FOUR

25 12 2
                                    

Kabanta 4: New Professor

Humikab ako at kinusot ang aking mata. Nakikinig ako ng music sa phone ko habang hinihintay namin ang pagdating ni Mr. Navarro. As usual late na naman ang Sociology Professor namin.

"Ang tagal ni Sir, uwi na kaya tayo?" dinig kong reklamo ng kaklase ko sa likod.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko na kung hindi nagkekwentuhan ay nakaduko sa mga arm chair nila. Nagpangalumbaba ako at huminga ng malalim. Nakakainip naman.

Natahimik ang buong klase nang pumasok si Mrs. Valencia, ang Dean ng College namin.

"Good afternoon, juniors."

Umupo kami ng maayos at binati din namin siya. Pumunta siya sa harapan, mabait pero istrikto si Mrs. Valencia lalo na sa mga rules niya sa college namin kaya dapat behave ka kung ayaw mong magkaroon ng penalty.

"As you can see, Mr. Navarro is not here because there are some conflict on his schedule, so he will no longer your Professor."

Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko at nagbulungan ang iba namin mga kaklase. Well, mukhang masaya sila na hindi na si Mr. Navarro ang Prof. Namin. Masyado kasi itong istrikto dahil siguro sa matandang binata ito at nagmemenopause na kaya panay ang pagsusungit sa amin.

"So that's why you have a new Professor, Mr. Silva come here and introduce yourself." nakangiting sumenyas si Ma'am at pumasok ang isang matipunong lalaki.

Pumunta siya sa harapan at nakangiti kaming tinignan. Halos malaglag ang panga ko ng mamukhaan ko siya. Oh... shit!
Professor siya?

Siniko ako ni Ange, kaya naman napunta ang atensyon ko sa kanya. "Siya 'yong partner in crime mo 'di ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Ange. Mababakas din sa mga mukha nila Irene ang pagkagulat habang nakatingin sa akin.
Maging ako ay hindi makapaniwala at gulat na gulat ako sa nakikita ko sa harapan.

What the hell is happening?

Tumikhim siya sa harapan kaya naman napatingin kami sa kanya. Nagtama ang aming mga mata at sumilay ang nakakaloko niya ngisi. Napalunok ako, siya ang magiging Professor namin sa buong unang semester ng taong ito. Oh no! Mamamatay na yata ako sa hiya.

"Good afternoon, I know you don't know me yet, because I am also new here."

Nakasuot siya ng salamin ngayon at pormal na pormal ang ayos niya. Blue long sleeve polo, black jeans paired with leather shoes.

"I was a Professor in Treston University  before I decided to moved here in Empress University.
I'm Mr. Robi  Silva."

Pakiramdam ko ay namutla ako nang sabihin niya ang buo niyang pangalan. Robi Silva. Shit! May mukha pa ba akong maihaharap sa kanya? Wala na sa tingin ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at ang bilis nang tibok ng puso ko. Maaatake yata ako.

"Ang gwapo naman niya girl." mahinang tili ng kaklase ko sa harapan namin.

"May inspirasyon na ako para mag-aral sa subject na 'to."
Nilingon ko 'yong kaklase ko sa gilid na mukha pang kinikilig.

"Paano Mr. Silva maiwan na kita, class behave, okay?"

"Yes, Ma'am!"

Umalis na si Mrs. Valencia at si Robi este si Sir nalang ang nasa harapan at nakatingin sa direksyon kung saan ako nakaupo. Panigurado natatandaan niya ako, sino ba naman ang hindi makakatanda sa akin e harap-harapan ko siyang sinabihan na guardian angel. Kung alam ko lang na siya ang bagong Professor namin sana pala ay nagdala ako ng maskara o kaya nag absent ako baka sakaling next week ay makalimutan na niya ang pagmumukha ko lalong-lalo na ang kahihiyan na ginawa ko sa library.

"Sir, ilang taon na po kayo?"
napatingin kaming lahat kay Maricris, ang babaeng higad nang magtaas siya ng kamay at magtanong.

"I'm sure, didikit na naman 'yan kay Sir para mataas ang grades niya." bulong ni Irene na nasa tabi ko.

Dumako ang tingin ko kay Sir, nginitian niya muna si Maricris bago sumagot. "I'm 27."
Napa awang ang bibig ko, seryoso? Akala ko ay 20 or 21 lang siya napagkamalan ko pang nasa senior year siya. Kaya naman pala hindi familiar ang mukha niya dahil bago palang siya dito.

"May girlfriend o asawa na ba kayo, Sir?" tanong ulit nang babaeng higad.

"That's too private, Miss. Sorry, but it's a secret." sagot niya.

Nawala lalo ako sa mood nang sabihin niyang secret. Hindi ko alam kung bakit pero gaya nila ay gusto ko din malaman kung meron na ba siyang girlfriend o asawa. Nanlumo ako, mukhang taken na siya. I heaved.

Seriously, Anndy? So what if he's taken? Don't tell me you like him?

Napatampal ako sa mukha ko. Siya? Gusto ko?
Ano ba naman yan, Anndy! Pati sarili mo kinakausap mo na.
Pero paano kung gusto ko nga siya? Parang ang bilis naman yata? Maybe I'm just attractive to him. That's all!

"Okay class, I want you to state your name so that I will know each of you."

What? Lalo akong kinabahan nang mag umpisa ng magpakilala ang mga kaklase ko isa-isa. Airconditioned ang room namin pero pinagpapawisan ako. Shit! Malapit na ako.
Umupo na si Ange sa tabi ko hudyat na tapos na siya at ako naman ngayon, hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang kaba ko e magpapakilala lang naman kami.

Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko, ramdam ko ang pagtingin sa akin ng mga kaklase at nila Irene maging ang pagtitig sa akin ni Sir Robi, huminga ako ng malalim at sinalubong ang mga tingin niya. His lips curved a bit, napalunok ako. Anndy, just say your name!

"H-h-hi Sir!"
Tumawa ang mga kaklase ko dahil sa pagka bulol ko sa salitang 'Hi'

Shit! Ano bang nangyayari sa akin? Kinalma ko ang sarili ko at tumikhim.

"Hi Sir, I'm Anndy Garcia, 19 years of age."
Thank God at hindi na ako nabulol.
Lumawak ang ngiti niya kaya naman kumunot ang noo ko, "Hi Miss Garcia." aniya.

Napasinghap ako nang batiin niya ako pabalik. Naestatwa na ako dito at hindi ko na magawang umupo.

"Gosh! Binati siya ni Sir pabalik, sana ako din." dinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko.

Nagising yata ang mga alaga ko sa tiyan at kinikiliti ako. Shit! Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Bakit kinikilig ako?

Illusion Called UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon