39. The Truth

3.7K 77 0
                                    

Chapter 39

'The Truth'

Heaven's POV

Nauna nilang ipinasok si Hell sa loob kung nasaan ang mga bampira. Samantalang ako ay kaharap pa rin ni Mayonielle. So far, wala pa naman silang ginagawa sa akin. Hanggang sa pinosasan na rin nila ako at naramdaman ko na ang panghihina. Sinalo ako ng isa nilang tauhan at inalalayang ipasok sa kuwarto kasama ang ibang bampira.

"Prinsesa Heaven..." Gulat at nanghihinang sabi ng mga bampira pagpasok ko pa lamang dito.

Patulak akong binitiwan ng lalaki kaya naman nawalan na ako ng suporta. Ngunit bago pa man ako matumba ay ginamit ni Hell ang natitira niyang lakas at humiga siya kung saan isinakto niya ang kanyang tiyan upang hindi masubsob ang mukha ko.

I heard him whined.

"Prinsesa Heaven, dapat pinanindigan mo na lang ang galit sa mga bampira at hindi na nagpunta pa rito," sabi ni Fire paglabas ng bantay. Sumang-ayon ang lahat at para bang sinasabing ayos lang na sila ang mapahamak, huwag lang ako.

Bakit sila ganito? I hate them, yes. At alam nila 'yon. Ngunit bakit ganito ang pinapakita nila sa akin?

Katulad ba sila nina mama at kuya na ipagtatanggol din ako sa lahat ng may masamang balak sa akin? Handa rin ba silang magbuwis ng buhay para lang sa katulad kong wala nang ibang ginawa kundi ilagay sa kapahamakan ang mga taong nakapaligid sa akin?

Hindi ako sumagot at pinilit kong makaupo upang hindi na gaano mahirapan si Hell.

"Heaven... anak." Nilingon ko si Master Racul na nakasandal sa pader. Parang hindi ko maatim na makita sila nang ganito. Lumalambot na ba ang puso ko sa mga bampirang ito? No. Kailangan kong magmatigas.

"Patawarin mo kami kung tila mababalewala ang sakripisyo nina Olivia at Peter," sabi niya at napakagat ako sa labi ko upang pigilin ang paghikbi ko.

"Namatay si Olivia nang may sama ng loob sa akin." Muli niyang sabi.

"Because you left her." Mapait kong sabi at tumango siya, aminado sa kanyang pagkakamali.

"She isn't my mate." Muli ko siyang binalingan ng tingin. "Hindi naman na bago sa iyo ang mating rituals, hindi ba?" Ngumiti ako nang mapait sa tanong niya.

"You'll die if you break the mating rituals. And you don't love my mother enough to break it. Sinong tangang bampira nga naman ang gagawa ng ganoong bagay?" Nagpakawala ako nang mahina ngunit nakakalokong tawa.

"I am." Napatingin ako sa nagsalitang si Hell. "Noong mga panahong hindi pa nalalaman kung sino ang prinsesa, sinabi ko sa sarili kong handa akong labagin ang ritwal para sa iyo," sabi niya.

"Because we're real mates and you already felt the connection we have kaya handa ka. Paano 'yong mga bampirang may mate ngunit nagmahal pa ng iba? If love was enough, they can't leave their mates. That's suicide."

"A suicidal that I'm willing to be." Nagtangis ako sa sinabi ni Master Racul.

"No, you didn't. You're not yet dead." Parang kinurot ang puso ko sa sinabi ko. It's not like I want him to die for my mother, but seeing him alive only means that he didn't choose my mother.

"I never had a chance to explain to Olivia dahil bigla na lang siyang nawala. So I think sa tanging naiwan niyang alaala na lamang ako magpapaliwanag." Tinignan niya ako na tila ba humihingi siya ng atensyon upang pakinggan ko siya. Hindi ako sumagot ngunit nagpatuloy siya.

"Sisimulan ko ang paliwanag sa katotohanang baka hindi mo magustuhan," sabi niya.

"Spill." I demand. Sa dami ng katotohanang natuklasan ko, I don't think na may mas nakakabigla pa sa katotohanang isa akong tagapagmana.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon