Chapter 22
'Alpha'
Heaven's PoV
Kahit medyo mainit sa garden, dito namin naisipang tumambay ni Fire. Tapos na rin naman kasi ang klase nila.
"Heaven, naukwento pala sa akin ni Hell ang nangyari," sabi niya.
"I don't understand why he did those things. Kaya ang tangi ko lang magagawa ay ang pagtakpan siya." I really feel sorry for him. At pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat.
"Hindi mo siya masisisi. He cares about you." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"He doesn't." Kontra ko sa sinabi niya. Is she seriously thinking that Hell cares about me?
"If he doesn't, then why would he break the golden rule of our ancestry? Alam mo bang mas sanay mamuhay si Hell dito sa mundo niyo kaysa sa mundo ng mga bampira?" Sabi niya.
"Baka nakokonsensya lang siya dahil nadamay lang naman ako sa pag-kidnap sa kanya." Umiling si Fire.
"I know Hell. He's heartless. Hindi siya basta-basta makokonsensya. Bakit ba ayaw mong maniwalang importante ka sa kakambal ko?"
"Dahil nga napakaimposible ng sinasabi mo. Sa iyo na rin mismo nanggaling, he's heartless. So why would he care about me?"
"Wala kang alam, Heaven!" Naiinis na ako sa babaeng 'to. Bakit ba ayaw niya na lang akong diretsuhin?
"Ano ba ang hindi ko alam?" Naramdaman niya sigurong naiinis na ako kaya huminga siya ng malalim.
"Heaven, alam mo bang maraming bampira ang naiinngit sa amin dahil bihira lang kaming mga daywalkers?"
"Daywalkers?"
"Oo. 'Yung mga bampirang hindi naaapektuhan ng sikat ng araw. Isang daywalker vampire si Hell, pero imagine-in mo na lang na mababalewala ang kakayahan niyang 'yun oras na malaman ng mga reaper ang ginawa niyang pagpatay sa isang mortal. To think na isang modernong reaper ang daddy namin."
Hindi ako nakapagsalita. Kinokonsensya niya ba ako?
"Heaven, hindi lang ang batas sa bawal na pagpatay sa mga mortal ang kayang labagin ni Hell. Sooner or later, he'll break even the mating rituals." Sabi niya na siyang nakakuha ng atensyon ko.
"Mating rituals?"
"Yes,"
"Anong klaseng rituals 'yun?" Tanong ko. Ang alam ko lang tungkol sa mga mate ay ang maaaring connections nila.
"Kaming mga daywalkers ang may malaking chance na magkaroon ng mate. Ang unang mortal na magustuhan ng isang bampira, magsisimula na ang koneksyon nila." Sabi ni Fire.
"Pero isang bampira ang mate ni Hell. Isang tagapagmana."
"May dugong mortal pa rin ang prinsesa dahil mortal ang ina niya." Tumayo si Fire at naupo sa isang wooden bench.
"So kung gano'n, nagkita na dati ang prinsesa niyo at si Hell?" Marahang tumango si Fire.
"Limang taon kami noon nang sinama kami ni daddy sa palihim niyang pagbabantay sa prinsesa. Si daddy kasi ang inatasan ni master Racul na bantayan ang prinsesa. Pero nalaman 'yun ng ina niya kaya naman itinakas niya ang prinsesa at inilayo." Paliwanag ni Fire.
"At 'yun ang una at huli nilang pagkikita?"
"Oo. Pero hindi sumusuko si Hell. Kahit labing dalawang taon na ang nakakalipas, umaasa pa rin siyang makikita niyang muli ang prinsesa." Ngumiti siya ng pilit.
"Why he's going to break the mating rituals?"
"Not my story to tell. I'm telling some things para hindi mo isiping ginawa 'yun ni Hell para sa wala."
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster
VampirosHeaven Ford, the long lost successor of the race she hated the most. [Highest rank attained #21 in Vampire] -Book Cover credits to @AsawaNiJeonJungkook