Chapter 7
'Justice'
Heaven's PoV
Sinabi sa akin nina Tyco na 'wag ko muna raw sabihin sa iba ang nangyari sa detention pero nangako sila na bibigyan ng justice ang nangyari sa akin, on their own way.
Justice.
But I'm looking for justice from vampires since I was seven years old.
Pagkarating namin sa dorm ay agad niyang inayos ang kama ng hinihinala nilang prinsesa.
"Hindi ba dapat maaamoy niyo kung bampira ang isang tao o hindi?" Tanong ko habang pinapanood ko lang siyang inaayos 'yung kama.
"Bukod kasi sa maaaring nakasanayan na niya ang buhay sa mundo ng mga mortal, ay half vampire lang siya kaya imposibleng maamoy namin siya o kahit pa ng mga lobo. Mahina ang pang-amoy ng mga lobo kapag nasa liwanag sila." Paliwanag niya kaya Tumango ako. Okay, I got it. Habang nag-aayos siya ay nahiga ako at may kumatok.
"She's here." Excited na sabi Fire. Agad naman siyang napunta sa pintuan, using her vampire speed, of course. Binuksan niya ang pinto at bumungad ang babaeng may makapal na salamin.
"Hello." Masayang bati ni Fire. Ngumiti sila sa isa't-isa at saka pumasok.
Isn't it great? I was like being trapped in a tower with two nerds na kapwa bampira? Pero nakapasok sa Westridge ang nerd na 'yan, so malamang, hindi rin siya basta-bastang estudyante. Mukhang magkakasundo sila.
"Isang city mayor daw ang nagpalaki sa kanya," sabi ni Fire. Oh, kaya pala siya nakapasok dito. "Oh my God!" Biglang napatayo si Fire. Nagtatakha ko naman siyang tinignan.
"Bakit?"
"The party. Oh my God! Magbihis na tayo," natarantang sabi niya. "Sasama ka," sabi ni Fire kay... Tiffany. Yea.
"Pero nasa old room ko pa ang ibang mga gamit ko." Sabi ni Tiffany.
"Sige, halika. Kunin muna natin," sabi ni Fire at tumingin sa akin. "Heaven, ikaw magbihis ka na." Sabi niya. Inuutusan niya ba ako?
Nang makalabas sila ay nagpunta na ako sa closet ko at naghanap ng pwedeng isuot. Tutal malamig naman ngayon, I pull out my light blue sweater dress. Ipinatong ko iyon saglit sa kama ko at kinuha ang towel ko. Nararamdaman ko pa rin ang mga hawak ng hayop na Brent na 'yon kaya kailangan kong maligo.
Hinayaan kong tamaan ng maligamgam na tubig ang buo kong katawan. Kailangang maalis ang dumi na dulot ng pagkakahawak niya sa akin.
Ew.
Natapos na akong maligo ay wala pa rin akong naririnig na ingay mula sa labas. Ang tagal namang kumuha ng gamit ng dalawang 'yon. I wrap my towel around my body at lumabas. Kinuha ko ang dress ko. Bumukas ang pinto at mukhang dumating na sila.
Pagtingin ko sa dumating ay napahigpit ang kapit ko sa tuwalya ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Halos pasigaw kong tanong. Ngumisi lang siya at nagdiretso sa loob. "Ano ba? Lumabas ka nga!" Nilapitan ko siya at pinagtulakan.
"Ano ba, Ford! Hindi ikaw ang pinunta ko rito. 'Yung kambal ko ang gusto kong makausap," sabi niya. "Where is she, by the way?" Kaswal niyang tanong.
"Sinasamahan niya si Tiffany na kunin ang iba niyang gamit kaya shoo. Layas!" Patuloy pa rin ako sa pagtulak sa kanya pero masyado siyang matigas.
"Just stop! Para namang pagnanasaan kita!" He jerkily said.
"Just get out!" Sigaw ko.
"Alam mo, minsan ka na nga lang magsalita, nakakarindi pa. Fuck, you're too loud." Reklamo niya. Siya pa ang may ganang magreklamo?
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster
VampireHeaven Ford, the long lost successor of the race she hated the most. [Highest rank attained #21 in Vampire] -Book Cover credits to @AsawaNiJeonJungkook