Chapter 30
'Successor'
Heaven's PoV
Nakatayo si Brent sa harap ko habang ako ay nakaupo sa couch dito sa salas. I'm crossing my arms over my chest habang mataman siyang tinitignan. Hindi niya ako matignan ng diretso.
"Now, I'll ask you some question. All I need is a legit answer!" I warned him. I've had enough of hearing lies. I couldn't afford hearing more.
"Bakit ka nandito? I mean, paano ka napasakamay ni kuya gayong si Hell ang may hawak sa iyo?" Unang katanungan na ibinato ko ngunit halatang nag-aalangan na siyang sumagot. Sinulyapan niya ako at tinaasan ko siya ng kilay. I gave him an I'm-waiting-for-an-answer look.
"It was really Hell who brought me to your brother. Kailangan ako nila Hell upang matukoy kung sino ang tagapagmana kaya naman naghanap siya ng taong may kakayahang mangalaga sa akin habang wala pa akong malay," paliwanag niya.
"And that was my brother." I said.
"Yes, ngunit nang magkamalay ako, hindi niya iyon ipinaalam kay Hell. Instead, sinabi niyang namatay na ako." Dagdag pa niya na ipinagtaka ko.
"Why is that?"
"To protect you," I hissed at his answer.
"Cut the drama, jerk!" I smirked.
"But that's the truth, Heaven. Your brother knows that you're in danger. He has a reason kung bakit ayaw niyang ipaalam sa lahat na ikaw ang nawawalang prinsesa." Dagdag na paliwanag niya.
"Moving on," I said at hindi binigyang pansin ang paglilinis niya sa pangalan ng kuya ko. "May alam ka ba kung ano ang nangyari sa mga bampira noong mga panahong nalason sila sa loob ng Westridge?"
"I don't know much about that incident. Wala akong alam sa mga scientific terms kaya hindi ko naiintindihan ang kuya mo." Sabi niya at napairap ako.
"Useless..." I murmur.
"But I know this important detail about that incident," sabi niya at tinanguan ko siya upang magpatuloy siya. "I just heard na ang inihahalo sa kape sa Westridge is called V-Tox. It is only fatal to immortals." Paliwanag nya.
Yea, now I know kung bakit ang mga immortal lang na estudyante ng Westridge ang naapektuhan. Tumayo na ako at naglakad palabas. I already told Brent na hindi na siya puwedeng tumakas dahil gagawin ko na siyang familiar. He will serve to me as my slave whether he likes it, or... Well, he has to like it.
Nagdiretso ako sa sementeryo kung saan nakalibing si papa. Bata pa lang ako ay madalas nang umaalis si papa papuntang ibang bansa dahil sa mga trabaho niya abroad. Naging for good na lamang siya rito sa Pilipinas nang mamatay si mama. Hiniling ni papa na kung mamamatay siya ay ihiwalay ang puntod niya sa puntod ni mama.
Hindi ako pumayag pero sinunod ni kuya ang hiling ni papa. Marahil ay upang hindi gano'n kadali silang matunton at iligaw ang lahing bampira sa katotohanan kung mapagtatagpi-tagpi nila ang bawat piraso ng katotohanan. At alam iyon ni kuya.
Pagkarating ko sa puntod ni papa ay naabutan ko ang isang lalaki. May fresh flowers at may kandila rin na nakasindi.
"Excuse me? Who are you?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Nilingon niya ako at doon ko nakita ng malinaw ang mukha niya. Napakunot ang noo ko. I've never seen him before. Kung titignan siya sa itsura niya, siguro ay kasing edad siya ni papa.
Is he his friend? Pero bakit ngayon ko pa lang siya nakita?
"Ikaw na ba ang bunso ni Doc Ismael?" Nakangiti niyang tanong. May iba akong nararamdaman sa lalaking 'to. May iba akong kutob sa kanya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster
VampirosHeaven Ford, the long lost successor of the race she hated the most. [Highest rank attained #21 in Vampire] -Book Cover credits to @AsawaNiJeonJungkook