practice game ang mga varsity ng basketball team.
Tinignan ko ang bawat bleachers para hanapin siya. Nasaan kaya 'yon? Sabi niya nasa gym siya?
Pinaglololoko niya ba ako?Hindi ko siya mahanap kaya umupo muna ako. Nilabas ko ang cellphone ko at nagtipa.
Ako
Nasa gym ako. Saan ka?
Nakakarindi ang tili ng mga babae na walang pagod sa kakacheer. Practice game lang naman ito ng basketball team sa pagitan ng engineering department at accountancy department, pero kung makatili sila ay parang totoong laro na.
Nilibot kong muli ang paningin ko sa mga taong nakaupo baka sakaling makita ko man lang ang isa sa mga kaibigan niya.
"Go number eight!"
Nilingon ko 'yong tatlong babae na kanina pa sinisigaw ang number eight. Curious ako kung sino, kaya tinuon ko ang atensyon sa mga naglalaro sa gitna ng court.
Napansin ko ang lalaking nakatalikod na may jersey number na eight. Likod palang mukhang gwapo na, pawis na pawis siya at kitang-kita mo ang pag-taas at baba ng kanyang balikat sa hingal.
Pinasa sa kanya ang bola at mabilis na tumakbo sa kabilang court, huminto siya nang may humarang na kasing tangkad niya, napaatras siya ng bahagya habang patuloy pa rin sa pagdribble ng bola.
Tinignan ko ang timer at konting minuto nalang ang natitira, maganda ang depensa ng nagbabantay sa kanya kaya hirap siya sa pagporma para makashoot. Pinasa niya ang bola sa kateam niya.
Wait, I know that guy! Player pala ang isa sa mga kaibigan niya, kaya siguro nasa gym siya. But where is he?
Nakawala 'yong naka jersey na eight sa magandang depensa ng nagbabantay sa kanya at pumasok sa loob sabay pasa ulit sa kanya ng bola marami ang nagtangkang humarang pero walang nagawa ang mga iyon. Naishoot niya ang bola kasabay nang buzzer.
![](https://img.wattpad.com/cover/77890058-288-k309046.jpg)
BINABASA MO ANG
Illusion Called Us
Teen FictionHindi akalain ni Anndy na magkukrus muli ang landas nila ng estrangherong lalaki na tumulong sa kanya mula sa muntikan ng pagkabagsak sa tinutuntungan hagdan. At lalong hindi niya rin akalain na ang gwapong nilalang na iyon ay ang magiging instruct...