35. Missing

3.7K 82 1
                                    

Chapter 35

'Missing'

Heaven's PoV

Marahan kong iminulat ang mga mata ko nang magising ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Medyo blur pa rin ang paningin ko dahil nanghihina pa rin ako.

"She's awake." Sabi nung isang babae at nakarinig ako ng mga yabag palapit dito. At doon ko lang nakita ng malinaw ang mga mukha nila. Limang babae sila ngunit tanging si Mayonielle lamang ang namumukhaan ko. Tatayo na sana ako ngunit hindi ko nagawa dahil ngayon ko lang na-realize ang sitwasyon ko. Ang daming kung anu-anong nakasaksak sa akin na nakakonekta sa iba't-ibang monitor.

Sa ulo ko, braso ko at mga kamay ko.

"Anong... Anong kailangan niyo sa akin?" Tanong ko sa nanghihinang tinig.

Damn it!

Hindi nila ako sinagot. Bagkus ay kinuhanan nila ako ng dugo. Pilit akong nagpupumiglas ngunit hinang-hina pa rin talaga ako.

"Bitawan niyo 'ko." Hindi sila natitinag at nagpatuloy sila sa ginagawa nila. Si Mayonielle ang kumukuha sa akin ng dugo at ang iba ay nagta-type sa mga monitor na nakapaligid sa amin.

"Ang bilis ng reaction ng dugo sa V-Tox. It's positive. Royal blood nga siya." Sabi ng isa habang manghang-mangha sa tinitignan niya sa monitor.

"Call boss at ibalita niyo sa kanya." Sabi ni Mayonielle.

Damn these bitches.

Baka nag-aalala na sa akin si kuya. Kailangan ko nang makauwi. Ginamit ko ang natitira kong lakas at nagpumiglas ako mula sa kung anu-anong nakasaksak sa akin. Natanggal ko ang iba ngunit nahawakan nila ako.

"Get off me!" Pinagtulakan ko sila ngunit lima sila at wala na akong lakas kaya wala akong laban. "I'm going home!" Dahil sa galit ay nabasag ang ibang monitor. Nagkatinginan sila at nakaramdam ng takot.

"Delikado 'to. Turukan niyo siya ng pampatulog." Agad na kumuha ng syringe ang isa sa kanila at saka ako tinurukan. Muling nanlabo ang paningin ko at nawalan na naman ako ng malay.

Peter's PoV

I tried to call Tyco Saavedra to ask where the hell he brought my sister. I got a text message from Heaven informing me that she's with Tyco. Maybe to tell me that I have nothing to worry about.

And now, it's freakin' 8:30pm and my sister still not home. I even called Brent ngunit wala pa raw sa rest house si Heaven. I'm trying to contact her but she's still out of reach. Damn! I should have not left her at the mall.

"Yea, who's this?" Narinig ko sa kabilang linya nang sa wakas ay sagutin ni Tyco Saavedra ang tawag ko.

"Peter, Heaven's brother. Are you still with her?" This is urgent at wala akong balak na magpaliguy-ligoy pa. Ilang segundo bago siya makasagot.

"Nagpaiwan siya sa mall bandang hapon. Hindi pa siya nakakauwi?" Halata sa kanya ang pag-aalala.

"Hindi pa," sagot ko. Ibababa ko na sana ang phone ko nang muli siyang magsalita.

"Shit!" Halos pabulong niyang sinabi na para bang may naalala siya. "I should have known better that she's after that bitch." Sabi niya na nakakuha ng atensyon ko.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon