Kabanata 16: I'm sorry
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay. Para bang may party. Dahan-dahan akong dumilat, bumungad sa akin ang isang kisame na hindi pamilyar sa akin.
Kinusot ko ang mga mata ko at tinignan ulit ang kisame. Hindi naman ganito ang design ng kisame sa bahay ah?
Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto. Kulay gray ang comforter at amoy panlalaking pabango. Shit! Nasaan ako?
Nag umpisa na akong magpanic. Ang alam ko pagka uwi ko galing ng mall ay dumiretso na ako sa kwarto ko para matulog. E kaninong kwarto ito?
Pinagmasdan kong muli ang kwarto, may malaking study table hindi kalayuan sa kama. May couch at flatscreen television na nakasabit sa wall. May isang pinto at sa tingin ko ay comfort room 'yon. May malaking closet din sa gilid ng study table.
Gray and white ang theme ng kwarto. Obvious na lalaki ang may ari.
"Gising ka na pala."
Halos mapatalon ako nang biglang may magsalita. Bumilis ang tibok ng puso ko sa gulat. Sinamaan ko siya ng tingin nang isarado niya ang pintuan.
"Nasaan ako?" tinitignan ko siya ng matalim habang lumalapit siya sa akin.
"Sa bahay." nakangiti niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko, paano ako napunta sa bahay niya? Tumayo ako at hinanap ang sapatos ko. Kailangan ko ng maka alis dito.
"Annds, mag usap naman tayo, please?"
Hindi ko siya pinapansin, Nak naman ng pating! Nasaan na ba ang sapatos ko? Nahagilap ko na pati ilalim ng kama niya pero wala pa rin yung sapatos ko.
"Annds, I'm sorry." tumigil ako sa paghahanap at hinarap siya.
Gosh! How I missed this face. But nevermind, galit dapat ako."Annd--"
"Yung sapatos ko?" pagputol ko sa sasabihin niya. Napataas ako ng kilay nang mag isip siya saglit.
"Hindi ko nadala nang binuhat kita, sorry." nagkamot siya ng batok at ngumisi. Binuhat niya ako? Gano'n na ba ako kapagod para hindi man lang magising sa pag buhat niya?
"Uuwi na ako, Darren." akmang bubuksan ko 'yong pinto ay humarang siya.
Tinignan ko siya sa mata at ang tanging nakikita ko ay pagsusumao. No Anndy! 'Wag kang magpadala sa mga mata niya.
"Please.. Talk to me." nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tignan, ayokong agad bumigay sa mga mata niya.
Para akong napapaso sa paghawak niya sa baba ko para iharap ang mukha ko sa kanya.
"I'm sorry.. I'm sorry for being a jerk."
I bit my lower lip, ramdam ko na ang pag init sa gilid ng aking mga mata.
"I'm sorry, Annds."
His jaw clenched, pinilit kong lumunok kahit na para bang may bara dito.
"Wala lang ba ako sayo, Darren? Tell me, mahal mo ba talaga ako?" halos manginig ang boses ko. Sunud-sunod na lunok ang ginawa ko para pigilan ang mga nagbabadyang luha. Patuloy ang pagtusok sa aking puso.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inilevel ang mukha niya sa mukha ko.
"Mahal na mahal kita, Anndy. Sa sobrang pagmamahal ko sayo kinain ako ng selos."
Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi niya?
"Selos? Bakit ka naman magseselos ha, Darren?" matapang na tanong ko.

BINABASA MO ANG
Illusion Called Us
Teen FictionHindi akalain ni Anndy na magkukrus muli ang landas nila ng estrangherong lalaki na tumulong sa kanya mula sa muntikan ng pagkabagsak sa tinutuntungan hagdan. At lalong hindi niya rin akalain na ang gwapong nilalang na iyon ay ang magiging instruct...