28. Unveiled

4K 112 1
                                    

Chapter 28

'Unveiled'

Third Person's PoV

"Happy birthday, Heaven." Bati sa kanya ng kanyang nanang Lilian pagkababa niya ng kusina. Tumango lang siya at naupo na sa tapat ng mesa.

"Ang kuya po?" Kaswal na tanong niya bago kumagat sa bacon sandwich na hawak niya.

"May emergency raw sa ospital. Babalik din siya agad. Anak, gusto mo bang maghanda ako kahit papano para—" Naputol ang matanda nang tumayo si Heaven.

"Para saan nanang? Walang dapat i-celebrate sa araw na 'to." Ayaw man niyang maging bastos sa matandang labis niyang iginagalang ay hindi niya mapigilan.

"Kung ayaw mo talaga anak, wala na akong magagawa." Pagsuko niya.

"Pakisabi na lang po kay kuya na mauuna na ako." Tumango ang matanda at naglakad na si Heaven palabas ng kusina. Mabilis siyang sumakay sa kotse na pagmamay-ari ng kuya niya. Matapos ang kalahating oras na biyahe ay narating niya ang kanyang sadya.

Nag-park siya at bumaba dala-dala ang kandila at bulaklak. Naupo siya sa tapat ng isang puntod. Inilapag niya ang bulaklak sa tabi ng lapida. Napakatahimik ng lugar kung kaya dinig ang buntong hininga na pinakawalan niya .

"Kamusta po kayo, mama?" Tanong niya habang sinisindihan ang kandilang dala niya.

"Pasensya na po kayo kung ngayon na lang po ulit ako nakadalaw." Hinawi niya ang ilang dahon na nakataklob sa lapida ng ina.

'Olivia Ford'

The name of her mother is still clearly engraved. Bumibigat ang bawat hiningang pinapakawalan niya.

"Miss na miss ko na po kayo mama," hindi na niya itinago pa ang sakit na nararamdaman niya at tumulo na ang kanyang mga luha.

"Mama, kung nandito ka lang sana. Hindi siguro ako nahihirapan ng ganito. Ni minsan hindi ko naisip na malalagay ako sa ganitong sitwasyon. Ni minsan hindi ko naisip ang ganitong posibilidad," pinunasan niya ang mga luha niya na wala nang tigil pa sa pagtulo at pilit pinatatag ang sarili sa mga susunod niyang bibitawang salita.

"I swear mama, pinigilan ko ang sarili ko. Pero wala akong nagawa. Nagising na lang ako isang umaga na mahal ko na siya," she sobs at the last part of her confession.

"I fell for him, mama. I just fell in love with a vampire." Halos pabulong niyang sabi dahil sa hiya na nararamdaman niya. Nahihiya siya sa mama niya dahil nagmahal siya ng isang kalahi ng pumatay sa mama niya.

Ngunit ganoon pa man, hindi pa rin mapipigilan ang pag-aasam niya na makaganti sa bampirang pumatay sa mama niya. Muling nanahimik si Heaven at tanging mahihinang paghikbi lang niya ang maririnig. Nabawasan ang bigat ng nararamdaman niya dahil sa pag-amin sa ina.

Nahiga siya sa damuhan sa tabi ng lapida ng ina. Tahimik siyang nakatingin sa nakakasilaw na kalangitan. Hindi niya namalayan ang pagdating ni Peter na ngayo'y nakalapit na sa kanya.

"Baby girl, bakit nauna ka na?" Saka niya lang namalayan na kasama na niya ang kuya niya kaya bumalik na siya sa pagkakaupo.

"Nandyan ka na pala, kuya." Sabi niya. Alam niyang alam ng kuya niya na umiyak siya dahil 'yun naman ang ginagawa niya tuwing dadalawin nila ang mama nila.

"How does it feel?" Tanong ng kuya niya.

"Never been this good." Tanging sagot niya.

Inabot sila sa puntod ng kanilang ina hanggang hapon. Ganito ang gawain nila for ten years. Imbis na mag-celebrate dahil kaarawan ni Heaven, mas pinipili nilang gunitain ang kamatayan ng kanilang ina.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon