TWENTY

26 9 0
                                        

Kabanta 20: Blank expression

"We're here!" tili ni Ritzie at binuksan na ang pinto ng kotse, gano'n din ang ginawa ni Sir Robi sa gilid ko.

Bumaba na rin ako at dinama ang sariwang hangin. Ang sarap talaga ng hangin sa baryo. Mas lalong naging berde ang mga dahon sa mga matatayog na puno na nakapaligid sa Villa.

"Beatriz, Robert!"

Napalingon kami sa lalaki at babae na papalapit sa amin. Mukhang mag asawa sila.

"Kuya Paolo, Celestine." niyakap sila ni Tita maging si Tito ay gano'n din ang ginawa.

May pagkakahawig si Tita Bea doon sa Paolo, parehas silang maputi at hugis ng mukha.
"That's Tito Pao, Ate Annds. Kapatid siya ni Mama." mahinang saad ni Zie sa tabi ko, napatango nalang ako.

Kaya pala, ibig sabihin siya 'yong namamahala ng buong Villa na ito.
Lumapit sina Ritzie at Sir Robi sa kanya at nagmano. Dumako ang tingin sa akin ng Tita at Tito nila Zie.

Okay? Mukha akong out of place dito. Mali ata ang desisyon ko na sumama dito.

"O, may girlfriend ka na pala, Robi."

Nabigla ako sa sinabi ng Tito nila. Napatingin ako kay Sir na nakangisi lang at lumapit sa akin.

"Si Anndy po pala, Tito. She's a friend of mine."
Ngumiti ako sa kanila at nagpakilalang muli. "Pasensya ka na kung napagkamalan kitang girlfriend nitong si Robi."

"Okay lang po."

"Lets go inside, I'm sure gutom na kayo may inihanda kaming pagkain."
Naglakad na kami papunta sa bahay nila. Walang humpay pa rin sa kwentuhan sina Tita na nasa unahan namin, si Ritzie ay abala sa pagkalikot ng kanyang cellphone.

"How's your feet?" nilingon ko si Sir Robi na nasa gilid ko at nakatingin na sa akin.
"Okay na, Sir Robi."
After ng nangyari sa bundok ay hinatid ako ni Sir sa bahay namin at pinagpaalam ako kay Mama kung pwede daw ba ako ulit sumama dito nga sa Villa.

Una ayoko sanang pumayag dahil may magaganap na Reunion ang family nila Tita Bea, pero gusto daw akong isama ni Tita kaya pumayag agad si Mama. One week kaming magstay dito sa Villa, sina Tita kasi ang naassign sa preparation. Okay na rin siguro ito para malibang ako. Wala masyadong pinagbago ang bahay bukod sa bago ang mga kurtina at ayos ng ibang mga gamit sa sala. Dumiretso kami sa kusina at nadatnan namin naghahanda ng mga plato sina Manong at Manang. Binati ko sila at umupo na ako.

Nasa right side ko si Sir Robi at sa left naman ay si Zie. Napatingin ako kay Sir nang lagyan niya ng pagkain ang plato ko. Nginitian niya lang ako at sunod na nilagyan niya ang plato niya.

"T-thanks." I uttered.

Tahimik lang ako habang kumakain, maging si Ritzie ay tahimik. Pinag-uusapan kasi nila Tita ang preparation para sa reunion nila.

"Where's Brian?" tanong ni Tita.

"Nagpaalam kanina pupuntahan niya daw ang mga kaibigan niya."

Brian? Is he their son? Maybe.

Naalimpungatan ako nang may marinig akong kalampag. Kinuha ko ang phone ko para magsilbing ilaw. Alas dose na pala. Maingat akong naglakad pababa at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Nakapatay ang mga ilaw at aminado akong nakakatakot ang paligid.

Binuksan ko ang Refrigerator at kumuha ng pitsel at nagsalin ng tubig sa baso. Nilagok ko agad ito at maingat na nilapag ang baso sa lababo.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay naglakad na muli ako. Napatigil ako at halos mamutla nang may humawak sa kamay ko.

Shit! Isang kamay ang nakahawak sa akin?

"H-hey.."

Nanlaki ang mga mata ko ng may magsalita, tinapat ko ang nakailaw kong cellphone sa taong humawak sa akin.

Nakatayo ito malapit sa akin at dahil sa taranta ay nasuntok ko siya dahilan para matumba siya at gumawa ng ingay mula sa pagkakasagi niya ng kung ano.

Shit! Shit! Anong gagawin ko?

Sisigaw na sana ako nang biglang bumukas ang mga ilaw.

"What happened?" ani Tita Bea.

"Anndy?"

"Brian!"

Bumaba sina Tito at Tita maging sina Sir Robi at Zie na nagkukusot pa ng mata.

"What the heck?"

Tinignan ko ang lalaking hawak ang mukha niya at nakatingin sa akin.

"Brian! What happened?" naguguluhang tanong nang Tito nila Zie.

Brian? Napangiwi ako. This guy name is Brian? That means this guy is their son. Oh shit..

I bit my lower lip nang pagbaba ko ay nakita kong sinesermunan 'yong Brian ng magulang niya.
Sobrang nakakahiya ang nangyari kagabi, hindi sinasadyang nasuntok ko siya.
I explained my side and they understand. But I don't know how to face that guy now, pakiramdam ko kasi ako ang sinisisi niya kung bakit siya napagalitan. Mas lalo pang nagalit ang magulang niya nang maamoy nila itong amoy alak.

"Ate Anndy, tara sa kusina."

Nakatungo akong sumama kay Zie. "Good morning." masayang bati sa amin ni Tita.
Napatingin ako kay Sir Robi na nagtitimpla ng kape. Umupo kami ni Zie at kumuha ako ng tinapay na may palaman.

"Mamaya aalis tayo, okay?" ani Tita Celestine na kakapasok lang ng kusina.

"Saan po tayo pupunta, Tita?" tanong ni Zie.

Sunod na pumasok at umupo ay si Tito Paolo. Mukhang tapos na ang sermon. Napatigil ako sa pagkagat ng tinapay nang may umupo sa tabi ko. Si Brian.

"Bibili tayo ng pangdecorate at magpipicnic sa park." masayang saad ni Tita Celestine.

Pumalakpak si Zie sa excitement. "Mukhang masaya 'yon." ani Ritzie.

Napasinghap ako nang masagi ng kamay niya ang braso ko nang kumuha siya ng tinapay.

Nagkatinginan kami, ngumiti lang siya at nagkibit balikat. Nag-iwas ako ng tingin at napadako ang mga mata ko sa kaharap kong si Sir Robi. Blanko ang ekspresyon niya.

Bakit parang iba ang mga tingin niya?

Illusion Called UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon