Kabanata 7: Get lost
"Excuse me, excuse me po."
Kulang nalang ay hawiin ko na ang mga nakakasalubong at nakakasabay ko sa may hallway. Bakit ba kasi ang daming tao dito ngayon? Kung kailan nagmamadali ako eh. Tinignan ko ang relo ko at late na ako para sa first subject namin.
Kung bakit naman kasi hindi tumunog ang alarm clock ko!"Sorry." sambit ko nang may mabunggo akong balikat ng isa sa mga estudyanteng naglalakad din sa may hallway.
Hindi na ako nag aksaya pang tignan kung sino 'yon dahil sa pagmamadali ko. Humingi naman ako ng paumanhin e.
Nagmamadali akong umakyat ng hagdan at nilalakihan ko na ang bawat hakbang ko. Paliko na ako sa may paakyat nang hagdan ng hindi inaasahan ay magkasalubong kami ni Sir Robi at sa gulat ko ay napaatras ako at nawalan ng balanse.
O, Shit!
Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko na matutumba ako, hindi ko alam ang gagawin ko kaya pumikit na lamang ako. Hindi ko na nagawa pang humawak sa may railings ng hagdan.
Naramdaman kong may pumulupot na kamay sa may baywang ko at kinabig ako paangat. Naramdaman ko ang pag-apak ng mga paa ko sa sahig kaya nakahinga ako ng maluwag. Thank goodness!
Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at kumurap-kurap kung totoo ba talaga ang nakikita ko sa aking harapan.
"You should be careful, Miss Garcia." seryosong saad niya.
Halos pigilan ko ang paghinga ko para hindi ko ito maibuga sa mukha niya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa at maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya.Jusmiyo! 'Yong puso ko, napahawak ako dito at sobrang bilis ng pintig nito. Bakit ba ganito na lamang ang apekto niya sa akin?
"Mr. Silva?"
Sabay kaming napalingon ni Sir sa may baba ng hagdan at nakatayo doon ang isang napakagandang babae.
Umayos ako ng tayo nang bitawan ako ni Sir Robi."Rebecca."
Nakita ko ang pagngiti ni Sir sa kanya gano'n din 'yong babae na tinawag niyang 'Rebecca'.
Siya 'yong babaeng kasama ni Sir Robi sa canteen kahapon.
May relasyon ba sila? Base sa nakita ko kahapon ay kakaiba ang closeness nila.Hindi ko madalas makita si Ma'am Rebecca, kaya hindi ako pamilyar sa mukha niya noong una pero marami na akong naririnig tungkol sa kanya dahil halos yata ng kakilala ko sa Department namin ay may crush sa kanya.
Pinagmasdan ko siya, totoong iba ang ganda niya sa karaniwang babaeng tulad ko na wala naman maipagmamalaki. Matangkad siya at pwede mo ng ipantapat sa mga sikat na modelo. Maganda din ang hubog ng kanyang katawan hindi gaya ko coke in can.
I sigh. Bakit ba ikinukumpara ko ang sarili ko sa kanya?
Nakaramdam ako ng insecurities. I shook my head, mali ito. Hindi dapat.Umatras ako ng bahagya nang lumapit siya kay Sir Robi. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.
Parang hindi ko kayang tignan sila nang ganito kalapit kung gaano sila kakomportable sa isa't-isa.
I should go now, I am out of the picture.Tumunog ang phone ko at nagpasalamat ako sa isip ko. Kung sino man ang nagtext na 'to, ililibre ko.
Napunta ang atensyon nila sa akin at nakaramdam ako ng pagka-ilang.
Pinilit kong ngumiti kahit parang ngiwi."Sir Robi, salamat po pala, I'll excuse myself, Sir, Ma'am."
Ngumiti si Ma'am Rebecca pero si Sir Robi ay tumitig muna sa akin saka tumango. Umakyat na ako ng hagdan patungo sa second floor kung saan nandoon ang room namin.
Shit! Super late na pala ako.
Binuksan ko ang inbox ko at tinignan kung sino ang nagtext sa akin.
Unknown number
Hi?
Kumunot ang noo ko. Sino na naman 'to?
"Heto po ang order ko, ate."
Tinuro ko ang ulam na gusto ko at pinanood si Ate na ilagay 'yon sa plato ko. Kinuha ko ang tray nang makitang kumpleto na ang inorder ko, dumiretso ako sa may cashier para magbayad na.Nilingon ko si Irene na nasa gilid ko nang sikuhin niya ako sa may tagiliran, may nginunguso siya sa kung saan kaya luminga-linga ako sa paligid. Nakita ko 'yong lalaki na singkit at nakatingin siya sa akin.
Inirapan ko lang siya at sinundan si Irene na nauna ng naglakad papunta sa lamesa namin kung nasaan nakaupo na sina Ange.
Tinaasan ko siya ng kilay nang humarang siya sa daraanan ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na dumiretso 'yong mga kasama niya sa counter.
"What?"
Kumunot ang noo ko nang ngitian niya lang ako sa ginawa kong pagtataray. Ano bang sa akala ng kumag na 'to? Madadala ako sa pagngiti niya? Oo aminado akong gwapo siya pero..
"Ako ng magdadala."
Napa awang ang bibig ko nang kuhanin niya mula sa mga kamay ko ang dala kong tray at dalhin ito sa lamesa kung saan kami nakapwesto.
Seriously? Anong nangyayari?
Lumapit ako sa pwesto namin at nakangiti na naman niya akong hinarap. Pansin ko ang mga nakakalokong ngisi ng mga kasama ko habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Para saan 'yon?" mataray na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit nagtataray ako sa kanya ng ganito siguro sa mga ngiti niya, para kasing napaka perpekto ng ngiti niya at parang tatangayin ka nito. Kaya ang sarap punitin ng mukha niya e.
"I just want to help." ngiting sagot niya.
Ayan na naman ang mga ngiti niya! Huminga ako ng malalim at umupo na, pinanlakihan ko ng mata ang mga kasama ko na malawak pa rin ang pagkakangisi.
"I don't need your help, okay? Get lost." iritang sagot ko.
Sumubo na ako ng pagkain ko. Hindi ko siya tinignan pero mula sa gilid ng mga mata ko ay kita kong nakatayo pa rin siya. Ano bang kailangan niya?
"Ren! Heto na 'yong order mo!" sigaw ng kaibigan niya dahilan para umalis siya.
Nagpatuloy lang ako sa pagsubo. Pakiramdam ko ang sama ko sa sinabi ko sa kanya kanina.
"Meron ka ba ngayon, Annds?"
Napatingin ako kay Elaine nang magtanong siya bigla. "Ha?"
"Ang sungit mo kasi sa kanya, meron ka ngayon 'no?"
natatawang sabi niya."Oo nga, Annds. Kung nakita mo lang ang itsura niya kanina nang sinabi mong 'get lost'."
Lalo akong nakosensya sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko.
Lumingon ako sa gilid ko nang may tumabi sa akin, nakita kong nagulat din ang mga kasama ko sa bigla niyang pag-upo sa tabi ko."Patabi, wala na kasing bakanteng upuan e."
Tumingin ako sa paligid at punuan na nga ang mga upuan. Nakita ko ang mga kasama niya na abala sa pagkain at panaka-nakang tumitingin sa direksyon namin.
Hindi na ako umimik at nagpatuloy nalang sa pagkain. Gano'n din ang ginawa niya.
Napapatigil ako sa tuwing nagkakasagi ang mga braso namin."You didn't reply to my message."
Nilingon ko siya at nagtama ang mga mata namin, nakangiti naman siya. Biglang sumagi sa isip ko 'yon nagtext kanina.
Siya 'yon?

BINABASA MO ANG
Illusion Called Us
Genç KurguHindi akalain ni Anndy na magkukrus muli ang landas nila ng estrangherong lalaki na tumulong sa kanya mula sa muntikan ng pagkabagsak sa tinutuntungan hagdan. At lalong hindi niya rin akalain na ang gwapong nilalang na iyon ay ang magiging instruct...