Kabanata 11: Couple shirt
Nagpunta ako sa likod ng Gym kung saan kumain kami noon ni Sir Robi ng pizza dito. Humiga ako sa damuhan para magrelax muna, hindi ko alam bakit nag eemo ako ngayon. Sigh, naalala ko na naman yung nangyari kanina.
Hindi ko alam bakit affected ako ng ganito sa hindi pagpansin sa akin ni Darren kanina sa karinderya. Ramdam kong iniiwasan niya ako kaya palaisipan pa din sa akin kung may nagawa ba ako. Ugh! Bakit ba masyado kong pinoproblema si Darren?
Pumikit nalang ako at dinama ang tahimik na kapaligiran.."Anndy? Hey wake up."
Naalimpungatan ako at dinilat ang mga mata ko. Shit! pumikit akong muli. Nananaginip na naman ba ako?
"Anndy why are you sleeping here?" Minulat kong muli ang aking mga mata at kinurot ang pisngi ko.
Napangiwi ako, masakit ah. Tinignan ko si Sir Robi na nakakunot ang noo, Hindi ba ito panaginip?Umupo ako at kinurot ang pisngi ni Sir, malambot at nasaktan siya? So ibig sabihin totoo ito?
"Sir totoo ka?"
Out of nowhere I asked. Lalong kumunot ang noo ni Sir at pinitik ako sa noo. Napa aray ako. "Masakit di ba?" tumango lang ako, "Ibig sabihin totoo, Tss." napangiwi ako at nagkamot nalang ng batok. Nakakahiya na naman.
"Anong ginagawa niyo dito Sir?" tanong ko ng umupo sa tabi ko si Sir Robi, yung puso ko nagumpisa na naman maging abnormal.
"Para magpahangin lang, e ikaw anong ginagawa mo dito at dito mo pa naisipang matulog?"
Nagdahilan ako na nakatulog lang ako at ayon sinermunan na ako ni Sir Robi. Kesyo daw babae ako at dapat hindi ako natutulog ng mag isa sa ganitong lugar.
Kanina pa talaga ako nagpipigil ng kilig dito, jusme!
Humiga si Sir at pumikit. Bakit pakiramdam ko iba na itong nararamdaman ko? Ayoko nito!Walang oras na hindi sumasagi sa isip ko si Sir, gusto kong lagi siyang nakikita at higit sa lahat ang saya sa pakiramdam kapag kasama ko siya, gaya ngayon. I sigh, ang hirap naman nito hanggang pasulyap sulyap ka nalang sa taong gusto mo hindi ka pwedeng umamin kasi hindi maaari.
"Baka malusaw ako niyan." he uttered.
Paano niya nakita kung nakapikit siya? Nag iwas na agad ako ng tingin bago pa niya ako mahuli.
"Bakit nag iisa ka lang? Nasaan mga kasama mo?" tanong ni Sir na nakadilat na at nakatingin sa akin.
Ang sarap pagmasdan ng mga mata ni Sir parang nang-aakit.. Napatampal ako sa noo ko, ano ba naman pinagsasabi ko. Nagtatakang nakatingin sa akin si Sir Robi kaya naman nginitian ko siya at sinagot ang tanong niya.
"You're weird today." umupo siya at sakto naman may tumugtog na love song sa loob ng gym kaya naman nagkatinginan kami ni Sir Robi sabay ngiti sa isa't-isa.
Ano ba naman itong nararamdaman ko ngayon? Hindi ko talaga maipaliwanag, pinipigilan ko ang sarili ko na lingunin si Sir Robi baka kasi makahalata na siya.
Ang tahimik, pakiramdam ko nabibingi ako kahit na may background na love song pa kami. "Sir?" nilingon ko si Sir na nakatingin na ngayon sa akin.
"May nagtapat o nagpahayag na ba ng pag-ibig sayo?" sa totoo lang hindi ko alam kung bakit naitanong ko yun kay Sir sana lang talaga hindi siya makahalata.
"Wala pa." tipid na sagot ni Sir,"..dahil madalas nalalaman ko na bago pa sabihin." dugtong niya.
Napalunok naman ako, what if malaman ni Sir yung feelings ko sa kanya? "Oras na pala, I have to go." tumayo na si Sir at nagpagpag kaya naman tumayo na din ako.

BINABASA MO ANG
Illusion Called Us
Teen FictionHindi akalain ni Anndy na magkukrus muli ang landas nila ng estrangherong lalaki na tumulong sa kanya mula sa muntikan ng pagkabagsak sa tinutuntungan hagdan. At lalong hindi niya rin akalain na ang gwapong nilalang na iyon ay ang magiging instruct...