TEN

28 11 3
                                    

Kabanata 10: Damn this feelings

"Bye guys, see you tom." I waved my hands. Sa kabilang direksyon sila dumaan, naiwan akong nakatayo dito sa may harap ng room namin. Paalis na sana ako nang may tumawag sa akin, lumingon ako at nakita ang hinihingal na si Darren.

"Darren?"

"Hi, uuwi ka na?"

Saan ba siya galing at hingal na hingal siya? Tumakbo ba siya mula sa kung saan?

"Oo sana, bakit?"

"Gusto sana kitang yayain na lumabas, kung okay lang?"

I blink once, twice, thrice.

"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Yinayaya niya akong lumabas? Pero para saan? Bakit?

"I'm dead serious."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Bakit ba lagi nalang ganito ang sitwasyon?

"Okay lang naman kung ayaw mo, hindi kita pinipilit." ngumiti siya. Pero parang iba ang ngiti niya kumpara sa lagi niyang pinapakita.

Shit! Bakit di ko siya matiis?

-Darren's POV-

Hindi maalis ang mga ngiti sa labi ko, kulang ang salitang ligaya sa nararamdaman ko ngayon. Ang makita siyang nakangiti at tumawa ay ayos na pero ang makasama siya ngayon iba sa pakiramdam.

Damn! I am deeply in love with this girl.

Ever since I first met her, hindi na siya naalis sa isipan ko. Ang tagal ko ng nagpapapansin sa kanya. Sa wakas napansin na rin niya ako. Salamat sa sabaw.

"Bakit mo nga pala ako inayang lumabas?"

Napangiti ako nang maalala ang pagpayag niya na lumabas kami. But dammit! Anong sasabihin ko?

"Wala, gusto lang kitang makasama tsaka para na rin bumawi sayo." I wink.

Pansin ko ang biglang pagpula ng pisngi niya. Napangisi ako, hindi nakakasawang pagmasdan siya. Yung mga tingin niya sa akin lalo akong nahuhulog sa kanya, yung mga tawa niya ang sarap lang pakinggan at hindi mo namamalayan na nakangiti ka na rin.

Bigla siyang huminto kaya naman napahinto na rin ako, nakatingin siya mula sa malayo kaya sinundan ko ang direksyon na tinitignan niya.
Nakita ko ang isang lalaki na may kasamang babae habang tumitingin ng damit sa isang store.

That guy looks familiar, saan ko na nga ba siya nakita?
Tinignan kong muli si Anndy at nakatingin pa rin siya doon sa lalaki.
Nakita ko sa mga mata niya na malungkot siya. Bakit ganito? Nasasaktan akong isipin na may iba sa mga tingin niya do'n sa lalaki.

"Gusto mo siya?"
Hindi ko alam pero 'yon ang lumabas sa bibig ko.

"Oo."

Pagkasabi niya no'n ay bigla siyang napatingin sa akin at gulat na gulat.

"H-ha? Hindi ah! Tara na."  nauna na siyang naglakad sa kabilang direksyon. Nilingon ko ulit 'yong lalaki at nakatingin siya sa direksyon namin. Nagtiim ang bagang ko.

Damn this feeling!

-Anndy POV-

Nakatingin lang ako sa may kisame at tulala. Napahilamos ako ng mukha nang maalala ko 'yong nangyari kahapon.

Gusto mo siya?

Oo

Halos masampal ko ang sarili ko kahapon. Bakit ko ba kasi nasabi 'yon? Hindi ako nakatulog dahil do'n. Paano ko haharapin si Darren? Bakit ba ang dami kong iniisip ngayon? Kainis!

Illusion Called UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon