Kabanata 13: You captured my heart
"Anndy? Bakit ka umiiyak?" takhang tanong ni Darren.
Pinunasan ko agad ang mga luha ko pero nagpatuloy pa rin ang mga ito sa pagpatak. Nakakainis naman e.
Akmang pupunasan ko na sana ulit ang mga luha ko nang pigilan ni Darren ang mga kamay ko at kabigin ako palapit sa kanya. He hug me.
"I will be your crying shoulder, Anndy." awtomatikong pumulupot ang mga kamay ko para yakapin si Darren at umiyak. Wala na akong pakialam sa mga taong dumadaan gusto ko nang iiyak lahat 'to.
Darren's PoV
I heaved a sigh then looked to Anndy who's silently looking down. Nasasaktan ako kasi nasasaktan si Anndy ngayon at hindi ko alam kung anong dahilan nang pag-iyak niya.
Pagkatapos niyang ibuhos ang lahat nang iyak niya kanina inaya ko siyang tumambay muna dito sa park para magpahangin.
"Thank you, Darren."
Nag angat siya ng tingin at tinignan ko ang namumugto niyang mga mata.
"Wala yun." I gave her an assuring smile. Kanina ko pa gustong magtanong pero hindi ko magawa. Nakaka ewan pala ang ganito.
"Pasensya ka na rin pala kanina, naiyakan pa tuloy kita." kumunot ang noo ko dahil kahit nakatawa siya ay halata mo pa rin yung lungkot sa mga mata niya. "Okay ka na ba?" she bit her lower lip then nod. She's not okay.
"Pwede ko bang malaman kung anong nangyari?" lakas loob na tanong ko. Sa totoo lang I'm damn nervous! She met my eyes and smiled bitterly.
"Si... Sir Robi.."
Medyo nagulat ako nang sinabi niya yung Sir Robi. Yun ba yung guy na kasama niya nun? Parang may tumutusok sa puso ko. Damn this heart!
"...nalaman niya na may gusto ako sa kanya at kinausap niya ko kanina at sinabing kalimutan ko nalang kung ano man daw itong nararamdaman ko."
Nakatingin lang ako sa kanya. Bago ako magtapat ng nararamdaman ko kay Anndy alam ko na may iba siyang gusto pero masakit pa rin palang marinig.
"S-sorry Darren."
Nakita kong nangingilid na naman ang luha niya sa kanyang mga mata.
I want to hug her again. I want to comfort her. I want to ease the pain she feels right now.
"Hey.. Don't feel sorry Anndy. Una palang naman alam ko na, na may iba kang gusto." pagkatapos kong sabihin yun ay nagsipatakan na ang mga luha niya sa kanyang pisngi. Damn! She's crying again. Hinigit ko siya at niyakap. I gently tap her back.
"Don't cry Anndy.."
Anndy's POV
"Best okay lang ba itong suot ko? Hindi ba pangit?" nag angat nang tingin sa akin si Kayzel at sinuri ako mula ulo hanggang paa.
Ngumisi ito at nag two thumbs up. Humarap ako sa salamin at tinignan ang repleksyon ko.
Simple lang ang suot ko, tee shirt, denim pants at sneakers. Naka pony tail ang hindi naman kahabaan kong buhok at nakalaglag naman ang bangs ko sa side.
"Hmm.. Best put some make up on your face it's your first date, right?" inirapan ko lang siya.
Alam niyang hindi ako nagkokolorete sa mukha. Iritado kasi ang mukha ko sa make up. Kaya hanggang polbo lang at eyeliner minsan pag naka trip ako naglalagay din ako nang liquid eyeliner.
Gaya ngayon. Tumunog ang phone ko at may nagtext.
Darren
I hope you don't change your mind. I'm waiting. See you.

BINABASA MO ANG
Illusion Called Us
Roman pour AdolescentsHindi akalain ni Anndy na magkukrus muli ang landas nila ng estrangherong lalaki na tumulong sa kanya mula sa muntikan ng pagkabagsak sa tinutuntungan hagdan. At lalong hindi niya rin akalain na ang gwapong nilalang na iyon ay ang magiging instruct...