Chapter 4

245 11 3
                                    

Joline's POV

"Minsan lang naman ako humingi ng favor sayo! Ngayon lang please! Gusto ko nang pumasok!"sabi ko kay hubby.

"No."simpleng sabi nya.

"Hubby naman eh!! Dali na naman oh!"pagpupumilit ko.

"Stop calling me that cheap endearment and stay on your room. NOW."sabi nya kaya padabog akong bumalik sa kwarto ko.

Humiga nalang ako sa kama. Gusto ko na talagang pumasok.

"Queen, kumain na daw po kayo sabi  ni Master."

"Sabihin mo sa kanya ayoko. Bahala sya sa buhay nya."sabi ko at nagtakip ng unan sa mukha ko.

"Pero Queen--"

"PAKISABI NALANG PLEASE!"sigaw ko.

Tumayo ako sa kama at hinanap yung bag ko.

Kinalkal ko ito. Wala lang, natripan ko lang kalkalin.

Hinawakan ko yung ballpen ko.

"Namimiss na kitang gamitin."bulong ko sa ballpen.

Kinuha ko yung phone ko at tinago ko na uli yung bag ko sa ilalin ng kama.

From: Fey ganda xd

Besh.. I need you please.

Nakaramdam ako ng kaba at napatayo ako sa kama.

"Wife, time to eat."napalingon ako sa pinto at nandun si Dark.

"Dark!! Papasukin mo na ko ! Gusto ko nang pumasok eh huhuhu."

Anong nangyari sa beshplen ko? Huhuhu.

"Tss. Fine but---"

"YES!!! THANKYOU HUBBY!"niyakap ko sya ng mahigpit. Yiee!! Ang bait parin talaga--oops.. Awkward.

"Tsansing.."bulong nya pero nagkunwari na lang akong di ko narinig baka kasi bawiin nya yung sinabi nyang 'FINE' hehe.

"Maaga ka dapat umuwi. Sasabay ako sayo mamaya para mapuntahan din yung school mo para makuha ko yung schedule mo at kakausapin ko rin yung dean amd teachers mo. No talking to guys, and if ever na may gagawin kayong assignment then dito kayo gumawa."

Tumango tango lang ako sa mga habilin nya.

"Sige maliligo na ko!"sabi ko. Di na sya sumagot at lumabas na ng kwarto ko.

~~~

To: Fey ganda xd

Besty? Anong nangyari huh? Papasok na ko ngayon!! Miss na kita huhu.

On the way na kami ni Dark and Renz sa school ko. May kotse sa likod at sa harap namin. Para akong anak presidente eh noh?

Lumabas na ko ng kotse.

Lahat ng estudyante ay napatingin sakin or lets say samin?

Naramdaman kong hinawakan bigla ni Dark yung kamay ko. Di ako nakapagrespond dahil parang kinuryente yung kamay ko.

'Omygosh! Ang gwapo oh! Diba yan yung babaeng pinapagtripan lagi sa cafe?'

'Oo yan yung laging pinagtitripan nang nga varsity player tsaka yung kaibigan nya. Fey ba yun?'

He Is The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon