FOURTEEN

23 12 2
                                    

Kabanata 14: Harana

"Guys! Pupunta tayong rave party mamaya. Okay? Walang KJ!" Irene exlaimed.
Sumang ayon naman kaming lahat na pupunta kami mamaya.

Ilang buwan na din ang nagdaan. Tapos na naman ang unang semester nang taong ito. Bago kami mag enrol sa pangalawang semester  ay bakasyon muna ng ilang weeks.

"Y.E.S?" nakahalukipkip na tingin sa akin ni Irene at sa papel na hawak ko.

Tinignan ko ang sticky note na hawak ko na may nakasulat na YES! Sinulat ko ito kanina habang abala sila sa pagkekwentuhan sa susuotin namin sa party mamaya.

Nginitian ko lang siya. Nanlaki ang mga mata niya at napatakip pa nang kanyang bibig na para bang may narealize siya.

"Sasagutin mo na siya Annds?" tili ni Irene.

Nahinto sa pagkekwentuhan sina Ange at lumingon sa akin. Maging yung mga nakaupo malapit sa amin ay napatingin sa tili ni Irene. Tumawa ako sa reaksyon nila.

"Talaga Annds? Sasagutin mo na siya?" tanong muli ni Elaine.

"Kailan?" tanong din ni Ange.

Napangiti ako. Pinag isipan ko na 'to kanina. "Pag nakakuha ako ng tyempo, baka mamaya." halos tumili silang lahat sa sinabi ko.

"Magkaka boyfriend na rin si Anndy sa wakas!" tumatawang sambit ni Elaine. Binawalan ko silang wag maingay dahil baka may makarinig pa na kakilala ni Darren.

"E 'di ba nanalo ang department nila sa basketball kanina? Ibig sabihin hindi siya pupunta sa rave party?" tanong ni Irene.

Akmang sasagot na ako ng may tumawag sa pangalan ko at halos sabay-sabay kaming napalingon.
"Ayan na pala ang pag-ibig mo Annds." bulong ni Ange na nasa tabi ko.

Tinignan ko si Darren na naka jersey short at t-shirt na gray. Dala niya ang kanyang shoulder bag, basa din ang kanyang buhok na halatang kakagaling lang sa pagligo.

Nang makalapit siya sa kinauupuan namin ay sabay-sabay siyang binati ng mga kasama ko, binati niya din ito pabalik.

"Pwede ko bang mahiram muna saglit si Anndy sa inyo?"

Nakangiting sabi ni Darren sabay tingin sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa tingin niyang iyon.

"No problem, kahit wag mo na siyang ibalik." sabay tawanan nila pagkasabi ni Irene no'n.

Umiling nalang ako sa mga kalokohan nila. As usual ako na naman napagtripan nila.
Tumayo ako at pumunta kami ni Darren sa gilid kung saan walang masyadong tao. Amoy ko ang panlalaking pabango niya. Humarap siya sa akin ng nakangiti. O-okay? Relax heart. Relax.

"M-may sasabihin ka?"

hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Pakiramdam ko kasi tagos ang mga titig niya. Tumikhim siya kaya naman pinilit ko na tignan siya sa mga mata kahit na halos magwala na ang puso ko.

"Pupunta ba kayo sa rave party mamaya?"

"Oo."

Tumango-tango si Darren. Halatang pagod siya dahil sa game kanina. Hindi kami nakapag usap nang matagal kanina dahil hinila agad siya ng mga kateam mates niya.

"Okay lang ba kung hindi kita mahahatid pauwi mamaya?"

Nahagip ng mga mata ko sina Irene na halatang nakikinig sa pinag-uusapan namin. Napangisi ako sa mga kalokohan nila.

"Okay lang. Kaya ko naman mag commute e." nginitian ko siya nang hindi niya pa rin inaalis ang pagtitig sa akin.
Naalala ko nang una niya kong hinatid sa bahay at ipinakilala ko siya bilang manliligaw ko kina mama at kuya. Simula non ay madalas niya na akong ihatid kahit na ayoko.

Illusion Called UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon