Chapter 29
'Betrayed'
Heaven's PoV
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko basta patuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi maaari 'to! Hindi ako maaaring mapabilang sa kanila. Hindi ako papayag. Ang lahi ng mga bampira ang pinaka kinasusuklaman ko sa mundong ito. Hindi ko hahayaang maging isa ako sa kanila. Isa akong mortal! Mortal ang mama at pap—
Napahinto ako sa pagtakbo nang may ma-realize ako. Kung isa man akong bampira, at sinasabi nilang tagapagmana, ang ibig bang sabihin ay ang ama ko ay si Master Racul? No, he can't be. I only have one father, and that is Ismael Ford.
Si kuya? Alam kaya ito ni kuya?
It's almost 11pm nang makarating ako sa bahay. Ni hindi ko alam kung paano akong nakauwi. Sobrang dami ng iniisip ko kung kaya hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko.
"Kuya! Kuya!" Tawag ko kay kuya habang sunod-sunod ang pagkatok ko sa pintuan ng kwarto niya. My voice is cracking dahil kanina pa ako umiiyak.
"Heaven, anong problema?" Tanong ni kuya pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto.
"Vampires are claiming that I am their princess," hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at diniretso ko na kay kuya ang sadya ko. Nanatili siyang tahimik ngunit hindi siya nababakasan ng anumang pagkagulat.
"Bakit kuya? May alam ka ba? Nahihibang lang sila, 'di ba? That's beyond impossible dahil anak ako ng mga mortal. How come na naging isa akong bampira?" I said helplessly.
"Heaven, listen to me..." Sabi ni kuya na akmang hahawakan ako sa magkabilang balikat ngunit umatras ako.
"No, kuya! Ang tanging bagay na gusto kong marinig mula sa iyo ay ang katotohanang hindi ako isang bampira," sabi ko.
"We have the same mother but with different fathers..." Sabi ni kuya na siyang dahilan ng panlalambot ng mga tuhod ko at napaupo ako sa sahig. Hindi ako makakilos. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. 'Yun pa lang ang sinasabi ni kuya pero hindi ko na kinaya. Paano pa kaya ang mga susunod na bibitiwan niyang salita? Lumuhod si kuya sa harapan ko.
"Heaven, ikaw ang bunga ng bawal na pagmamahalan nina mama at ng king master ng mga bampira. You're half-blood vampire." Sabi pa niya.
"Alam... alam mong lahat ng 'to?" Puno ng galit ang mga salitang binibitawan ko.
"I'm sorry..."
"All these years kuya, you made me hate those vampires tapos isa pala ako sa kanila? All these years ang akala ko ay may kakampi ako, pero maging ang sarili kong kapatid pinaglihiman ako!" Ramdam ko ang muling pag-iinit ng aking mata.
"Calm down, Heaven!" Sabi ni kuya nang tumayo ako. "I'm really sorry! I maybe kept a secret from you but that doesn't mean na hindi na tayo magkakampi."
"Shut up, kuya! Hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa'yo!" Nakita ko ang sakit sa mga mata ni kuya nang sabihin ko 'yun. He can't blame me.
"You can still count on me, baby girl. Nothing will change. I will always be your brother." Sabi ni kuya at niyakap niya ako. Nanatili lang akong nakatayo. Hindi ko siya kayang yakapin pabalik.
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster
VampireHeaven Ford, the long lost successor of the race she hated the most. [Highest rank attained #21 in Vampire] -Book Cover credits to @AsawaNiJeonJungkook