11. Jomarie Alegre

4.2K 103 4
                                    

Chapter 11

'Jomarie Alegre'

Heaven's PoV

Akala ko ay maaga na ang gising ko ngunit mas maaga palang nagising si Tiffany kaysa sa akin. Habang kami ni Fire ay natutulog pa ay nag-aayos na siya sa harapan ng salamin.

"Gising ka na pala, Heaven." Sabi niya. I raised an eyebrow when I just realized that she's wearing a make up.

"Anong meron?" Tanong ko.

"I just want to impress Hell," then she giggles. Naalala ko ang sinabi ni Fire na hindi gusto ni Hell si Tiffany.

"You're just wasting your time." Sabi ko at bumangon na. Hinanda ko lang ang uniform ko at naligo na. Sunod na naligo ay si Fire.

"Okay lang ba ang make up ko?" Tanong ni Tiffany.

"You looked like a clown." Seryoso kong sabi. Nag-pout lang siya at muli nang humarap sa salamin. She doesn't need to impress Hell. Makukuha niya si pa rin 'yon dahil sila ang itinakda.

Mukhang magtatagal pa si Tiffany sa harap ng salamin kaya nauna na ako. Pagkabukas ko ng pinto ay nasa tapat si Hell. Nakasandal siya sa railing at nakapamulsa ang dalawang kamay. Mukhang hinihintay niya si Tiffany. Nakatingin lang siya sa akin. Lumabas na ako ng pinto at nagsimulang maglakad.

"Where's Tiffany and Fire?" Tanong niya.

"Sa loob. Masyado silang mabagal kaya mauuna na ako." Sabi ko nang hindi nahinto sa paglakad at hindi siya nilingon. Gutom na ako at wala akong panahong magpa-interview.

Pagkarating ko ng cafeteria ay marami nang estudyante. Nag-order lang ako at naghanap ng mapupwestuhan. Inilapag ko sa table ang tray na may fries, piattos, apple and soda. It's an odd breakfast, isn't it? Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang maupo si Jom sa tapat ko. He lean in closer to me.

"Where's Brent?" He asks with his teeth gritted.

"Do I look like I care about your rapist friend?" Kumagat ako sa hawak kong mansanas. I never dared to look at him. I'm good at pretending that no one exist.

"You better tell me where he is!" Pagmamatigas niya. I look at him with my emotionless eyes.

"Look, kung alam ko man kung nasaan ang kaibigan mo, sa tingin mo ba buhay pa siya matapos ang ginawa niya sa akin?" I said coldly. He balls his fist. Hinawakan niya ako sa wrist. Mahigpit ang hawak niya na para bang may balak siyang balian ako ng buto. But I didn't flinch a bit.

"If you're not—"

"What's happening here?" Tanong ni Fire nang makarating sila rito. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Jom at tumayo na ako.

"Pasalamat ang kaibigan mo at hindi ako ang may hawak sa kanya, dahil kung ako, hindi ka na mahihirapang maghanap sa kanya dahil wala akong balak itago ang bangkay niya." Kinuha ko ang soda ko at saka nagsimulang maglakad. Pero huminto rin ako nang may maalala ako. Muli ko siyang hinarap.

"One more thing," nilingon niya ako at naghintay ng sasabihin ko. "Finder will be the keeper. If you find him first, he's safe. But if I find him first, I'll do everything to make his life a living hell. I'll make him suffer to the point that he'll beg for his death instead. I'll make him regret of having his second life." I warned him. He's obviously affected by my words.

"You can't find him first." He challenge me. I smirked. My one million peso worth smirk.

"Trust me, I can." I said casually pero sinisiguro kong wala siyang ibang mararamdaman kundi ang pangambang ako ang unang makakahanap sa kanya. Tuluyan na akong lumabas. In this hide and seek, I'm leading. I have an idea where Brent could be.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon