TWENTY TWO

27 9 0
                                    

Kabanata 22: The Reunion

Binaba ko ang mga dala kong gamit at pinunasan ang pawis sa mukha ko at sa leeg. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng Pavillion. Malaki ito at napapalibutan ng mga puno, nasa pinaka dulo na ito ng farm at hindi kalayuan ay matatanaw mo ang maliit na lawa.

"Boo!"

Napapitlag ako nang gulatin ako ni Brian, sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lang siya. "Hey, don't think that much, you'll get insane."

I think Robi likes you..

I think Robi likes you..

Umiling ako nang maalala ko ang sinabi niya kahapon. Oo gusto ako ni Sir bilang kaibigan.

I bit my lower lip ng may tumusok sa puso ko. Ano bang iniisip ko ngayon? Damn that Brian!

"Ate Annds, tara na excited na akong magdesign."

"Guys, ang mabibigat na gawain ay para sa boys at sa atin ay ang pag design, okay?" ani Tita Bea.

Nagkanya-kanya na kaming puwesto at kuha ng gamit na pandisenyo para makapag umpisa na.

Ako ang nakatoka para sa lettering, kaya gumuhit muna ako ng letters at inumpisahang gupitin ang mga ito.

Tinignan ko si Ritzie na abala sa paggawa ng bulaklak na papel. Sila Tita ay nag umpisa na din maggupit at magdikit ng design. Sina Tito naman ay abala sa pagsabit ng mga banderitas.

Dumako ang tingin ko kay Sir na nagsasabit, hindi ko alam kung bakit nasabi ni Brian na gusto ako ni Sir e halos nga hilingin na niya no'n na kalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kanya noon.

"Ate baka malusaw si Kuya."
Bulong ni Zie.

Shit! Pakiramdam ko ay umangat lahat ng dugo ko sa mukha. Nag iwas ako ng tingin at nagpatuloy nalang sa pag gupit. Narinig kong tumawa ng mahina si Zie.

What on earth I'm doing?!

"Anndy, pakisuyo naman ito kay Robi."

Hindi ako nakatanggi dahil binigay agad ni Tita sa akin ang mga banderitas na isasabit nila Sir Robi. Parang nanlalambot ang mga tuhod ko habang palapit ako ng palapit sa kinaroroonan nina Sir Robi. Maging ang puso ko nagwawala na naman.

Bakit ba bigla ko na lamang naramdaman ito? Ayoko ng ganitong pakiramdam.

"S-sir Robi."

Tumingin siya sa akin at inabot ko agad ang mga banderitas. "Thanks Anndy." ngumiti siya at nagsabit ng muli.
Tumalikod na ako para bumalik sa pwesto ko nang tawagin ako ni Sir.

Lumingon ako at tinignan siya, "Bakit Sir Robi?"
Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sa akin.

"Ah, nothing, go ahead."

Nagkibit balikat na lamang ako. Weird.

Nag unat ako ng kamay nang matapos na kami. Finally!
Nagmemeryenda na kami ngayon, kumuha lang ako ng konting pagkain at nagtungo na ako sa may lake.

Espesyal sa akin ang mga lake, sa tuwing may nakikita akong ganito siya lang talaga ang pumapasok sa isipan ko.

I squatted and touch the water. It's cold. Niyakap ko ang mga binti ko at ipinatong ang aking baba sa may tuhod ko.

Memories are memories.

Kahit pa siguro gaano katagal na ay babalik at babalik pa rin ito.

"You okay?"

Nag angat ako ng tingin at nakatayo sa may tabi ko si Sir. Nginitian ko siya at tumango.

"Missing someone?"
May bahid ng lungkot sa boses niya. Bakit? Bakit affected ako?

Illusion Called UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon