TWENTY ONE

24 9 1
                                    

Kabanata 21: Robi likes you

"Robi, ikaw na muna ang mag-ihaw dito." utos ni Tita.

Tumayo si Sir Robi mula sa pagkakaupo at nagpunta sa iniihaw na barbeque.
Luminga ako sa paligid. Maraming tao ngayon dito sa park, nakaupo kami ngayon sa malawak na field. Naglatag kami ng malaking blanket at tatlong basket ang dinala namin na naglalaman ng mga pagkain.

Sa gilid ay may playground, at marami rin bata ang naglalaro roon. Napangiti ako nang bigla siyang sumagi sa isip ko. Kamusta na kaya siya?

"Ate Annds, tara sa playground."

Nilingon ko si Zie na nakatingin sa may playground. Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa playground.

"Sige, Tara."
Tumayo na kami at tinanong kami ni Tita kung saan kami pupunta. Nagpaalam kami na pupunta lang kami saglit sa playground.

"Brian!"

Nag angat siya ng tingin at tinanggal ang earphone sa taenga niya.

"What is it, Ma?"

"Bakit hindi mo muna samahan sina Ritzie at Anndy na magpunta sa playground."

What? Sasamahan niya kami?
Pinagmasdan ko siya, his hair is a little blonde, matangos ang ilong niya at napakaganda ng kutis niya. He has a bad boy image pero napaka gwapo.

"Okay, I think it's a good idea."
Tumayo siya at nakangiting lumapit sa amin.

"Lets go."

Naglakad na kami patungo sa playground. Nagtama ang mga mata namin ni Sir ng dumaan kami kung saan siya nag-iihaw.
Nakakunot ang noo niya kaya nagtaka ako. May problema ba siya?

Nakasunod lang sa amin si Brian. Bigla akong hinila ni Zie dahilan para muntikan na akong matapilok. He chuckled so I look at him, nagkibit balikat lang siya kaya inirapan ko.

Umupo kami sa swing ni Ritzie gano'n din siya. 

"Kamusta ang states, Kuya Bri?"

"Okay lang, masaya."

Tumango-tango si Zie pagkatapos ay idinuyan na niya ang swing. Nahihiya pa rin akong harapin ang lalaking ito.

"Naiilang ka ba sa akin?"
Nilingon ko siya. "Ha?"

"Hindi ako manhid, you know."

"Loko-loko lang." singit ni Zie sabay tawa.

"Shut up, couz!"

"S-sorry pala."

"Ano ka ba, wala 'yon, kasalanan ko rin naman kasi natakot kita. Sorry din."

Mas lalong lumitaw ang kakisigan niya ng ngumiti siya.
Napatingin ako sa kamay niya ng ilahad niya ito.

"Brian Rivera, at your service." then he wink.

Pinagmasdan ko ang nakalahad niyang kamay at unti-unting sumilay ang mga ngiti sa labi ko.

Kinuha ko ito at nagkamayan kami. "Anndy Garcia."

-Ritzie's POV-

"Anndy para sayo."

Napataas ang kilay ko ng bigyan ni Kuya Bri si Ate Annds ng barbeque. Masayang tinanggap iyon ni Ate.

Pansin ko din ang tinginan nila Mama at Tita pero mas napansin ko ang pag-iba ng ekpresyon ni Kuya habang nakatingin sa magkatabing si Kuya Bri at Ate Annds.

Since I first met Ate Annds, parang may iba sa mga kilos ni Kuya maging si Ate Annds. I thought that they have a mutual feelings back then. The way Kuya looked to Ate Annds, it's very different mas lalo kong napatunayan 'yon ng gawin ko silang magpartner sa project namin.

Alam ko ang mga pinagdaanan ni Ate Annds no'ng maghiwalay sila ng boyfriend niya. Sobrang masakit 'yon kaya masaya ako na ngumingiti na siya ngayon.

Kanina ko pa pansin na tahimik si Kuya at panay lang ang sulyap kay Ate Annds.
I want to ask Kuya kung kahit konti ay may naramdaman ba siya kay Ate Annds.

Pero mukhang hindi ko na kailangan pang itanong 'yon. Sa nakikita ko ngayon mukhang nagseselos si Kuya.

Lihim akong napangiti. Sinasabi ko na nga ba na may nararamdaman talaga si Kuya kay Ate Annds simula pa no'ng una.

Paano ko kaya siya mapapa amin?

-Anndy's POV-

"Anndy, ako na diyan."

"Hindi na kaya ko naman 'to."

Pilit niyang inaagaw sa akin ang basket na hawak ko. Kanina niya pa kasi ako tinutulungan e halos siya na ang gumawa ng lahat.

"Asus, nagpapa pogi points lang 'yan si Kuya Bri, Ate Annds."

"Bumabawi lang ako kay Anndy."

Wala na akong nagawa kung hindi ibigay ang basket na hawak ko kay Brian. Alam kong hindi niya ako titigilan.

"Thanks Brian."

Umalis siya sa harapan ko at nilagay ang basket sa compartment ng kotse.

Dumaan sa harapan ko si Sir Robi kaya sinundan ko siya ng tingin. Ang tahimik niya kanina, halos hindi siya umiimik. May problema kaya si Sir?

"Anndy.."
May kumalbit sa akin kaya naman nilingon ko ito.
Humalukipkip siya at pinagmasdan ako.

"Sorry, may sinasabi ka ba?"

"You're spacing out, ha?" nakangisi niyang sabi.

May tumikhim sa likuran ko. "Anndy tara na sa kotse."

Sir Robi?

Lilingunin ko na sana siya ng hawakan ni Brian ang kamay ko.
"She'll come with me, right Anndy?"

Napa awang ang bibig ko, anong pinagsasabi niya?

"Gano'n ba."

Nilingon ko si Sir tapos si Brian.
"Hindi na Brian, nakakahiya naman." tanggi ko.

"Anndy, okay lang kung sa kotse nina Bri ka sasakay."

Bakit hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko si Sir? Gusto kong pigilan niya ako na sumama kay Brian, gusto kong sabihin niya na sa kanya lang dapat ako sasama.

"Ayon naman pala e, lets go Anndy."
Hinila na ako ni Brian papunta sa kotse nila, nilingon ko si Sir na naiwan nakatayo at nakatingin sa amin.

What's with that look?

"Ma, sasabay po sa atin si Anndy."
Sabay-sabay na napatingin sila Tita sa amin.

"Really, Ate Annds?" tanong ni Zie, nginitian ko lang siya.

"Boring po kasi kung ako lang at sina Mom, kaya Tita pahiram po muna si Anndy ha?"

Napangiwi ako, ano bang naisipan ng taong 'to at idinadamay pa ako sa kalokohan niya?

"No problem, Bri." nakangiting sabi ni Tita.

Mukhang no choice na talaga ako dito. Pinagbuksan ako ng pinto ni Brian at pumasok na ako sa loob. Mukhang nasa lahi na talaga nila ang pagiging gentleman.

"Anndy, don't be shy to us, okay?" ani Tita Celestine.

"Opo,Tita."

"Anndy."
Tinignan ko si Brian na nasa tabi ko. "Hmm?"

"How long have you been known my cousin Robi?"
Kumunot ang noo ko sa bigla niyang pagtanong. "2 years?" sagot ko.

Tumango siya, "I've heard he's your Professor?"

"Oo."

Ngumisi siya. Bakit ba si Sir Robi ang topic namin? Pinagmasdan ko siya. "Bakit mo natanong?"

Nagkibit balikat lang siya, "Nothing, Anndy."

Huminto na ang kotse at bumaba na rin sina Tita at Tito. Ang bilis, nasa Villa na pala kami. Bubuksan ko na sana 'yong pinto nang pigilan niya ako. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Bakit, Bri?"

"You know what, I think Robi likes you."

Napa awang ang bibig ko. What did he say? Me?

Sir Robi likes me?

Illusion Called UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon