25. Moonlight

3.9K 100 1
                                    

Chapter 25

'Moonlight'

Heaven's POV

Tinanaw ko ang papalayong kotse ni kuya. Ilang araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang mga bagay na nagbigay ng malaking katanungan sa akin. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ako nagkakaroon ng lakas ng loob na magtanong sa kanya.

Oo.

Natatakot ako sa mga pwede niyang isagot sa akin kaya naman nagsasawalang kibo na lang ako. Madalas ko ring nakikita si kuya na pumupunta sa lab niya, pagtapos ay aalis. Tulad ngayon. Pagkagaling niya sa lab ay umalis na siya lulan ng kanyang sasakyan.

"Heaven!" I squealed when someone grabs my arm at sinadyang gulatin ako.

"Ano ba, Fire!" I jerk away from her at tumawa siya.

"Sorry, nagulat ba kita?" Tanong niya.

"No," Smsarkastiko kong sabi. "Anong kailangan mo?" Hindi naman siya nandito para tumambay, hindi ba? Ilang araw naman na siyang hindi nagpakita sa akin mula no'ng sa labas ng DMH. Bakit 'di pa niya tinuloy-tuloy ang 'di pagpapakita sa akin?

"Nami-miss ka na namin, Heaven." Sabi niya at ramdam ko ang pagkaseryoso nkya kahit pa sabihing nakangiti siya.

"I don't!" Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok ng kuwarto ko.

"You do," she seems so sure. Asa siya!

"I don't—"

"Si Hell ang nagsabing yayain kita," napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Nanatili siyang nakangiti sa akin.

"Si Hell?" Tanging nasabi ko at tumango siya.

"Gusto ka niyang makita, Heaven. At nararamdaman kong ganoon ka rin." Nakangiti niyang sabi. Magsasalita sana ako kaya lang ay walang lumabas sa bibig ko.

Am I guilty?

Gusto ko nga rin bang makita si Hell?

"Guilty!" Fire chuckled then tickles me.

"I'm not!" Inis kong sabi at inirapan siya.

"Halika na kasi, Heaven. Saglit lang naman tayo. Espesyal lang talaga ang coven ngayon." She pushes.

"Paano naging espesyal ang coven ngayon?" I challenge her.

"Dadalo kasi ang Alpha." Sabi niya at napataas ang kilay ko.

"Madalas kong makasalubong si Mr. Montecillo sa loob ng campus. Normal na sa akin ang makita siya," sabi ko.

"Sige na kasi, Heaven. Kahit para na lang kay Hell." Sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako at tumango.

"Magbibihis lang ako." Nagtungo na ako sa walk-in closet ko at nagbihis. I just wear a black sweater dress and toms.

"May hinihintay ka ba?" Tanong ko kay Fire matapos kong magbihis. Patingin-tingin kasi siya sa may glass window.

"Si Tyco. Sabi ko kasi sumunod siya, e! Isasabay ka niya." Sabi ni Fire.

"Bakit kailangang—"

"Ayan na pala siya, e." She announces at kumaway. Maya-maya lang ay nasa veranda na ng kwarto ko si Tyco. Agad siyang pinagbuksan ni Fire.

"Hi, Heaven." He greets me at tumango lang ako.

"Saglit lang ako. Baka hanapin ako ni kuya!" Sabi ko at tumango lang naman sila.

Nakarating kami ng mabilis sa Westridge. Namiss kong makapasok dito.

"Halika na, Heaven. Alam kong nakaabang na siya." Sabi ni Fire at hinila ako papuntang dark forest. Nakasunod lang sa amin si Tyco. Nang makarating kami sa dark forest ay isinabay ako ni Tyco sa kanyang pagtakbo. Matapos ang siguro'y mga dalawang minuto ay nasa vampires den na kami.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon