Joline's POV
"Dark, t-tignan mo sila. Ang sama ng tingin."sabi ko kay Dark.
Nandito kami sa bloody party. Halos lahat sila nakatingin samin.
May mga amerikano, japanese, chinese.. Letse! Bat kailangan ko pa kasing sumama?!
"Dont look at them."utos sakin ni Dark kaya sa floor nalang ako tumingin.
"Joline sis, wag kang lalayo samin."sabi sakin ni Renz.
"Bat kasi di nalang si Fey ang sinama nyo?"tanong ko.
"Masyadong delikado."tanging sagot nya.
"Ginagago mo ba ko Renz? Ibig bang sabihin nun mas mahalaga si Fey sa inyo at ako'y ---"
"Wife.."suway sakin ni Dark kaya tinikom ko na yung bibig ko
Ang daming bumabati sa kanila kaso, bitter sila sakin siguro dahil ang gwapo ng asawa ko, or.. Ang ganda ko.. *flip hair* walang pipigil!! MABABAOG.
"Dark, nawiwiwi ako."sabi ko.
Sinamahan nya ko sa CR.. Uhmm.. Wag green! Nasa labas sya nuh?!
Lumabas na ko at humarap sa salamin ng bigla ring bumukas yung pinto nung isang cubicle at nilabas nito ang isang magandang babae. As in. Sobrang ganda. Nahiya tuloy ako.
Nanlalaking mga mata ang ibinigay nya sakin at kinain ko yun. Charr?! Parang gulat kasi sya at parang nakakita ng multo.
"Hi?"patanong na sabi ko sa kanya.
Lumapit sya sakin at hinawakan ang pisngi ko at kinapa kapa at hinawakan ang ulo ko.. Teka.. MAFIA NGA PALA ANG MGA TAO DITO?! Panu kung.. Panu kung dukutin nya ang utak ko at ibenta sa mga taong walang utak katulad ni Dark..? OK. OA ko ang OA ko. Inalis ko yung kamay nya at tila nagising naman sya at bumalik sa katinuan.
"Oh my gosh. Ikaw ba si Jol--"
"GENNY!!"
Napalingon kami sa pinto at si Vanessa lang pala. Hinila nya ko at tinago sa likod nya.
"Oh? Look who's here. Vannessy."sabi nung babae.
"Tigil tigilan mo si Genny, hanna."
HANNA?! So sya si Hanna? Sya yung pinaguusapan ng mga maids? Yung babaeng kinocompare sakin ni Vanessa? Yung ayaw masagot ni Dark. At ang masakit... Ang fiancee ni Dark.
Wala naman kasing sinabi sa sulat na hiwalay na sila.
Bakit ang sakit? Bakit parang?...
May heart attack ba ko? Bat parang may asthma ako na may TB na may cancer na hindi maipaliwanag.

BINABASA MO ANG
He Is The Mafia Boss
Action"AYON! SYA! SYA YUNG ASAWA KO! ASAWA KO TULUNGAN MO KO!" That 11 words who change my life. That 11 words that change me to a married person. That 11 words that bring me to hell. But that 11 words is the reason why I already know what love really is...