Kabanata 18: Begin Again
Tumayo ako at lumapit sa maliit na lake na nagpapaganda lalo ng tanawin sa hardin na ito. Inayos ko ang buhok kong hinahampas ng hangin. Isang magandang alaala ang lugar na ito. Ngayon ang araw na sinagot ko si Darren, paano kaya kung hindi kami nagkahiwalay? Siguro kasama ko siya ngayon na nakatayo dito. Huminga ako ng malalim at ibinuga ito sa hangin.
"Happy Anniversary, Darren." bulong ko sa hangin.Pumikit ako, kahit saglit lang nais kong maramdaman muli na kasama ko siya. Na nasa tabi ko siya at masaya kami. Hinayaan kong tumulo ang mga luha sa aking pisngi para kahit papaano mapawi ang sakit at pangungulila ko sa kanya. Dahil alam ko, sa oras na imulat ko na ang aking mga mata babalik ako sa realidad na wala na talaga ang lahat at isang alaala nalang ang mga ito.
Nakatungo lang ako habang naglalakad paalis ng garden. Gumaan na ang pakiramdam ko kahit papaano. Maingay sa paligid dahil weekend kaya naman halos pamilya ang namamasyal ngayon. Naririnig kong nagtatakbuhan ang mga bata at masasayang nagtatawanan.
Minsan darating ka sa point na gusto mo nalang bumalik sa pagkabata, yung tipong wala kang iniisip kung hindi maglaro lang.
"Anndy?" huminto ako sa paglalakad at nag angat ng tingin. Tumambad sa harapan ko si Sir Robi na nagtatakang nakatingin sa akin.
Anong ginagawa niya dito? May date ba siya? He's wearing a tee shirt paired with khaki short and sneakers.
"Mag isa ka lang?" hindi ko agad napansin na nakalapit na pala siya sa akin. Tumango ako bilang sagot.
"Ate Anndy?" nagulat ako ng biglang lumabas si Ritzie sa isang restaurant. Maraming resto sa gilid ng garden kaya naman hindi nakakapagtaka kung maraming tao.
"Ate namiss kita!" lumapit si Ritzie sa akin at niyakap ako. Bago pa ako makapagsalita ay nakita kong sunod na lumabas si Tita kasama ang isang lalaki. May pagkakahawig siya kay Ritzie. Nanlaki ang mga mata ni tita ng makita niya ako.
"Anndy?" lumapit agad si tita at niyakap din ako. Nakatingin lang sa amin 'yong lalaki, sa tingin ko siya ang papa nila Sir Robi.
"Tita.." I smiled sheepishly.
"Ang tagal ka namin hindi nakita ah? After your graduation madalang ka nalang lumabas sabi ng Mama mo."
Tama si tita, pagkatapos kasi ng graduation namin ay hindi na ulit ako nagpakita o nagpunta sa bahay nila. Sila ni Ritzie ang isa sa mga bumibisita sa bahay at hindi lingid sa kaalaman nila tita kung ano ang pinagdaanan ko no'n.
"You look good." ani Tita na nakatingin lang sa akin. Ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Tinignan ko sina Sir Robi at yung Papa niya na nag uusap. "Ma, isama kaya natin si Ate sa Villa." suhestyon ni Ritzie kaya naman napatingin kami sa kanya.
"Oo nga hija, come with us." nakangiting sabi nang Papa nila. Napangiwi ako dahil wala akong ideya sa pinag uusapan nila.
"Hindi na po, baka maka abala lang ako sa lakad niyo."
"Ate Annds sama ka na, para naman may kakwentuhan ako."
"Mamamasyal lang kami sa Villa ng kapatid ko, uuwi din tayo. I'm sure you'll enjoy there."
Mukhang kahit tumanggi ako ay ipipilit pa rin nila tita na sumama ako. Wala naman mawawala kung sasama ako, mas okay ng malibang ako kaysa magmukmok lang sa bahay.
"Sige po." tuwang-tuwa si Ritzie nang pumayag ako.
Sinama nila ko sa parking area kung saan naka park yung sasakyan nila Sir."Ikaw pala si Anndy, madalas kang mabanggit sa akin ni Bea at ni Ritzie."

BINABASA MO ANG
Illusion Called Us
Novela JuvenilHindi akalain ni Anndy na magkukrus muli ang landas nila ng estrangherong lalaki na tumulong sa kanya mula sa muntikan ng pagkabagsak sa tinutuntungan hagdan. At lalong hindi niya rin akalain na ang gwapong nilalang na iyon ay ang magiging instruct...