6. Burning Eyes

4.4K 102 1
                                    

Chapter 6

'Burning Eyes'

Heaven's PoV

Matapos naming magbreakfast ay nagpunta na kami sa classroom namin at doon na naghintay ng oras. Natahimik ang mga classmates namin nang may pumasok na bata. Napakunot ang noo ko.

"Prinsi—" Fire cuts herself off. "I mean, Vlad, anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako nang tawagin niyang Vlad ang bata.

Hindi mo siya mapagkakamalang si Vlad dahil sa itsura niya ngayon. May salamin, naka-suspenders, mukhang maamo at laging nakangiti. Si Vlad talaga 'yan?

Hell groaned at hinila papunta rito sa dulo si Vlad.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Hell. "Alam ba 'to ni Master?" Ngumisi si Vlad at tumingin lang sa akin.

"Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pag-aasam kong tuluyan ang pangahas na mortal na pumasok sa palasyo ko?" Halos pabulong niyang sabi. He's gritting his teeth para pigilan ang galit niya.

"Ano bang gusto mong mangyari?" Tanong ko.

"Good question, I want you dead. Right here, right now, in my own precious hand." Hinawakan niya ako sa braso at ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Halatang galit na galit na siya.

"Kill me then. I'm not afraid of dying. Bata pa lang ako ay may nagbabanta na sa buhay ko kaya handa ako sa kamatayan." Matigas kong sabi. It's true. Natigil lang ang pagpapadala sa akin ng death threat pagtuntong ko ng 15 years old.

"Good. Alam mo bang hindi ko matanggap na may isang mortal na tulad mo ang nakapasok sa palasyo ko at nakalabas ng buhay."

"Vlad, I think—"

"Shut up, Tyco!" Sabi ni Vlad. Nang unti-unti nang nagdatingan ang mga classmates namin ay wala ng nagawa si Vlad kundi ang lumabas.

"Nagpunta ka ng palasyo?" Seryosong tanong ni Tyco. Heto na naman siya.

"Yea." Tipid kong sagot.

"Paano ka nakalusot sa mababangis na lobo sa dark forest?"

"She's with me. Stop overreacting dude." Sabi ni Hell at naglakad pabalik sa upuan niya.

"You shouldn't have been there. Para mo na ring sinalubong ang kamatayan mo." Sabi niya at nirapan ko siya.

"Death is always welcome to me." I said nonchalantly. Can't he just stop minding what he should not mind?bWala nang nagawa pa si Tyco at bumalik na sa upuan niya. Napatingin naman ako kay Hell na mukhang malalim ang iniisip. What's bothering him? Dumating ang aming guro at nagsimula nang magklase.

"Heaven." Mahinang tawag sa akin ni Fire kaya nilingon ko siya.

"Kilala dito si prinsipe Vlad bilang isang geek sophomore student. Normal nerd ang trato sa kanya. Madalas siyang ma-bully. Ingat ka ha?" Paalala sa akin ni Fire at tumango ako. Minsan talaga, hindi ko na alam kung nagtataksil ba 'tong si Fire sa mga kalahi niya at binibigyan pa niya ako ng mga warning.

Nabaling muli ang tingin ko sa bintana. Naalala ko ang lobong umatake sa akin. Nakapagtatakang gumaling agad ang sugat ko.

Huminga ako nang malalim. Bakit ko ba nabanggit kay Vlad na matagal nang may nagbabanta sa buhay ko? At ang batang 'yun, mukha nga siyang isang normal na nerd sa paningin ng lahat. Tama kaya ang desisyon ko na minadali ko ang pagtuntong sa kuta ng mga bampira?

Mainit na tuloy ang dugo sa akin ng prinsipe ng mga bampira na kayang-kaya akong patayin ano mang oras niyang gustuhin. Hindi sa natatakot ako, pero gusto ko muna sanang may mapatunayan. May pangako akong binitiwan at nais ko iyong tuparin.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon