40. My Race

4.2K 96 8
                                    

Chapter 40 (Final Chapter)

'My Race'

Heaven's POV

Nang maibalik ko na ang nawalang lakas sa akin ay pinagtatanggal ko ang kung anumang nakasaksak sa akin. Bumangon ako at tumakbo palabas. Ngunit nang mabuksan ko ang pinto ay dalawang bantay ang bumungad sa akin at agad akong tinutukan ng armalite na kapuwa nila dala.

I grasp their armalite using my both hands and jerk it using my vampire strength. Tumalikod ako sa kanila at siniko ko sa mukha ang nasa kaliwa, kasunod ay siniko ko rin ang nasa kanan.

Sinamantala ko ang pag-atras nila at parehas silang hinawakan sa braso. I flip them at dinig ang paglagapak ng kanilang likod dahil sa impact ng pagkakabagsak nila. Kinuha ko ang isang armalite at hinampas sila sa sikmura kaya naman hindi na nila nagawang makabangon pa. Iniwan ko na sila na kapuwa namimilipit sa sakit.

Masyadong madaming kuwarto kung kaya't alam kong mahihirapan akong hanapin ang kinaroroonan ng mga kasama ko. Nakarinig ako ng malalaking yabag kaya nagtago ako sa likod ng malaking paso. Lumabas lamang ako sa pinagtataguan ko nang masigurong nasa tapat ko na sila.

"Nasaan sila?" tanong ko habang nakatutok ang armalite sa dalawang tauhan ni Calderon at nabakas ang takot sa kanilang mga mata.

"T-tenth floor." Sabi nung isa. Kapuwa ko sila hinampas ng armalite upang saglit na makatulog.

Tinakbo ko ang hagdan hanggang sa makarating ako sa 10th floor. Ngunit pagtapak ko pa lang sa 10th floor ay isang swiss army knife na ang nakatarak sa binti ko kaya napadapa ako. Hinila ako ng isang lalaki at sinuntok ako sa sikmura. Halos masuka ako sa lakas ng suntok niya.

"Get off me!" sabi ko. Nagdatingan ang mga kasamahan niya at wala na akong nagawa pa. But I'm Heaven Ford. I won't give them the satisfaction of seeing me suffer. I won't die without giving a fight.

Itinulak ko ang dalawang lalaki na umaakay sa akin sa braso. Na-alarma ang lahat kaya nakialam na ang ibang tauhan dito sa hallway.

"Tawagin ninyo sila boss," sabi nung isa.

Nanlisik ang mga mata ko at sinadya kong ilabas ang pangil ko. Sabay-sabay silang tumakbo palapit sa akin ngunit bago pa man nila ako mahawakan ay tumalsik na sila. Ngunit may nagpaputok ng baril at dumaplis iyon sa braso ko. It causes a cut kaya ininda ko pa rin ang sakit.

"AHHHH!" Nawawalan na ako ng paga-asa kaya wala na akong magawa kundi ang sumigaw. Tumilapon sila at sinamantala ko ang pagkakataon upang makalayo at magpatuloy sa paghahanap.

Napadpad ako sa isang pamilyar na pinto. Nakasisiguro akong ito na 'yon. Napasandal ako sa pinto habang hawak ang braso kong may tama ng baril. Marami nang nawawalang dugo sa akin na siya sigurong dahilan kung bakit ako nanghihina.

Pinihit ko ang doorknob ngunit naka-lock iyon. Baka mas lalo akong manghina kapag pinilit kong itulak ang pinto. Kailangan kong tipirin ang lakas na mayroon ako. Hinawakan ko nang mahigpit ang swiss army knife na nakatarak pa rin sa binti ko at hinugot iyon sa pagkakabaon.

"Arrrgh!" Halos mahilo ako dahil sa kirot. Tiniklop ko ang kutsilyo at ang pinakamanipis na tool sa swiss army knife ang inilabas ko upang gamitin pambukas sa naka-lock na pinto. Ilang segundo akong naghirap sa pag-a-unlock hanggang sa marinig ko na ang mahinang click ng pinto. I slightly shove the door at bumungad ang mga bampirang mas lalo pang nanghihina kung ikukumpara noong bago ako makatulog.

"Run, Heaven," sabi ni Hell.

"No! Hindi ko kayo iiwan." Pagapang na akong lumapit sa kanya dahil mas iniinda na ng binti ko ang sugat.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon