Chapter 26
'Doubts'
Heaven's POV
"Kumusta ang pakiramdam mo, baby girl?" Tanong ni kuya matapos niya akong check up-in.
"Masakit pa rin kuya." Sabi ko.
"Magpahinga ka na lang muna." Sabi niya at tumango ako. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko dahil sa pagsakit ng likuran ko. Ang sabi nila, napapaso raw sila. Pero hindi naman ako nakakaramdam ng anumang init. Tanging pag hapdi lang.
Three days.
Three freakin' days.
Tatlong araw na lang ay ikalabing walong kaarawan ko na. Paulit-ulit si kuya na kailangan daw ay engrande ang celebration dahil debut ko 'yun. Walang dapat i-celebrate.
Hindi ko kayang magsaya sa birthday ko.
"May gagawin lang ako sa laboratory, baby girl. Babalikan kita after an hour." Sabi ni kuya at inilagay na sa bag niya ang mga ginamit niya sa pag-check up sa akin.
Ilang minuto na ang nakakalipas mula nang umalis si kuya ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Nag-iinit ang buo kong katawan. Tumakbo ako palabas ng kwarto ko at nagdiretso sa kusina kung nasaan si nanang Lilian.
"Nanang..." Hinihingal kong tawag sa kanya. Itinigil niya ang paghuhugas ng plato at saka ako nilapitan.
"Bakit, Heaven?" Nag-aalalang tanong niya.
"Nanang, nilalagnat ho yata ako." Hinawakan ako ni nanang sa noo at leeg. Napakunot ang noo niya.
"Wala ka namang sakit, anak,"
"Pero ang init-init ho ng buo kong katawan." Hinipo ko ang sarili kong leeg at hindi nga ako mainit. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko?
Naglakad na ako pabalik sa kwarto ko. Ngunit hahakbang pa lang ako sa hagdan ay napalingon ako sa may pintuan. May isang pamilyar na kotse akong nakita na naka-park sa tapat ng bahay. Marahan akong lumapit doon habang nakikiramdam sa paligid.
Anong ginagawa ng alpha rito?
Walang tao sa loob ng kotse. Pumasok kaya sa bahay ang alpha? Nabaling ang tingin ko sa daan papuntang basement nang makarinig ako ng tila isang pagtatalo. Alam kong magagalit si kuya pero naglakad ako papunta roon.
My curiosity is now freakin' killing me. Mahina lang ang pag-uusap nila pero halatang nagtatalo sila. Nakaramdam ako ng takot. Kahit isang trained vampire slayer ang kuya ko, aminado kaming wala siyang laban sa alpha ng mga bampira. Maaari lang siyang mapahamak.
Maingat akong sumilip sa pintuan at napatakip ako ng bibig dahil sa naabutan kong eksena. Paano nangyari 'to?
Nasa likuran si kuya ng alpha habang sakal-sakal niya ito sa leeg. Bago pa man makapalag ang alpha ay naiturok na niya ang syringe na hawak niya sa leeg ng alpha. Agad nawalan ng malay ang alpha kaya inalalayan niya iyon na maihiga sa hospital bed sa loob ng lab.
Napako ang tingin ko sa tube na pinaglagyan dati ni kuya ng dugong kinuha niya sa akin. Kalahati na lang iyon. Kulay pula ang laman ng syringe. Hindi kaya iyon ang itinurok niya sa alpha? Naglakad si kuya papaunta sa computer niya at nag-type. Saglit lang din ay inayos na niya ang coat niya at nagsimula nang maglakad palabas kaya naman nagmadali na akong bumalik sa bahay.
Nakatanaw ako sa labas at nakita si kuya na pumasok na para bang walang nangyari. Ano bang binabalak ni kuya? Bakit parang ang layo-layo na ng mga ginagawa niya mula sa mga plano nila ni Hell.
Speaking of Hell.
Dapat ko bang sabihin sa kanya ang mga nakita ko?
"Hey, baby girl." Bati sa akin ni kuya at saka ako hinalikan sa buhok.
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster
VampirHeaven Ford, the long lost successor of the race she hated the most. [Highest rank attained #21 in Vampire] -Book Cover credits to @AsawaNiJeonJungkook