Joline's POV
"Besh, mukhang nandyan na sila Renz , baba na tayo."sabi sakin ni Fey. Agad ko namang inayos yung mga kalat at lumabas ng kwarto.
"Gutom narin ako."sabi ko.
"Kahit ako eh, gusto ko ng mangga na may... Bagoong."sabi nya.
"Eh basta ako Doughnut!"sabi ko at nagmadali nang bumaba.
"Good morning po!!"bati ko sa mga maids at ganun din ang ginawa ni Fey.
"Goodmorning Joline."bati sakin ni Vanessa.
"Yo Joline!"bati rin ni Renz.
"Hello sa inyo!"sabi ko nalang.
Teka.. "Asan si Dark?"tanong ko sa kanila..
"I'm here."
Napalingon ako at ayun sya sa may couch at may kinakalikot sa phone nya pero tinago nya ma rin sa bulsa nya.
Kumakain sila Vanessa at Renz ng junk foods habang si Fey naman tumungong kusina para kumuha ng makakain nya.
"Uhh Dark, sino si Hanna?"tanong ko.
*cough* *cough*
May mali ba sa sagot ko at nasamid yung dalawa?
"Bat mo natanong?"tanong ni Dark.
May tanong bang tanong rin ang sagot?
"Uhh , wala , nakichismis lang."sabi ko.
"How's sleep?"pagiiba nya ng topic.
"Dark naman eh , sino si Hanna?"pangungulit ko.
"Uhh , Joline! Gusto mo ng snacks? Kain ka."aya naman ni Vanessa pero di ko pinansin at nakatingin lang kay Dark.
"Why you seemed so curious about her?"tanong nya.
"Sabihin mo nalang kasi."sabi ko.
"Let's talk about it later."sabi nya.
Nagmartsa nalang ako habang paakyat ng kwarto..
"Wife , Eat your breakfast!"sigaw ni Dark.
"Di ako kakain hanggang di ka nagkekwento sakin."sabi ko habang di nakatingin sa kanya.
"Wife naman.."sigaw ni Dark at napangiti ako dahil ang cute ng boses nya dun.
"See you on our room hubby!!"sabi ko at tumakbo na papuntang kwarto.
Waaa!! Gutom na ko.
"Tic tac, tic tac."sabi ko habang nakaindian sit sa kama.
Kinuha ko yung cellphone ko. Walang text ni Mama or nila ate at kuya.
"Wife."
Di ko sya nilingon at nakatingin lang sa cellphone ko.
"Wife.. Kumain ka na kakagaling mo lang sa hospital gusto mo bang bumalik dun?"
Ayaw nya ba talagang pagusapan si Hanna? Saka di lang sana yun ang itatanong ko , pati rin sana yung pic nung babaeng kamukha ko sa frame.
"Kung ayaw mong pagusapan yun.. Eh di.. Payagan mo nalang akong lumabas?"tanong ko.
"And why you like to go outside?"
"Bibisitahin ko si Mama."sabi ko nalang.
Alam nyo naman kasi ang isip ng isang to.
"Fine , but you will eat first."sabi nya.
Kumain na ko tulad ng sinabi nya. Tapos umalis na kami. Oo kami , may kasama pa kasing guards na goons.
BINABASA MO ANG
He Is The Mafia Boss
Aksi"AYON! SYA! SYA YUNG ASAWA KO! ASAWA KO TULUNGAN MO KO!" That 11 words who change my life. That 11 words that change me to a married person. That 11 words that bring me to hell. But that 11 words is the reason why I already know what love really is...