1. Westridge Academy

11.4K 170 6
                                    


Chapter 1

Heaven's PoV

Westridge Academy.

Isang napaka misteryosong paaralan. Marami ang nagtatangkang makapasok sa paaralan na 'to ngunit bihira lang ang nakakapasok. Sa hindi malaman na basehan, marami ang hindi nabibigyan ng pagkakataon.

Piling mga estudyante lamang ang nakakapasa. Maraming nagsasabing pisikal na lakas ang sukatan at basehan upang makapasa. Kung totoo nga ang sabi-sabing iyon, hindi na ako magtatakha kung paano ako nakapasok.

Senior high na ako ngunit kinailangan kong mag-transfer dahil sa nasagap kong balita. May usap-usapan na sikat ang Westridge Academy dahil sa mga kababalaghang
nangyayari dito. Kuta raw ito ng mga bampira.

Kung nasaan ang mga bampira, malamang, naroon din kaming mga nangangarap na maging Vampire Slayer.

Yup, I want to be a Vampire Slayer.

A Vampire Huntress.

Well, I have my own reason why I want to become one.

I'm Heaven Ford. 17, transfer senior student of Westridge Academy.

Nag-park ang kuya ko sa tapat ng isang napakalaking gate na may nakasulat na, 'Westridge Academy'.

"Heaven, puwede bang ngumiti ka ng kahit peke pagpasok mo ng gate na 'yan para naman may makasundo ka agad kahit papaano?" utos ng kuya ko pero inirapan ko lang siya. Walang sabi-sabi'y bumaba na ako ng kotse at kinuha ang mga gamit ko sa trunk.

"Ingat, baby girl," sabi na lang ni kuya at nagsimula na siyang mag-drive papalayo. Pumasok na ako sa loob. Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay napakunot agad ang noo ko. Mali yata ako ng napasukan?

"ID mo hija?" Inilahad ng guard ang kamay niya upang abutin ang ID ko ngunit nakapako pa rin ang mga mata ko sa mga estudyateng nagkakagulo.

"’Pag umawat kami, mawawalan kami ng trabaho," sabi ng guard nang mukhang mabasa ang nasa isip ko. I just shrug at ipinakita ang ID ko, saka dumiretso sa loob.

Pero bago tuluyang pumasok sa dormitory building ay tumigil ako sa malapit sa nagsusuntukan at pinanood sila. Halatang sanay sa basag-ulo ang mga sangkot sa gulo. Ito ba ang dahilan kaya kinakailangan ng tibay ng loob at lakas ng pangangatawan sa paaralang ito?

Napalingon ako sa lalaking nakatalikod at naglalakad palayo sa mga nagkakagulo. Naduwag ba siya? Tss.

Nagulat na lang ako nang may humila sa akin palayo. Nang tignan ko kung sino, malamang hindi ko kilala dahil wala akong kilala rito kundi sarili ko. Pero parang nakita ko siyang kasama sa nagkakagulo. May kaunting dugo na rin sa may kilay niya.

"Masyadong delikado sa puwesto mo, miss. Kung gusto mong manood, dito ka pumwesto," sabi niya at ngumiti.

"Tyco!" May sumigaw mula sa nagkakagulo at nanlaki ang mga mata ng lalaking kaharap ko. Huli na nang akmang hihilahin ako ng lalaki dahil may matigas na bagay na ang tumama sa likod ng ulo ko. Narinig ko ang pagtalbog ng basketball.

"Shit!" I swear.

"Okay ka lang, miss?" puno ng pag-aalalang tanong ng lalaki. Nilingon ko ang mga lalaking nagkakagulo at parang tumigil ang mundo nila. Nagulat yata sila na isang babae ang natamaan ng bola.

"Sino'ng bumato?" tanong ko habang pinupulot ang bola.

"Ako, bakit?" maangas na tanong ng isang lalaki na mukhang kalaban ng lalaking humila sa akin.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon