FIFTEEN

27 10 1
                                        

Kabanata 15: Make over

Ilang araw ng nagdaan halos mag-iisang linggo nang hindi nagpaparamdam si Darren. Nakakainis lang kahit blank message hindi niya pa magawa? Gano'n na ba siya kabusy para hindi sagutin ang tawag at text ko?
I heaved a sigh in frustration.

"Annds, tara na!" tinignan ko ang mga kasama kong nakatayo na, I check my phone kung may text na ba ni Darren, wala pa rin.

Bahala na nga siya! Pinasok ko na sa loob ng bag yung phone ko at tumayo na para umuwi.

Naglalakad kami sa may pathway ng campus nang masalubong namin mga barkada ni Darren. Nakita ko si Louie at Christian pero wala si Darren.

"Louie!" huminto kami sa gitna, luminga-linga pa ako sa paligid baka mamaya ay biglang sumulpot si Darren. "Si Darren?"
Kumunot ang noo ni Louie pagkatanong ko.
"Absent siya. Hindi ba niya sinabi?" umiling ako. Hindi nga nagrereply e.

"Umuwi parents niya galing Korea, nag absent dahil marami daw silang inaasikaso." Christian said.

Pakiramdam ko wala akong kwentang girlfriend dahil hindi ko man lang alam ang nangyayari. Kinalma ko ang sarili dahil parang tinutusok ang puso ko.

Nagpaalam na ako sa kanila at pinuntahan sina Irene na nakatayo na malapit sa gate.

"Wala ata si Darren?" takhang tanong ni Irene. "Absent daw." tipid na sagot ko.

Wala ako sa mood ngayon dahil una, naiinis ako! Pangalawa, naiinis talaga ako!
Palabas na kami ng gate nang masalubong naman namin ang papasok na si Danica.

"Hi Anndy." nakangiti niyang bati.

"Hi." pinilit kong ngumiti, I don't want to be rude.

"Pupunta ka mamaya?" kumunot ang noo ko. Anong meron? Nabasa niya siguro sa ekspresyon ko na wala akong alam sa sinasabi niya.

"May party sa bahay nila Darren mamaya, celebration for the anniversary of his parents."

Ilang beses ko bang mararamdaman 'to? Na mukha akong tanga sa mga kaibigan ni Darren? Nakakainis gusto kong magwala!

"Ah.. Hindi nasabi sa akin ni Darren e, mukhang masyado siyang busy."

Tumango-tango siya. "Gano'n ba? O sige see you later." nakangiti niya akong kinawayan bago umalis ng tuluyan sa harapan ko habang ako heto mukhang tanga na nakatayo. Kainis!

"Yo'n na yung pinuputok ng butsi mo ha, best?"

Inirapan ko lang siya at tinignan ulit ang phone ko. Oo, umaasa pa rin ako na magtetext siya.

"Praning na kung praning, pero hindi ko talaga maiwasan isipin na wala lang ako sa kanya."

Huminga ako ng malalim at binuga ito. Tinawagan ko si Kayzel para may kasama ako sa pagmumukmok ko. Pagkatapos kong makausap kanina si Danica ay nagpaalam agad ako sa mga kasama ko na mauuna na ako.

"Tara na nga! Mag spa nalang tayo pati ako naiisstress sayo e."

Hinila niya ako papunta sa spa & salon na pagmamay ari ng ninong niya. Pumasok kami sa loob at masigla kaming binati ng mga tauhan sa spa. Kulay pink at mint green ang mga walls na may iba't-ibang design. Marami rin ang mga tao na nagpapa salon sa loob. Amoy mo ang mga shampoo na ginagamit nila.

Maluwag sa loob at may mga pasilyo at kwarto para sa body massage. Nasa gilid ang spa at doon kami dumiretso.
Nag pamasahe kami pagkatapos ay nagpa nail polish na rin.
Kahit papaano ay narelax ako.

"Next is make over."

Hinayaan ko lang mga nag aayos sa amin, kung anu-ano din pinag gagawa sa buhok ko at sa mukha.

Abala kami sa pagkekwentuhan ng bestfriend ko. Buti nalang talaga at nandito si Kayzel.

Illusion Called UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon