Kabanata 3: Too Attractive
Huminto siya sa paglalakad, pinagmasdan ko ang paligid. Nasa tagong likod kami ng gym at hindi ko akalain na may ganito palang kapayapang lugar dito sa Empress U.
Kulay berde ang mga damo at may puno sa gitna nito, napapaligiran naman ang buong paligid ng mga ligaw na bulaklak may mga paru-paro at tutubi din na nagliliparan.Naglakad kami papunta sa may puno at umupo sa damuhan. Nakangiti siya habang binubuksan ang box ng pizza.
Kumuha agad siya ng isang slice at kinagatan ito nang paunti-unti hanggang maubos.
Tumingin siya sa akin nang mapansin hindi ako kumukuha ng pizza. Shit! Nahuli niya akong nakatingin sa kanya baka mamaya isipin niya na may gusto ako sa kanya."Bakit hindi ka kumukuha? Ayaw mo ba ng libre?"
Napangiwi ako, he insist to treat me kahit ayoko sana dahil sobra ng nakakahiya pero sa huli wala pa rin akong nagawa. Kumuha ako ng isang slice, hindi ko mapigilan hindi siya tignan. Ang sarap niyang panoorin habang kumakain e.Muntik ko ng mailuwa ang kinagat kong pizza sa bigla niyang paglingon sa akin. Shit. Kailangan ko na yatang pagsabihan ang mga mata ko na 'wag siyang tignan.
Binuksan niya at inabot sa akin ang bottled mineral water na binili namin or should I say nilibre niya din sa akin. I muttered thanks to him.
This guy knows how a girl falls in love with him easily.
He's too attractive, lalo na pag tumingin ka sa mga singkit niyang mata. Parang sayo lang siya titingin. I shooked my head, kung anu-ano na naman ang pinagsasabi ko."So, Your name is Robi?"
Tumigil siya sa pagkagat sa pizza na hawak niya. At sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. "Yes, and you are Anndy, right?"
Tumango ako. Malapit ng matapos ang one hour rule at ubos na rin naman 'yong pizza. Mukhang kailangan na namin bumalik sa Jail booth para matanggal na rin ang posas sa kamay namin."Lets go?" aniya.
Tumango ako at sabay kaming tumayo. Lumabas na kami sa likod ng gym at marami pa rin tao. Anong oras na ba? Tumingin ako sa relo ko at alas onse na pala. I texted Ange kung nasaan sila.
Patungo na kami sa Jail booth nang may mga nagtatakbuhang estudyante at sa direksyon namin sila papunta. Bago pa ako makaiwas ay hinila niya ako at tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Napasinghap ako at naamoy ko ang panlalaking pabango niya. Shit! Yung puso ko.
"Annds, ang gwapo ng kasama mo kanina ah.'' ani Irene.
"Oo nga, Annds. Anong pangalan niya?" ani Elaine.
Nilunok ko muna ang kinakain ko at tinignan ko sila. Kasalukuyan kaming kumakain dito sa Jollibee ng lunch. Topic namin ngayon 'yong nangyari kanina sa amin at wala kaming ginawa kung hindi tumawa lang kaya hindi maiiwasan pagtinginan kami dahil sa kaingayan namin.
"Robi ang pangalan niya."
Naalala ko naman siya, bukod sa pangalan niya ay wala na akong alam tungkol sa kanya. Hindi ko man lang natanong kung anong year niya. Pagkatapos kasing tanggalin ang posas sa kamay namin ay naghiwalay na kami ng landas.
Nagtanong lang sila ng nagtanong kung saan at ano daw ba ang ginawa namin. Sinagot ko isa-isa ang mga tanong nila pero siyempre hindi ko nilahad lahat ng nangyari gaya nalang nang paghila niya sa akin kanina.
Sa totoo lang kinilig ako sa ginawa niya, at hindi ko mapigilan mapangiti sa tuwing sumasagi sa isipan ko 'yon. Sa isang araw lang ay ang dami ng nangyari.Pagkatapos namin kumain ay naglibot muna kami dito sa mall, naisipan namin magpunta sa Worlds of Fun. Maraming tao pero ayos lang sanay na kami na hindi nauubusan ang tao dito. Halos mga taga Empress U, at kakilala namin ang mga nakakasalubong namin.
Nag-aya silang mag karaoke, kaya nagpunta kami sa Music Room para magpareserve ng isa.
Pumasok kami sa loob, sound proof dito kaya hindi maririnig sa labas kaya kahit magwala ka ay ayos lang. Glass ang mga bintana kaya nakikita mo 'yong nasa kabilang room. May maliit na disco light sa taas at airconditioned. Nag umpisa na kaming magkantahan, at kung anu-anong kalokohan mga pinaggagawa namin. Si Irene ay sumasayaw pa at todo bigay sa pagkanta niya kaya tawa lang kami ng tawa.Napatingin ako sa may bintana at nahuli kong nakatingin sa akin? Ha? Tumingin ako sa tabi ko at wala akong kasamang naka upo. Sila Diane ay sa kabilang side nakaupo kung saan walang bintana. Ako, nakaupo sa gilid kung nasaan may bintana.
Nilingon ko ulit yung lalaki, at nakatingin pa rin siya sa akin?
Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi siya natinag at ngumisi lang.What? Pinasadahan ko siya ng tingin at sa totoo lang ay gwapo siya. Singkit ang mga mata, matangos na ilong, at gwapo talaga kahit na magulong tignan ang buhok niya. Mukha din nagkakasiyahan sila ng mga kasama niya. Inirapan ko siya at nakisali nalang sa pagkanta.
Tumayo ako dahil ako na ang kakanta, naghiyawan sila nang kumanta na ako. Hindi kagandahan ang boses ko pero ayos lang wala naman makakarinig bukod sa mga kaibigan ko e. Umupo na din ako pagkatapos ng kanta ko, hindi ko maiwasang mapatingin sa may bintana dahil ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Palihim kong pinunasan ang mukha ko ng panyo baka kasi may dumi talaga.
"Grabe ang saya!" ani Ange pagkalabas namin ng music room.
Ang sakit ng lalamunan ko kakahiyaw at tawa. Bumukas ang pinto ng kabilang room at lumabas mula doon 'yong guy kasama mga kaibigan niya. Nagtama ang mga mata namin, napansin ko ang ID lace niya at Empress University ang nakalagay. Sa EU din siya?
"Tara na guys." Nag-iwas ako ng tingin at umalis na kami.
BINABASA MO ANG
Illusion Called Us
Teen FictionHindi akalain ni Anndy na magkukrus muli ang landas nila ng estrangherong lalaki na tumulong sa kanya mula sa muntikan ng pagkabagsak sa tinutuntungan hagdan. At lalong hindi niya rin akalain na ang gwapong nilalang na iyon ay ang magiging instruct...