SEVENTEEN

26 10 0
                                        

Kabanata 17: Reminiscing

"Darren, saan mo ba ako dadalhin?"

I can't see anything because my eyes was blind folded. Kanina pa kami lumalakad dito, hindi ko alam kung anong pakulo na naman ito ni Darren.

"Malapit na tayo, don't worry." he chuckled.

I think he's making fun of me. Tanging hampas lang nang hangin sa mga dahon ng puno ang naririnig ko at mga huni ng mga ibon sa paligid na parang awit sa aking taenga.

Huminto kami at naramdaman ko ang marahang pagtanggal ni Darren sa panyong nakatakip sa aking mga mata. Unti-unting luminaw ang aking nakikita.

"Suprise! Happy Anniversary Anndy." ani Darren na nasa likod ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang mga rose petals na naka ayos sa damuhan at naka pormang letra ang mga ito.

'Happy Anniversary'

Sa gilid ay may malaking hugis puso na mga rose petals, it was mix white and red petals. There's a blanket inside at may basket na nakapatong.

I'm...speechless.

Nilingon ko si Darren na ngayon ay nasa gilid ko at malapad ang ngiti. He planned all of these for our first anniversary? Parang gusto ko tuloy maiyak sa tuwa.

"You like it?" umiling ako na nagpakunot ng kanyang noo.

"No, because I love it." he scooped me in his arms. I can't explain my happiness right now. His arms is my haven.

Umupo kami sa blanket na nakalatag sa damuhan. May isang maliit na lake 'di kalayuan sa lugar namin na lalong nagpaganda ng tanawin. Humiga ako sa braso ni Darren pagkatapos namin kumain.

Tahimik lang kaming nakahiga habang pinagmamasdan ang mga ulap. Sapat na sa amin ang katahimikang ito.
Iniangat ko ang aking mukha para tignan si Darren. Bakas ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Thank you for everything, Darren." tinignan niya ako sa gilid ng kanyang mga mata at inilapit pa sa kanya.

"You're always welcome, baby." he wink then kissed my head.

Until now my heart beaten so fast and my stomach has always butterflies inside it when he do that thing.
Sa loob ng isang taon, marami kaming pinagdaanan.

Napagtanto ko na hindi lahat puro saya sa isang relasyon, minsan darating yung point na mag aaway kayo kahit sa maliit na bagay, magseselos ka. Pero hindi dahilan 'yon para sumuko kayong dalawa.

Mas lalong tumibay ang relasyon namin ni Darren, ang dami namin pangarap para sa isa't-isa. Ilang buwan nalang at magtatapos na ako ng kolehiyo.

Mas mauuna ako kay Darren dahil next year pa siya. Pero hindi 'yon magiging hadlang.

"Mahal na mahal kita, Annds." pumikit ako at niyakap siya nang mahigpit. Dinig ko ang pagtibok ng kanyang puso, "Mahal na mahal na mahal din kita, Darren."


"W-what?" halos mapaos ako sa pagsasalita. Para akong nabibingi sa sinabi niya. This is not true, right?

"I'm sorry, Annds. But I'm setting you free."

Napahagulgol ako sa harapan niya. This is not happening, I'm just dreaming. This is just a nightmare! Can someone wake me up, please?

Napaupo ako dahil hindi na kaya ng mga tuhod kong tumayo. Yung puso ko pakiramdam ko unti-unti itong nadudurog sa loob, para akong tinutusok. Bakit? Bakit ganito?

Hindi ko magawang magsalita, hindi ko kaya. Patuloy sa pag agos ang mga luha sa aking pisngi. Bakit ang dali-dali lang niyang sabihin 'yon? May nagawa ba ako? Masaya naman kami sa mga nagdaang araw ah?

"Anndy, I'm sorry..I'm really sorry." niyakap niya ako. Gusto kong magpumiglas, gusto kong magalit, gusto ko siyang sigawan pero hindi ko magawa. His arms is my haven. Kahit nadudurog ang puso ko ngayon, hindi ko siya magawang itulak palayo. Ayoko. Hindi ko kaya.

"B-bakit? Bakit Darren?"

Hinahampas ko ang kanyang dibdib kahit parang wala na akong lakas. Pinipilit kong maging matapang, gusto kong malaman kung bakit, bakit naging ganito ang nangyari sa amin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Tinignan ko ang mga mata niyang namumugto sa pag iyak. Buti nalang ay kami lang ang nandito sa park dahil gabi na.

Tanging mga ilaw nalang ng mga poste ang nagsisilbing liwanag sa park. Lumunok ako baka sakaling unti-unting tumitigil ang pagpatak ng aking luha.

"I'm sorry, Annds.." pumikit ako, hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya. Mas nadudurog ako sa tuwing nakikita siyang nasasaktan.

"I'm going to Seoul, and we're settled there for good."

Mas lalong akong humagulgol na malamang aalis siya. Ibig sabihin hindi ko na siya makikita pang muli? Hindi ko kaya, hindi ko kayang isipin na hindi ko na siya makikita.
Suminghap siya, he's crying.

"I really love you, Annds. Kahit mahirap, kahit masakit, kahit alam kong madudurog ko ang puso mo, kailangan kitang palayain kahit kapalit pa no'n ang pagkawasak ng mundo ko."

Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay. Naninikip ang dibdib ko, durog na durog ang puso ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.

Napakahigpit. Sa yakap na 'yon, pinadama niya sa akin na hindi niya ko papakawalan, hindi siya bibitaw. Pero dahan-dahan niyang inalis ang pagkakayakap sa akin. Kasabay no'n ang unti-unting paglaho ng mga pangarap namin sa isa't-isa.

'Yong mga panahon na masaya kami, ngayon magiging isang alaala nalang ng kahapon. Isang kahapon na puno ng saya at magagandang alaala. Ang pagkadurog ng aming mga puso ang magsisilbing bakas nang ngayon. Dahil bukas, wala na ang lahat.

Mabilis kong pinunasan ang aking pisngi sa pagtakas ng isang luha. Isang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon sariwa pa rin sa isipan ko ang lahat. Kung paano kami naging masaya at kung paano niya ako iniwan ng durog.


I heaved a sigh. Tumingala ako sa langit at lumunok ng sunud-sunod para maibsan ang paninikip nang aking dibdib.

Don't cry, Annds. He doesn't deserve your tears. Napangiti ako ng mapait, sa mga araw at buwan na dumaan pinilit kong ipasok sa kukote ko ang mga salitang 'yon. He doesn't deserve your tears, Anndy. He doesn't deserve your tears, Anndy.

Paulit-ulit, pero sa huli talo pa rin ang isip ko sa sinasabi ng puso ko. Magmumukmok ako sa kama at iiyak, araw't gabi.

Pero sabi nga nila ang lahat may hangganan, kung saan makakalimot ka na sa wakas, yung durog mabubuo ng muli. Sana lang nandoon na ako sa hangganan na iyon. Dahil kahit isang taon na ang lumipas, durog pa rin ang puso ko. Hindi pa rin ito buo.
Pinagmasdan ko ang paligid ng hardin at ngumiti. I'm still missing him.

Illusion Called UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon