NINETEEN

23 9 0
                                    

Kabanata 19: Arianne & Miguel

Nilingon ko sina Ritzie at ang mga kagrupo niya na nag paplano para sa shoot mamaya. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng script.

Tungkol ang kwento sa dalawang magkaibigan. Si Arianne at Miguel. Ako ang gaganap bilang si Arianne, e sino naman si Miguel?

"Ate Annds, anong masasabi mo?" tumabi sa akin si Ritzie.

Siya ang leader kaya naman siya ang pinaka abala sa pagpaplano.

"Maganda ang kwento nina Arianne at Miguel, pero sino ang gaganap na Miguel?" curious na tanong ko. Nakita kong biglang lumawak ang pagkakangiti ni Ritzie.

"Zie, tara na." napatingin ako sa harap at nakatayo do'n si Sir Robi. Kumurap-kurap ako baka kasi namamalikmata lang ako.

Ibang Sir Robi ang kaharap ko ngayon, his hair is messy at ang porma niyang tignan. Black v-neck paired with faded jeans and sneakers. Walang salamin na nakasuot sa mga mata niya. Tumayo si Ritzie at pumunta sa gilid ni Sir.

"Ate Annds, meet your partner, Kuya." kumindat pa si Ritzie sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

Heto ba ang sinasabi niyang mag eenjoy ako?

Tumayo na rin ako at naglakad papunta sa kotse ni Sir, mukhang ito ang sasakyan namin papunta sa bundok.

"Migs, malapit na ang paglubog ng araw bilisan mo ayusin mo ang pagkuha ng video ah."

"Opo heto na."

Inayos ko yung camera at sinet sa video. Tinignan ko si Arianne na nakatalikod sa akin. She loves sunset ever since we are child.
Madalas kaming magpunta dito sa may bundok mas kita kasi ang paglubog ng araw. Agad ko siyang pinuntahan nang makitang humihikbi siya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at iniharap sa akin. Pilit niyang pinupunasan ang mga luhang umaagos sa kanyang pisngi. She's crying again. I hugged her and gently tap her back.

"Ssh.. Tahan na." ramdam ko ang sakit nang pag iyak niya. Wala man lang akong magawa para maibsan 'yong sakit na nararamdaman niya.

"I can't help it, Migs. I missed him so much."

My jaw clenched. It's been nine months since her boyfriend died on a car accident. Saksi ako kung paano siya umiyak araw't gabi. Madalas ako ang pinupuntahan niya sa tuwing nalulungkot siya.

Wala naman akong magawa kung hindi damayan siya. I treasure our friendship the most, kahit na mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang nagkaka ganito. Mahal ko siya.

Yes, I love her more than a friend. Noon pa man ay alam ko ng mahal ko siya, bata pa nga lang kami nang maramdaman ko na ito. Wala akong lakas ng loob na magtapat, I was scared.

Scared of losing her. I only thought it's just a puppy love but as time passes and we're growing older my love for her never change. Until now I'm stuck with my feelings, I'm stuck with her.

"What is it Migs?" nakangiti niya akong nilapitan. Napangiti na rin ako nang makitang maaliwalas na ang kanyang mukha. I was thinking if I'm going to tell this now to her. Dammit! Ang hirap pala nito.

"Hoy, Miguel! Ano na 'yong sasabihin mo?"

Huminga ako ng malalim at tinignan siya sa mata. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"H-hey.. May problema ba?" umiling ako at ngumiti.

"Ar, I need to tell this to you now. Hindi ko na kayang itago pa itong nararamdaman ko."

Illusion Called UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon