20. Kidnapped

4.2K 84 2
                                    

Chapter 20

'Kidnapped'

Heaven's PoV

Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama. Grabe talaga sa kakulitan 'tong dalawang babaeng 'to. Wala naman talaga akong balak sumama sa kanila kanina sa palasyo. But they didn't stop pestering me kaya napilitan na akong sumama.

"Hayaan mo Heaven, kakausapin ko si Vlad para hayaan ka niyang makapunta sa birthday party," sabi ni Tiffany. As if naman gusto ko talagang pumunta?

"No need. Pumayag man si Vlad o hindi, hindi ako pupunta." Sabi ko.

"Eh pero bakit?"

"I have my own business that time." Nagtaklub na ako ng kumot at nahiga. Nag-usap pa silang dalawa pero ako ay nakatulog na.

Kinabukasan, mukha namang normal ang lahat. Sabay-sabay kaming pumasok sa cafeteria para mag-almusal. Ngunit 'yung alucards at si Fire, may mga sariling pagkain. Sinabi na rin sa akin ni Fire na sinabi sa kanya ni Hell na sa kape nanggagaling ang lason. Nakita kong kumuha ng kape si Tiffany. Well, hindi naman daw maaapektuhan si Tiffany since isa siyang maharlika.

"Heaven!" Napalingon ako nang may tumawag sa akin mula sa pintuan.

Si Stacey.

Tinignan ko lang siya habang naglalakad palapit sa akin. Patuloy lang ako sa pagkagat sa sandwich na hawak ko.

"Stacey!" Hindi pa man siya nakakalapit sa akin ay hinila na siya ni Jom palabas ng cafeteria. Anong nangyari do'n? Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Nang matapos kami ay pumunta na kami sa classroom namin. Mabilis lang lumipas ang oras at lunch break na.

Si Fire ay pumunta sa aming kwarto upang doon na kumain, sinamahan ito ni Tiffany. Ganoon din ang Alucard. Ayaw kong kumain sa kwarto kaya nagdiretso na ako sa caf. Nag-order lang ako ng pagkain ko at naghanap ng bakanteng upuan. Tahimik at mag-isa lang akong kumakain nang may biglang maghila ng upuan sa tapat ko.

"Pwedeng makisalo? Wala ng bakante, e." Tiningala ko ang nagsalita.

Si Jom.

Nakakapagtaka ang ayos ng pakikitungo niya sa akin.

May binabalak ba 'to?

Naupo na si Jom at tahimik lang din na kumakain.

"May binabalak ka na naman ba?" Walang pakundangan kong tanong sa kanya.

"Binabalak?" Kunot noo niyang tanong.

"Never mind." I rolled my eyes at maingat na kumain. Baka nga kasi may binabalak na naman ang isang 'to. Tumigil sa pagkain si Jom at nakatingin sa pinto ng caf. Pumasok ang dalawang lalaki. Nagdiretso sila sa vendo machine at nag-ayos. Napansin ko ang maingat na pagtingin ng mga lalaki sa paligid. Parang tinitignan kung may nakakakita ba sa kanila.

"'Wag kang magpahalata." Mahinang sabi sa akin ni Jom. Nang akmang lilingon sa amin ang mga lalaki at kunwari'y tahimik lang kaming nakain. Nang maramdaman naming hindi na sila nakatingin ay muli naming pinagmasdan ang ginagawa nila. May dinukot sa bulsa 'yung isang lalaki at inihalo sa powder.

Maingat na silang lumabas. Tumayo si Jom at tumayo rin ako.

"Sasama ako," I tell him. Pero marahan siyang umiling.

"Just stay here." Sabi niya. Magsasalita pa sana ako nang bigla naang siyang tumakbo. Ang pinagtataka ko lang ay kung tama ba 'yung nakita ko? Para kasing nag-bow siya bago magsimulang tumakbo.

I shook my head.

Bakit naman siya magbo-bow? Knowing him? Malabo ang iniisip ko. Mukhang hindi ko na siya masusundan kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Parang tinatamad akong um-attend ng afternoon classes kaya sa garden na muna ako nagdiretso.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon