TWO

41 11 2
                                    

Kabanata 2: Booth Party

"Annds, takbo!"

Tumakbo kami ng mga kasama ko dahil na rin sa mga nanghahabol na estudyante. May event ngayon at tinatawag nila itong 'Booth Party' para sa mga freshman ang event na ito. Ginagawa ito taun-taon, at ang participant ng bawat booth ay for freshman only, para raw magkaroon ng camaraderie. Napagdaan na namin ito noon at masaya siya, bukod sa pineperahan mo ang mga estudyante na mas higher sayo ay nakakahanap ka pa ng maraming kaibigan.

Tumatawa kami habang isa-isa na kaming nalalagas. Patuloy pa rin kami sa pagtakbo dahil iba't-ibang participant ng bawat booth ang mga humahabol kaya kailangan talagang magtago.
Kami nalang ni Irene ang magkasama na tumatakbo dahil nahiwalay kami sa iba.

"Annds, saglit magpahinga muna tayo." nagtago kami sa may likod ng accountant building. Habol-habol namin ang aming hininga nang umupo kami.
"Kamusta na kaya 'yong iba?" natatawa niyang tanong.

"Panigurado nagwawala na mga 'yon sa mga booth."

Naririnig pa rin namin ang mga hiyaw ng mga estudyante na nahuhuli. Napamura si Irene nang makita niyang may tumatakbo na naman papunta sa amin. Mabilis akong tumakbo at pilit nilalagpasan ang bawat humaharang sa dinaraanan ko.
Napansin kong hindi nakasunod si Irene sa likod ko at wala na rin humahabol sa akin. Shit! Ako nalang ba ang hindi nahuhuli sa amin magkakaibigan?
Luminga-linga ako sa paligid at nagmasid. Napadpad pala ako sa may pinaka likod ng EU.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pawis na namuo sa mukha ko. Inamoy-amoy ko ang sarili ko, salamat sa pabango ko at hindi ako amoy pawis.
Nag group message ako sa mga kasama ko at tinanong kung kamusta na sila. Sunud-sunod ang natanggap ko na reply at nahuli na pala silang lahat at ako nalang ang hindi pa.

Ange

Goodluck Annds, next ka na niyan.

Natawa nalang ako sa text ni Ange. Kaya mas naging aware ako sa paligid. Mukhang wala naman nanghuhuli dito, tahimik ang paligid. Safe naman siguro ako dito, magpapahinga nalang muna ako. Akmang uupo ako nang may tumikhim sa likod ko, napatalon ako sa gulat at akmang tatakbo nang mabilis akong nahawakan ng kung sino sa braso.

"Hey, hey, relax." natatawa niyang sabi.

Humarap ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko. "I-ikaw?"

"Oh! Guardian Angel." nakangisi niyang sabi.
Napangiwi ako nang banggitin niya ang 'Guardian Angel'. Mukhang habang buhay ko yatang dadalhin ang kahihiyan na 'yon.

Tinignan ko kung may tao sa likuran niya pero wala naman akong nakikita. Baka nagtatago din siya sa mga humuhuli.

"Anong ginagawa mo dito?" nagtataka niyang tanong.
Wala siyang salamin ngayon at nakasuot siya ng stripe polo shirt at black jeans paired with leather shoes. Senior year ba siya? Maybe.

"Nagtatago?" hindi siguradong sagot ko, ewan ko kung bakit kinakabahan ako ngayon. Weird.

"You mean, nagtatago ka sa mga nanghahabol?"
Tumango nalang ako. Bukod sa nahihiya pa rin ako sa tuwing kaharap ko siya ay hindi ako komportable. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Bilis may dalawa dito!"

Napatingin ako sa nagsalitang lalaki hindi malayo sa amin at ngayon ay papalapit na.
Awtomatikong hinila ko ang kamay niya at tumakbo. Pero huli na ang lahat dahil nacorner na kami.

Ano ba naman 'yan! Sayang ang effort ko sa pagtakbo at pagtago. Pinosasan ang magkabila naming kamay. Jail Booth?
Hindi maipinta ang mukha ko sa asar. Nilingon ko siya at diretso lang ang tingin niya. Nakita ko ang mga kasama ko na nahuli kanina maging si Irene. Iba't-ibang booth ang nakahuli sa amin. Si Kriz at Diane ay sa Jail Booth din pero mukhang nakalaya na sila.

"I told you, Annds!" tumatawang sigaw ni Ange na nasa Dare Devil Booth.
Naramdaman kong may nagvibrate kasabay nang pagtunog ng phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at binasa ang nagtext. It was Irene who texted me.

Irene

Annds, ang gwapo niyang kasama mo ah? Kilala mo ba?

Ako

Hindi. Dahil sa kanya nahuli kami.

Pumasok na kami sa Jail Booth at pinapirma muna sa isang record book. Sinulat ko ang buo kong pangalan pagkatapos ay siya naman, Robi Silva. 'Yon ang nakalagay sa pangalan niya at iyon din ang sinulat sa maliit na rectangular white board. Tig-isa kami ng hawak at pinasandal sa isang malaking chart na  may height measurement.

"Para po ito sa mugshot, say peace." nakangiting saad nang matabang lalaki na may hawak na DSLR. Pagkabilang niya ng tatlo ay ngumiti nalang din ako.

Nagbayad kami ng tig-trenta pesos para sa kalayaan namin. Pero may one hour rule sila, kailangan muna naming umikot o maglibot ng isang oras sa Campus na may nakadikit sa mga damit namin na bond paper at nakasulat do'n ay 'Partner in Crime' (with arrow)

Kill joys are not allowed sa event na ito kaya no choice ako. Kahit pa sabihin natin na napaka gwapo naman talaga ng 'Partner in Crime' ko. Ramdam ko ang katahimikan sa pagitan namin pero mas ramdam ko ang pagsagi ng mga kamay namin sa isa't-isa dahil nakaposas pa rin ang magkabila namin kamay. Parang kinikiliti ang tiyan ko sa tuwing nagkakadikit ang mga kamay namin.

"Saan tayo pupunta? Maglilibot ba tayo o uupo nalang sa tabi?"
masyado ng awkward ang atmosphere kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Nagugutom ako, gusto mo bang kumain?" aniya sabay ngiti. Okay.. Nasabi ko na ba na nakakamatay ang ngiti niya? Kung oo, uulitin ko. Nakakamatay ang ngiti niya!

Inaya ko siya na magpizza nalang kami. Sumang-ayon naman siya kaya nagtungo kami kung saan may pizza stall.
Umorder kami ng isang medium box at naghanap ng bench na pwedeng maupuan.

"I know places where we can eat quietly." napatingin ako sa kanya, hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinila na niya ako papunta kung saan.

"T-teka, saan ba tayo pupunta?"
Takhang tanong ko, hila-hila niya pa rin ako at papunta kami sa direksyon kung nasaan ang Gymnasium.

"Kung saan walang may alam."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Akala ko ay sa loob kami ng gym kakain nang bigla siyang lumiko pakanan at dumaan kami sa walang masyadong tao. Napalunok ako, saan kami pupunta?

Illusion Called UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon