Chapter 13
'Master Racul'
Heaven's PoV
"Oras na ng pagkain ng Master." Sabi ni Hell sa tagasilbi. Siya na ang pinakamatandang tagasilbi na nakita so far. Marahil ay siya ang pinakamataas sa mga ito.
"Sige, Hell. Sandali lamang." Mabilis na tinapos ni manang ang paglilinis at ipinaghanda ng pagkain ang kanilang Master.
"Iiwan ko muna ang babaeng 'yan dito." Hell said, referring to me.
"Ha? Sige." Naguguluhang pumayag ang matanda. Lumabas na si Hell ng kusina at naiwan ako rito kasama ang kanilang Master at tagapagsilbi.
What the fudge? Bakit niya ako iniwan dito?
"Narinig ko ang sinabi ni prinsipe Vlad na isa kang mortal?" Sabi ni manang habang sinusubuan ang Master.
"I don't see any problem with that." Sabi ko at kinuha ko ang phone ko at naglaro na lang.
"Kaibigan mo pala ang hinihinalang prinsesa?" Tanong ni manang ngunit hindi ko siya nilingon. Wala akong planong makipagkwentuhan.
"Masaya akong naalagaan ko ang prinsesa," kahit hindi ako nakatingin ay alam kong nakangiti siya. Tinignan ko sya at hindi nga ako nagkamali.
She's smiling.
"Alam niyo kung nasaan siya?" Tanong ko. Kanina ko pa kasi sila hindi nakikita ni Fire. Tumango ang matandang tagasilbi.
"Binantayan ko siya habang wala siyang malay," paliwanag niya.
"Nasaan na siya?" Tanong ko. May malay na kaya siya? Siguro naman, hindi ba?
"Kasama na siya ni Vlad. Inililibot sa buong palasyo at ipinakikilala," sabi ni manang. Well, mukhang sigurado na sila na si Tiffany talaga ang prinsesa. "Namana niya ang kanyang pagiging tahimik sa kanyang ina." Dagdag pa niya.
"Kilala niyo ang ina niya?" Tanong ko.
"Oo, ako ang nag-alaga sa mortal na kasintahan ni Master Racul nang pansamantala siyang itago ni master dahil sa bawal nilang pag-iibigan." Biglang lumungkot ang itsura niya. Hindi na ako nagtanong pa dahil baka umiyak ang matanda. Bastos na kung bastos, pero pag umiyak siya, aalis talaga ako.
I hate so much drama.
"Ngayon, may pagkakataon na akong maalagaan kahit man lang ang naiwang alaala ni Olivia." Sabi niya. Napahinga ako ng malalim. Mukhang napansin iyon ng matanda at napatingin siya sa akin.
"May problema ba, hija?" Nag-aalalang tanong niya.
"Kapangalan ng mama ko." Tanging sagot ko. Pagdating talaga sa mama ko, mabilis akong naaapektuhan.
"Gano'n ba? Pasensya na," I don't know why she's sorry. She hasn't done anything. Hindi na lang ako sumagot. "Master, bakit po?" Nagulat ako nang may mapansin siya sa matanda. Tumayo ako at lumapit sa kanila. Nagulat ako dahil lumuluha ang kanilang master. "Master, anong problema?" Nag-aalalang tanong ni manang. Umuungol lang ang matanda habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya.
"Saglit lang Master, tatawagin ko sina prinsipe Vlad." Agad na tumakbo palabas ng kusina ang matanda at naiwan kami. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatingin lang siya sa akin. Bakit kasi hindi niya kaya ni magsalita man lang?
Naghila ako ng upuan at naupo sa tapat niya. Hinawakan ko siya sa kamay, doon sa walang sugat. Unti-unti naman siyang tumahan.
"Master anong—" Napatigil sa pagtakbo rito si Vlad nang makitang tahimik na ang kanyang ama. Tumayo na ako.
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster
WampiryHeaven Ford, the long lost successor of the race she hated the most. [Highest rank attained #21 in Vampire] -Book Cover credits to @AsawaNiJeonJungkook