Kabanata 9: Accident
Humiga na ako sa kama at inayos ang kumot ko. Nakakapagod ang araw na 'to pero enjoy naman. Madilim na nang lumabas kami ng mall kaya pagkarating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto.
Nagulat ako nang magring ang phone ko. Kinuha ko ito na nakapatong sa ibabaw ng drawer at tinignan kung sino ang tumatawag ng ganitong oras.
Unknown number?
"Hello?" bati ko.
Narinig kong may tumikhim sa kabilang linya. "Hi Anndy."
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang sumagi sa isip ko si Lee na nakangiti. Umiling ako, nababaliw na yata ako.
"Sino 'to?" tanong ko, pamilyar ang boses niya pero ayokong mag assume.
"It's me, Darren Lee."
So, Darren pala ang name niya? Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako, e sinabi lang naman niya ang buo niyang pangalan. Shit! Nasisiraan na yata talaga ako.
"May kailangan ka ba?"
"Wala naman, matutulog ka na ba?"
Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa may dingding. Alas diyes na pala.
"Oo, oras na rin e."
"Pwedeng 'wag mo munang ibaba?"
"Ha? Bakit?" takhang tanong ko.
"Gusto kitang kantahan hanggang sa makatulog ka."
I paused for a while, thinking what should I answer. Is it Yes or No?
Narinig kong may kinuha siya, tumunog ito nang mukhang may masagi siya. Isang gitara.
"Should I consider a silence means yes?"
His voice was full of hope, I don't know why. I said, okay then he started to strum the guitar.
Nakatulala tuwing gabi, iniisip ang iyong mga ngiti
Damdamin ay hindi mapakali, ang puso ay bumibilis ang pintig
Sa bawat oras na nakikita ka, paligid ko'y nag iiba ang pinta
Pumikit ako at niyakap ang teddy bear sa tabi ko. He's good in singing, his voice was husky and I find it perfect.
Malayo pa lang tanaw na kita sabay tago pag sulyap ng 'yong mga mata
Hinahanap pag wala ka, pag nandyan ka na ay hindi na ko makapagsalita
Nananabik makatabi pero nanlalambot ang tuhod pag nandyan ka
Wala akong maibuga, nakatingin sa sahig pag malapit ka na
Napadilat ako nang sumagi sa isip ko ang mukha ni Sir Robi. Kung paano kami nagkakilala.
Naisip kong sumulat nalang, doon ko ipahiwatig sayo,
damdamin kong hindi mapakawalan
Umiling ako at pumikit muli. Humikab ako, Ramdam ko na ang antok.
Hanggang tingin nalang ba ako sayo
sinasabi ko lang na bumibwelo lang ako
araw-araw na ganito maitatago ko pa kaya ito..
Mukhang patapos na ang kanta niya, kinakain na rin ako ng antok.
"Oras ka na yata gumising ngayon?"
Humikab ako pagkatapos ay hinila ko ang upuan para umupo. Tinignan ko si Mama na naghahanda ng almusal namin.
"Masarap pong matulog, Ma."

BINABASA MO ANG
Illusion Called Us
Genç KurguHindi akalain ni Anndy na magkukrus muli ang landas nila ng estrangherong lalaki na tumulong sa kanya mula sa muntikan ng pagkabagsak sa tinutuntungan hagdan. At lalong hindi niya rin akalain na ang gwapong nilalang na iyon ay ang magiging instruct...