Chapter 14
'Princess'
Heaven's PoV
Pumasok ako sa room ni Fire. Hindi ko siya hinihintay magising. Gusto ko lang may matambayan. Pinag-iisipan ko kung ano ba talaga ang nangyari. Isa ba 'to sa kahinaan ng mga bampira? Normal lang ba 'to sa kanila? E bakit sobra ang pag-aalala ni Hell?
Kung isa nga ito sa kahinaan ng mga bampira, kailangan kong malaman kung ano ang pinagmulan upang magamit ko oras na magkaharap kami ng bampirang matagal ko nang hinahanap.
"Heaven!" Napatingin ako kay Fire dahil sa gulat nang bigla niyang sinigaw ang pangalan ko at napaupo pa siya. Lumapit ako sa kanya. She's catching her breath.
"What happened?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at niyakap.
"Akala ko... Akala ko totoo." Sabi niya.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko at kumalas ako sa pagkakayakap niya.
"Kasi Heaven, napanaginipan kong kinukuha ka ng mga bampira," sabi niya.
"That was only just a dream!" Sabi ko pero umiling siya.
"Parang totoo Heaven e! At saka ang nakakapagtaka sa lahat, bata ka pa no'n." Sabi niya. Biglang bumalik ang ala-alang matagal ko nang pilit kinalilimutan.
[Flashback]
Pitong taon pa lamang ako. Kanina pa kami takbo nang takbo ni mama. Hinarang kasi kami kanina ng tatlong lalaki.
"Mama, pagod na po ako!" Sabi ko kay mama at huminto ako sa pagtakbo.
"Heaven, anak, mamaya ka na magpahinga. Kailangan natin silang matakasan." Sabi ni mama kaya muli na kaming tumakbo. Nakarating kami sa mapuno at hindi mataong lugar. Nararamdaman kong napapagod na rin si mama. Nakarinig ako ng mga kaluskos.
"Heaven, dito ka lang!" Iniwan ako ni mama sa likod ng isang puno. Wala na akong tigil sa pag-iyak. May balak ba si mama na iwan ako rito?
"'Wag na 'wag kang lalabas kahit anong mangyari!" Hinalikan ako ni mama sa noo bago muling tumakbo pabalik sa kaninang pinanggalingan namin.
"Hindi! Hindi niyo makukuha ang anak ko!" Narinig kong sigaw ni mama. Napaupo ako at napasandal sa puno. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak.
"Ibigay mo sa amin ang tagapagmana!" Naririnig ko pa rin silang nagsisigawan.
"Hindi! Mabubuhay nang normal ang anak ko rito." Matigas na sabi ni mama. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Pero alam ko kung ano ang pakay nila kay mama. Balak nilang saktan ang mama ko.
Naiinis ako. Nagagalit ako. Nagagalit ako dahil wala akong magawa.
"Bitawan niyo ako!" Sa sigaw na 'yun ni mama, matinding galit ang nararamdaman ko. Mahal na mahal ko ang mama ko at ayokong may mananakit sa kanya.
"Mama!" Halos pabulong na sabi ko na labis ang galit. Napalingon ako sa paligid. Ang lakas ng hangin at biglang nabalot ng makakapal na ulap ang kalangitan. Saglit na tumahimik. Ngunit hindi rin nagtagal ay narinig ko na naman ang boses ng mga lalaki.
"Ang prinsesa. Ang prinsesa ang may gawa niyan." Sabi ng isang lalaki. Prinsesa? May prinsesa ba? Totoo ba ang mga prinsesa na sa fairytale books ko lang nababasa?
"Hanapin niyo ang prinsesa! Nasa paligid lang siya!" Sigaw pa nung isa.
"Hindi niyo siya mahahanap!" Sigaw ni mama.
"Manahimik ka!" Sigaw ng isa pang lalaki.
"Ahhh!" Napalabas ako sa pinagtataguan kong puno nang marinig ang sigaw ni mama.
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster
VampireHeaven Ford, the long lost successor of the race she hated the most. [Highest rank attained #21 in Vampire] -Book Cover credits to @AsawaNiJeonJungkook