Chapter 23
'Leaving Westridge'
Heaven's PoV
"Hell, magtago ka!" Nagulat na lang kami nang pagbabang pagbaba namin ng kotse ay 'yun agad ang salubong sa amin ni Jom. Kagagaling lang namin sa kanilang Alpha. Plus the fact na nasa parking lot si Jom kaya halatang hinintay niya talaga si Hell.
"Ha? Ano bang problema mo?" Hindi pinansin ni Hell si Jom at isinarado lang nito ang pinto ng kotse niya at naunang maglakad. Sinundan siya ni Jom. Nagkatinginan kami ni Fire kaya sinundan namin sila.
"Hell, nandito ang mga reaper!" Sa sinabing 'yun ni Jom ay napahinto kaming lahat. Hinarap siya ni Hell.
"Bakit? Anong kailangan nila dito?" Tanong niya. Pero alam kong hindi tanga si Hell kaya alam kong alam niya ang posibleng dahilan.
"May bagay silang gustong itanong sa'yo."
"Alam na nila," singit ni Fire at tumango si Jom.
"Kahit anong mangyari, 'wag kang aamin." Napalingon sa akin silang tatlo.
"Hindi maaari, Heaven! Bago pa man magtanong ang mga reaper, alam na nila ang sagot." Sabi ni Jom. Hindi nagsasalita si Hell. Tahimik lang siya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip niya.
"Nasaan sila?" Tanong niya.
"Nasa rooftop." Sagot ni Jom. Hahakbang na sana si Hell pero pinigilan ko siya sa braso.
"Heaven." Pigil niya sa akin.
"No Hell! Don't! Please don't!" Desperada kong sabi. Hindi ko alam kung bakit, pero ayoko sa ideyang makukulong si Hell dahil sa pagtatanggol niya sa akin.
"I'm fine, Ford!" I stare at him for a moment. He's fine. He said it. Pero bakit iba ang sinasabi ng mga mata niya?
"Ayokong matulad ka sa mama ko," I feel so vulnerable. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.
"What?"
"Hindi ako papayag na mapahamak ka rin nang dahil lang sa pagtatanggol sa akin." Sabi ko. Hinawakan ni Hell ang kamay kong nakahawak pa rin sa braso niya. Hindi ko siya mabitawan dahil natatakot akong baka 'pag binitiwan ko siya, hindi ko na ulit siya mahahawakan.
What the fudge is happening to me?
He smiles.
A genuine smile.
"I'm fine, Heaven. Walang mapapahamak. Tatanggalan lang nila ako ng karapatang makatapak sa mundo niyo." Marahan niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya.
"Pero Hell—"
"Alam kong sinisisi mo ang sarili mo kaya ka nagkakaganyan. But no, Heaven. Wala kang kasalanan. I have an option that time. But I chose to kill him. At kung mangyayari ulit 'yon, I would still kill him."
"No! Don't say that, Hell. Please." Pagmamakaawa ko.
"Hell, hinihintay ka na nila." Sabi ni Jom.
"Fire, Jom! Wala man lang ba kayong magagawa?" Inis na tanong ko sa kanila.
"I'm sorry, Heaven! Pero alam ng lahat ng bampira ang tungkol sa kaparusahan." Sabi ni Fire.
"Heaven, listen to me. Don't ever get yourself into trouble." Sabi niya.
"I'm nothing but chaos,"
"Yes, you are." He teased at ngumiti pa siya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"I'll see you soon, Ford!"
"Pero—HELL!" I yelled nang mawala na lang bigla si Hell sa paningin ko.
"I'm sorry, Heaven." Sabi ni Jom at sumunod na kay Hell sa pagtakbo. Nilingon ko si Fire.
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster
VampirosHeaven Ford, the long lost successor of the race she hated the most. [Highest rank attained #21 in Vampire] -Book Cover credits to @AsawaNiJeonJungkook